Posibleng maharap sa reklamong plunder ang DPWH Engineer na nagpatupad ng ilang flood control project, kabilang ang isang sinita ng pangulo dahil ghost project umano. Balikan natin ang pag-angat sa kagawaran ni Eng. Henry Alcantara hanggang maging pinuno ng implementing office nito na may pinakamalaking project cost.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Posibleng maharap sa reklamong plunder ang DPWH engineer na nagpatupad ng ilang flood control project kabilang ang isang sinita ng Pangulo dahil ghost project umano.
00:12Balikan natin ang pag-angat sa kagawaraan ni engineer Henry Alcantara hanggang maging pinuno ng implementing office nito na may pinakamalaking project cost.
00:22Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:23Bago pa pumutok ang isyo ng flood control projects, nakapanayam ng GMA Integrated News si dating District Engineer Henry Alcantara ukol sa problema ng mga lubak-lubak na kalsada noong 2022.
00:40District Engineer pa siya noon ang First Engineering District Office ng Bulacan.
00:45Actually, most of the national roads po namin, ang Manila Lot Road, ay talaga naman pong medyo heavily damaged na po yan because of the overloaded trucks na dumadaan sa amin.
00:57Tatlong taon makalipas, si Alcantara ginigisa ngayon sa kaugnayan niya sa ilang ghost flood control projects sa Bulacan,
01:05na bunyag pati ang pagkakasino niya at paggamit ang alyas para makapagsugal.
01:10Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee kahapon, inusisa si Alcantara sa kanyang naging karera sa DPWH.
01:18Kwento ni Alcantara na tubong Bukawe Bulacan, engineering graduate siya mula sa University of Santo Tomas.
01:26Nagsimula raw siya sa DPWH noong 1994.
01:29Ano pong unang posisyon na hinawakan po ninyo?
01:33I was a, nagsimula po ko, job order. Ang item ko po ay laborer 1, naging laborer 2, naging engineer 1, every 6 months po because I was a casual employee at that time.
01:47Taong 2019, naging district engineer siya ng First Engineering District ng Bulacan.
01:52Sino ang nag-assign sa iyo to be a district engineer?
01:56The former Secretary Mark Villar.
01:59Secretary Mark Villar.
02:00Yes, sir.
02:01Ano pong ibig sabihin nun? Malakas ka ba kay Secretary Mark Villar o ikaw lamang ay tamang tao na ilagay dyan?
02:13Nag-apply lang po kayo, Ronald.
02:14Bago siya na-relief, na-promote pa si Alcantara bilang officer in charge ng Office of the Assistant Regional Director ng DPWH Region 4A nitong Hunyo.
02:25Bilang pinuno ng Bulacan First District Engineering Office, hawak ni Alcantara noon ang labintatlong LGU sa Bulacan, kabilang ang mga bahaing bayan ng Hagonoy, Baliwag, Kalumpit at Malolos.
02:38Ang kanyang District Engineering Office ang may pinakamalaking project cost sa lahat ng Implementing Office ng DPWH.
02:46Merong 450 flood control projects.
02:49Ang total cost ay $28.9 billion, basa sa dato, sa sumbong sa Pangulo website mula 2022 hanggang 2025 noong panahon ni Alcantara.
03:00Sa ilalim ni Alcantara, pinatupad ang Reinforced Concrete River Wall Project sa Barangay Piel, Baliwag, Bulacan na inaward sa Sims Construction Trading.
03:11Ito yung proyektong labuking ni Pangulong Marcos na isa palang ghost project.
03:16I'm getting very angry.
03:18Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee kahapon, lumabas na inapurubahan ni Alcantara ang pagbabayad ng P55M sa proyekto kahit hindi ito nagawa.
03:28Si Alcantara rin ang pumirma sa dalawa pang kontrata para sa dalawa pang konekwestyong flood control projects sa Bulacan.
03:36Isa kasama ang St. Timothy Construction Corporation ni Sara Diskaya at isa kasama ang Wawa Builders.
03:44Kayo po ba ang nag-propose ng mga projects na ito para may sali doon sa NEP ng District Office niyo?
03:54Yes, sir.
03:54Yes. So, kayo ang nag-propose? Walang iba kundi kayo?
03:59Yes, sir.
04:00Okay. So, walang politiko na involved dito? Kayo po ang nag-propose na ito?
04:07Yes, sir.
04:09Babalaan ng House Infrastructure Committee, reklamong plunder ang posibleng harapin ni Alcantara.
04:15As soon as I've seen the documents and as soon as I've heard the admissions of District Engineer Alcantara,
04:22ang malinaw po sa akin ang maximum criminal charge na pwede po ikaso kay District Engineer Alcantara sa SIMS Construction Trading,
04:31yung kanila pong managing officer po doon, ay kaso na hindi po bababa dapat sa plunder.
04:37Again, ang project amount po ay 55 million. Ang threshold for plunder ay 50 million.
04:46Sa pagharap ni Engineer Alcantara sa House Infrastructure Committee kahapon, inamin niyang may pagkukulang siya.
04:53Pero hindi ito ubra sa Infracom dahil malaki raw ang papel ni Alcantara sa mga umanoy ghost at substandard flood control projects.
05:01Negligence is going to be his defense in court. And this is something that we reject.
05:08Ikaw yung boss ng opisina. Hindi yun ba? So you cannot pin the staff down, you cannot pin the ordinary employee down.
05:16It was you who was the boss in the District Engineering Office. Wala hong iba.
05:22Sinisika pa namin makuha ang panig ni Alcantara.
05:25Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment