Naugnay na sa ilang kontrobersiya ang ilang construction company na inilista ng Pangulo na naka-korner sa mga proyekto kontra-baha. Ang isang sinita noon ng COA dahil bitin ang ginawang kalsada at naging supplier din ng overpriced laptop sa DepEd naging incorporator ang isang kongresista.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Naugnay na sa ilang kontrobersya ang ilang construction company na inilista ng Pangulo na naka-corner sa mga proyekto kontrabaha.
00:09Ang isang sinitanoon ng COA dahil bitin ang ginawang kalsada at naging supplier din ng overpriced laptop sa DepEd,
00:18naging incorporator ang isang kongresista. Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Sa 15 construction companies na binanggit ng Pangulo, pinakamalaking halaga ng mga proyekto ang nakuha ng SunWest Incorporated
00:42base sa datos mula sa Malacanang. Para yan sa 78 flood control projects na nagkakahalaga ng mahigit 10 bilyong piso.
00:50Ang SunWest Incorporated dati nang naugnay sa ilang kontrobersya base sa pananaliksik ng GMA Integrated News Research.
00:58Noong 2012, sinitan ng COA ang isa sa kanilang mga proyekto.
01:02Lumabas kasi na bitin ng higit 2,000 square meters ang lapad ng kasadang kanilang ginawa kontra sa nireport nitong accomplishment sa DPWH.
01:11Napuna rin sila noon ng Senado kung bakit ang isang construction company ay naging supplier ng PSDBM
01:17para sa protective personnel equipment o PPE noong pandemya noong 2020 at 2021.
01:24Noong panahon yun, SunWest Construction and Development Corporation o SCDC pa ang kanilang pangalan.
01:31Lumabas na rin ang pangalan ng SCDC bilang supplier ng umano'y overpriced at outdated na laptop sa DepEd sa 2022 audit ng COA sa PSDBM.
01:41Dating incorporator ng SunWest pero nag-divest na umano si Ako Bicol Partylist Representative Elizalde Co.
01:48Sinusubukan pa namin kunin ang kanyang pahayag.
01:51Mahigit siyam na bilyong piso naman ang nakuha ng Legacy Construction Corporation para sa 132 projects na pinakamarami sa listahan.
02:00Pinuntahan namin sa Pasig City ang nakuha naming office address nito pero sinabi ng security guard na lumipat na ang legacy bago mag-COVID pandemic noong 2020.
02:09Mahigit 7 bilyong piso naman ang na-corner na project ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation.
02:17Pareho ang office address ng Alpha and Omega sa St. Timothy Construction Corporation na na-awarda naman ng mahigit 7 bilyong pisong flood control project.
02:27Pero sa labas ng office address ng dalawa, ang nakalagay na pangalan ay St. Gerard Construction.
02:32Sa pinakahuling general information sheet ng Alpha and Omega, Sara Diskaya ang nakalagay na presidente.
02:39Siya ang nakalaban dati ni Pasig City Mayor Vico Soto sa pagkaalkalde ng lungsod noong eleksyon 2025.
02:46Dati nang nakapanayam ng GMA Integrated News si Pasifiko Diskaya, asawa ni Sara, na nagsabing dati silang shareholder ng St. Timothy.
02:53Pero nag-divest na raw sila dito.
02:55Nang upahan rin daw dati sa kanilang building ang St. Timothy pero umalis na ito.
03:00Ang St. Timothy ang nag-pull out na venture partner ng Miro Systems para sa 2025 automated elections.
03:07Sinusubukan pa rin naming hingin ang kanilang mga pahayag.
03:11Halos 8 bilyong piso naman ang na-award sa EGB Construction Corporation.
03:15Git ng kumpanya, quadruple A status ang kanilang construction company dahil maintegridad ang kanilang kumpanya.
03:22Maayos po ang aming trabaho. Tumutupad po kami sa lahat ng plans and specification.
03:28Tinawag ng Pangulo na disturbing ang pagka-corner ng ilang kumpanya sa 20% na mga proyekto sa buong bansa kaya dapat anyang tignan.
03:37May paliwanag si Roland Simbulan ng Center for People Empowerment in Governance o CENPEG.
03:42They invest in politicians tapos yung politicians are expected to provide them with the contracts that they want to corner.
03:50Kabilang anya sa ginagawa ng iba ang pagbibigay ng campaign fund, bagaman wala naman siyang inihalimbawa.
03:57Paborito anyang gatasan ang mga flood control project.
04:00Mahirap kasing i-monitor ito precisely because they are not so visible.
04:05We can only test their effectiveness and efficiency or what is deficient about them when the flood is already there.
04:14Aminado si DPWH Secretary Manny Bonoan na may hamon sa pagberipika ng mga ipinatutupad na proyekto.
04:22We're doing our best actually to monitor actually but once again the challenge is actually to verify them actually in the field.
04:30Bukod dyan, sabi ni Palo spokesperson under Secretary Claire Castro, may mga tiwaling contractor daw na nalulusutan ang proseso.
04:37Maging mapanuri, mga dating na blacklist, nag-iba lang ng pangalan at ngayon ay mukhang nakakapag-transact pa muli sa gobyerno.
04:48Mahiya naman kayo.
04:49Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment