Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaugnay ng pagbabago sa Liderato ng Kamara, kausapin natin si House Deputy Speaker, Congressman Janet Garin.
00:06Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
00:10Magandang tanghali at maraming salamat sa pagtawag, Rafi.
00:13Ano po yung aasahan ng taong bayan ngayong nagkaroon ng pagbabago sa Liderato ng Kongreso?
00:19Naiintindihan naman natin at ramdam na ramdam na rin namin na medyo nagkakaroon ng sunog.
00:26The institution is on fire. At kailangang maibalik ang tiwala ng taong bayan sa Kongreso.
00:32Napaka-importante nito.
00:33Hindi naman natin sinasabing guilty kung sino-sino mga opisyal ang nadadamay.
00:38But it's very important to give Congress a fresh face and to regain the trust of the people.
00:45So unang-una makikita ito sa ilalabas na budget na yung 2026 na GAP or General Appropriations Act in the future.
00:57Makikita dito yung mga pagbabago kasi nakita na ngayon yung mga proseso kung saan nagkakaroon ng...
01:05kung saan nawala ang safeguards ng pera ng taong bayan.
01:13Bago po ba ito, mga isinawalat na ito, hindi talaga alam ng Kongreso na may mga ganitong insertions,
01:17may mga ganitong pagpapasok ng mga insertions ng mga pondo sa GAA.
01:24Kaya ngayon lang po ngayon nag-aact itong Kongreso?
01:27Hindi naman bago ang insertion. In fact, allow me to correct it.
01:31Hindi ibig sabihin na lahat ng insertion ay mali.
01:34Ang insertion actually, the word that meant or erata.
01:38Ano po ba ito? Kapag may nakita kang pinondohang project pero nagawa na pala,
01:42or project na ginagawa ng LGU, or ginagawa ng pribadong sektor na nagbigay,
01:48kukunin mo ito at madidesisyon na ng buong kumitiba at buong kongreso,
01:52itililipat mo sa ibang project.
01:54Yung pagpapasokan, yun na ang nagiging insertion.
01:57Pero technically, it's actually an erata.
01:59Kasi yan nga ang trabaho ng Kongreso.
02:02O sabihin natin, yung mga nagdo-doble-doble o yung meron kang hanging bridge,
02:06pero wala na, nagkaroon ng climate change, masyado ng malapad yung ilog,
02:11tulay na ang dapat ilagay. Ito yung mga erata.
02:15Pero so ang sinasabi po ninyo, yung insertions per se hindi masama,
02:18pero ito po'y naabuso?
02:20Yes, definitely.
02:22Yung magandang bagay na parte ng trabaho ng kongreso para ayusin,
02:27yan yung check and balance, naabuso.
02:31Kasi talaga naman, example, merong mga programa,
02:35let's say computerization,
02:37pero nakita naman natin na wala naman pala pa yung building.
02:41So ililipat mo yan.
02:42Let's say gagawin mo yung sweldo or construction of new school buildings.
02:46Mga ganitong bagay.
02:48Example ngayon, nakikita natin sa Department of Health.
02:50Merong pondo na 2.5 billion for health promotion.
02:55Importante ang health promotion, pero hindi kailangan ng 2.5 billion yan.
02:59Kasi usually, nasa 500 million lang yan to 1 billion.
03:02So yung 1.5, i-erata mo yan.
03:05I-insert mo sa panibagong programa.
03:07Alin ba yung mga ospital na kulang?
03:10Ang nangyari lang dito na abuso,
03:12tsaka hindi mo na kasi makita yung implementation sa baba.
03:16Kaya nakakagulat din at nakakagalit din para sa amin
03:20yung mga ghost at extremely substandard projects.
03:23May gagawin, magkakaroon po ba ng bagong direksyon,
03:26yung ginagawang investigasyon ng kamera
03:28sa flood control project sa bagong liderato ng kamera?
03:30Well, dahil andyan na yung ICI,
03:34yung Independent Committee on Infrastructure.
03:37Unang-una, para hindi magulong investigasyon,
03:39minamarapat namin lahat at nadesisyonan ito ng liderato ng kamera
03:43na ihintun na muna yung investigasyon na yan.
03:47However, when it comes to exercising our oversight powers
03:51para malagyan ng safeguards,
03:53yung aspeto na yun ay ipagpapatuloy.
03:55Ang malaking bagay na maitutulong ng kongreso
03:57ay mabigyan ng platform.
03:59Kung sino man yung mga mapangalanan,
04:02maybe wrongly accused,
04:03or pwedeng politika yan,
04:04pwede namang totoo yan,
04:06eh mag-co-cooperate,
04:08the cooperation,
04:09the full cooperation of the institution
04:12para bigyang daan ang investigasyon
04:15at itulungan na maglantad at makasagot
04:19yung mga kasamahan namin sa kongreso na madadawit,
04:22ayun ay malaking tulong.
04:23Para talagang malinawan at makita saan
04:26at paano ito nangyari.
04:28Nabanggit niyo po ititigil na ng kongreso
04:29yung inyong investigasyon.
04:31Paano po yung ibang pwede pang mabanggit dito?
04:34For example, ang sinasabing ngayon at nagbiti yun na,
04:36ang dating leader ng kamera
04:40ay pwede na siyang mabanggit at maimbestigahan.
04:43Well, before he left office,
04:45when he signified,
04:46when Speaker Martin Romalda signified his intention to resign,
04:49marami ang nagtanong,
04:50bakit?
04:51Kasi baka mamaya,
04:53mamisconstrued as guilt.
04:55Sinabi naman ng karamihan,
04:57hindi.
04:57But what the Speaker said is,
04:59gusto kong mabigyan
05:00ng bagong pagkakataon yung kongreso
05:04na hindi madamay ang institusyon.
05:06At siya ay lalantad,
05:08haharap,
05:08sasagutin niya yung lahat ng katanungan.
05:11Ang nangyari rin kasi,
05:12na ano ni,
05:13hindi na maka-fully 100% function si Speaker Martin
05:17dahil nga kaliwat-kanan din yung mga issues.
05:20So he will fully concentrate
05:22if in case mapangalanan siya dun sa mga investigasyon
05:25and at the same time,
05:26hindi niya papabayaan yung kanyang distrito
05:28sa probinsya ng Leyte.
05:31Ano naman pang plano niyo kay Congressman Zaldico
05:32na pinababalik na ni House Majority Leader
05:34Sandro Marcos?
05:35Paano yung kanya pong trabaho?
05:36Actually, sa pagkakaintindi namin,
05:39medyo matagal na rin siyang kinukumbinsin ni Speaker Martin
05:42na makabalik nga.
05:43Initially, nalaman nga na merong health situation
05:46and we were thinking na baka mga two weeks.
05:49Unfortunately, meron siguro mga sirkumstansya
05:51at meron siyang mga kinakausap of course.
05:54Yung pamilya niya,
05:55yung mga kasamahan niya,
05:57that's their decision.
05:59Pero nagdadasal kami
06:03na para maliwanagan yung lahat na ito
06:05is mabigyan ng pagkakataon
06:08na magsalita siya, marinig siya
06:10para kami mismo malaman rin namin
06:13at malagyan ng safeguards.
06:14We want to know
06:15saan ang naging problema.
06:18And we also want to,
06:19kasi ang hirap eh,
06:20ngayon hindi namin alam
06:21saan dito yung sa
06:22kongresa, sa House,
06:24saan naman dito yung sa Senado.
06:26Okay, aabangan po namin yan.
06:28Maraming salamat po
06:29sa oras na binahagi nyo
06:30sa Balitang Hali.
06:31Maraming salamat.
06:32God bless po.
06:33House Deputy Speaker
06:34Congresswoman Janet Garin.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended