Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update po tayo sa Bagyong Uwan.
00:02Kausapin natin si Pag-asa Weather Specialist Dr. John Manalo.
00:05Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:09Magandang umaga at ganoon din po sa ating mga taga-sabaybay.
00:11Nasa na po ang Bagyong Uwan at saan mga lugar pa posibleng makaranas pa rin po ng mga pag-uulan at malakas na hangin?
00:18Sa ating latest bulleted, itong si Bagyong Uwan ay nasa 135 kilometers west-northwest ng Baknotan, La Union.
00:26Ibig sabihin nito ay dahil sa laki nitong si Bagyong Uwan na umaabot ng 850 kilometers yung radius.
00:34So about 1,600 plus, 700, 1,700 kilometers yung diameter nito.
00:40Kaya mayroon pa rin tayong signal number 3 dito sa Ilocos Sur, northern and central portion ng La Union,
00:45northwestern portion ng Pangasinan, signal number 2 naman,
00:48sa Batanes, Cagayan, including Baboyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayaw, Abra, Kalinga,
00:53Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, natitirang bagay ng La Union,
00:57natitirang bagay ng Pangasinan, Aurora, Sabales, Bataan, Nueva Ecea, Tarlac, Pampanga, at Bulacan.
01:03Signal number 1 na lamang po dito sa Metro Manila,
01:05pero kahit signal number 1 ay mararanasan pa rin natin yung mga pagbugsul ng hangin.
01:10Also gusto rin po natin banggitin na mayroon tayong heavy rainfall warning.
01:14Naka-yellow pa rin po dito sa Metro Manila.
01:17At to continue po yung mga signal number 1, kasama dito yung Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon,
01:22kasama ang Polilio Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro,
01:27kasama po yung Lubang Islands, Marinduque, Romblon, northern portion ng Palawan,
01:31kasama ang Kalamihan and Cuyo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes,
01:34Albay, Sorsogon, northern and western portion ng Masbate,
01:38kasama ang Burias at Ikaw Islands, Aklan, Capiz, northern and central portion ng Antique,
01:42kasama ang Kaluya Islands.
01:44So yun po yung mga may babala na patungko sa lakas ng ating hangin na associated dito kay Bagyong Uwan.
01:50Okay, at makikipaliwanag na rin po kami sa inyo doon sa sinasabing pagbasag daw ng Sierra Madre
01:56sa mata ng Bagyong Uwan, kaya hindi daw ito masyadong naka-apekto sa ilang lugar dito sa bansa
02:01na ina-expect po talagang grabe.
02:05Opo, actually, yung epekto ng Sierra Madre ay, well, nandun talaga siya,
02:11pero pag tumama po talaga sa kalupaan yung mga bagyo,
02:15talagang ang nagiging karakteristik niya ay humihina.
02:19So from super typhoon, kapag nagkaroon, isa po sa mga dahilan nito,
02:23ay nawawalan siya ng source ng energy.
02:25Kung i-compare natin yung kalupaan,
02:28wala pong moisture dyan na nakasingdami nung nasa karagatan.
02:31Yung moisture na yan ay nakadepende rin po doon sa tinatawag natin na
02:35sea surface temperature o yung temperatura ng karagatan.
02:38Kapag mas mainit po yung temperatura ng karagatan,
02:40mas mataas yung chance na magkaroon ng updraft o yung evaporation.
02:45At yun po yung tumutulong sa mga bagyo na mag-form.
02:48At ganoon din naman yung tinutulong niya para mas lumakas pa yung mga bagyo.
02:51At kapag wala po yun, relatively mas sihina po talaga yung mga bagyo natin.
02:56At meron din po nga study na ginawa yung ating former professor sa UP na si Dr. Jerry Bagtasa
03:02and also our colleague, si B. A. Racoma.
03:05At pinaliwanag po nila through simulation.
03:09Like yung simulation po ay numerical modeling.
03:13So yung numerical modeling naman, halimbawa meron tayong equations na inaaral sa high school,
03:18ideal gas law and others.
03:19So sa atmospheric system, meron din po tayong mas matataas na equation.
03:23Hydrostatic equation, obvious law.
03:25So isipin po natin yung mga equation na yun, lagyan natin sa computer.
03:28Tapos yung computer, utusan natin, lagyan natin ng data.
03:30And then utusan natin, computer, ano kaya ang mangyayari kapag may shera madre o wala.
03:35So yung kanilang findings ay nakita nila na hindi po kasing laki ng contribution
03:40nung shera madre yung nagiging tulong.
03:44Opo, yes po.
03:45Kami ho ay maraming natutunan at salamat din po sa inyong update sa amin.
03:50Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist, Dr. John Manalo.
03:55Salamat po.
04:00Salamat po.
04:01Salamat po.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended