00:00Sa punto pong ito, himayin natin ang mga bagong issue sa maanumalyang umanong flood control projects at ang nabuong Independent Commission for Infrastructure.
00:09So sabi po natin si Ateneo School of Government Dean Jennifer Oreta. Magandang tanghali at welcome po ma'am sa Balitanghali.
00:17Magandang tanghali Connie at magandang tanghali sa mga tagapakinig at tagapanood.
00:21Sa inyo pong opinion, tingin niyo ho ba dapat nang ihinto yung Senate and House hearing ngayon pong may nabuo ng Independent Commission for Infrastructure?
00:31Sa tingin ko, hindi. Kasi kung titignan natin, magkaiba naman ang objective ng Senate hearing at saka ng Independent Commission.
00:38Although mukha lang silang pareho, pero tandaan natin, ang Senado, yung mga hearing na ginagawa nila ay in aid of legislation.
00:46Ibig sabihin, tinitingnan nila kung may weakness ba yung mga existing natin ng mga batas para mapunuan ito or ma-amiendahan para mas mapalakas pa,
00:56lalong-lalo na yung pag-monitor ng mga katiwalian or itong mga corruption para hindi na ulit.
01:04Una, para maimbestigaan na mas maayos o kaya ay hindi na maulit pa.
01:08Yung Independent Commission, on the other hand, ay maliwanag yung mandato.
01:12Imbestigahan itong lahat ng mga nakawan at kickback na sinasabi dahil dito sa mga flood control projects.
01:21Hindi ho ba maapektuhan kaya yung both houses in terms of their integrity kung mag-iimbestiga ng kanilang kapwang mga kasamahan na napangalanan po dito sa mga hearing?
01:33Hindi ko, pero sabi ko nga, para itong cathartic moment para sa atin, kailangan natin daanan lahat ito para makikita talaga ng taong bayan na yung demokrasya natin ay gumagana.
01:46At pag sinabi natin gumagana, ibig sabihin lahat ng mga apektado o lahat ng mga accused ay magkakaroon ng due process, magkakaroon ng panahon para maipakita nila kung totoo nga bang hindi sila sangkot.
02:03Pero ang mahalaga ay makikipag-cooperate sila kung totoo nga ba na sila ay walang kinalaman dito sa issue na ito.
02:11Alright. At anong naman ho ang masasabi nyo sa profile po at karanasan na rin, track record ng mga tatlong miyembro po ng ICI panel?
02:21Sa akin, very hopeful ako dahil nahanjan si dating Secretary Babe Simpson, tapos yung taga-SGV si Ma'am Fajardo at si Chairperson Reyes.
02:36Although syempre maraming mga sinasabi tungkol sa kanilang mga background, halimbawa si Secretary Justice Reyes, pero sa tingin ko, kaya nilang patunayan yung kanilang integridad at pagiging independent.
02:51So, I think dun sa larangan ng pagmumonitor ng integrity and accountability, itong tatlo na pinili kasama yung investigador si Mayor Magalong.
03:04Kaya nilang patunayan at sana nga, I think lahat ng mga tao ngayon ay nagbabantay at nag-hopeful na itong independent commission ay totoo nga makakapag-imbestiga
03:16at makakapag-recommenda ng mga solusyon para hindi na maulit yung ganitong klaseng kalaking corruption na nakikita natin.
03:26Okay, sapat na ho ba yung kapangyarihan para direkta ng matanong, maimbisigahan at makasuhan yung mamapatunayan, may palanagutan yung mga nasasangkot po na senador at kongresista?
03:37Given, ito hong sa Executive Order 94, meron silang parang powers talaga na binigay, pero recomendatory pa rin in the end ang kanila hong maibibigay lamang.
03:50Sa akin, kasi delikado naman kapag binigyan natin ng additional na kapangyarihan.
03:59Dahil meron tayong mga korte, kaya tama lang sa akin yung kapangyarihan.
04:05In fact, malaki nga yung kapangyarihan ibinigay ng Executive Order para dito sa independent commission dahil may isang P na power sila.
04:15Kaya nilang ipatawag yung iba't-ibang mga ahensya o iba't-ibang personalidad.
04:21Pero ayoko din naman na bigyan sila ng sobrang laking kapangyarihan dahil kung may katiwalian, mayroon tayong mga korte.
04:30Pwede tayong magsampan ng mga kaso sa korte.
04:33Okay, yung pong mga mayatmen, nakakalinig tayo na may mga politiko po na nag-volunteer na,
04:39na mag-waive ng kanilang bank, mga banko, kanilang bank secrecy law na sinasabi.
04:45Hindi ko ba po pwedeng lahat na lamang ng mga politiko ngayon, di ba kung talagang ahens,
04:51dahil meron tayong extraordinary na time na sinatawag natin ngayon na pinagdadaanan ng bansa
04:56para mabalik yung tiwala ng publiko sa kanilang lahat?
05:01Dati meron tayong sal-en eh, di ba?
05:03Nung panahon ni Pinoy, nung panahon ng mga previous administration,
05:08mahigpit na ipinapatupad yung sal-en, no?
05:10So kaya itong mga waiver na sinasabi ni itong mga na-implicate dito sa issue na to,
05:17unang-una hindi natin utang taloob sa kanila na nag-waiver sila kasi responsibilidad nila yun, no?
05:24At sana nga, ibalik na natin ulit yung statement of assets and liabilities,
05:29itong sal-en compliance ng mga public servant, no?
05:33Kasi kailangan tatunayan nila na nahan dyan sila at ang intention nila ay maglingkod, no?
05:41Hindi para gamitin ang kapangyarihan ng pamahalaan para pakapalin yung kanilang mga bulsa.
05:49Opo, at inaasahan nga po na sa September 21,
05:52iba't-ibang malalaking grupo ang magkakaroon po ng mga kilos protesta.
05:55But prior to that, marami na rin tayo nakita ng mga grupo na nagdaos po nito contra sa korupsyon.
06:02Gaano ho kahalaga ito ngayon na ipinapakita ho ng mga mamamayan
06:07ang kanila hoong disgust o pandiriri sa mga korupsyon na ito?
06:16Dapat tuloy-tuloy, no?
06:18Alam ko nga na may malakihang pagkilos ngayon yung gagawin ng ngayong September 21,
06:23pero hindi pwedeng one time, big time lang ito, no?
06:28Kailangan ay sustain natin.
06:30Ang sabi ko nga, marathon itong paghahalungkat ng ito sa korupsyon
06:34kasi dekada na yung decades of corruption na yung tinitingnan natin,
06:40hindi lamang DPWH.
06:41Sanga-sanga ito sa iba-ibang ahensya, no?
06:44National government, local government.
06:46So, kailangan na masusi at mas parang malawakan at mahabang proseso, no?
06:53Para ungkatin lahat ito.
06:55So, tama na magkakaroon tayo ng ganyang pagkilos.
06:59Sana ituloy-tuloyin natin.
07:01At pagdating sa 2028, siguraduhin natin pumili tayo ng tamang kandidato
07:07na hindi lamang pa ang sarili yung intention,
07:11kundi talagang paglilingkod sa bayan ng objective.
07:14Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Hali, ma'am.
07:18Maraming salamat, Connie.
07:20Yan po naman si Ateneo School of Government, Dean Jennifer Oretta.
Comments