Skip to playerSkip to main content
Isa sa pinakabahain at pinaglaanan ng pinaka malaking budget kontra-baha ang Bulacan. Pero ang pinakamahal na flood-prone project sa Bulacan na idineklarang tapos noong 2024 dinatnan ng GMA Integrated News na inaayos at tinambakan pa ng bato.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang araw-araw na kalbaryo ng mga taga-barangay Panginay sa Balagtas, Bulacan.
00:09Ang mga estudyante naguhubad na ng mga sapatos para makatawid sa baha.
00:12Ang bota normal na pang-araw-araw na.
00:15Pagka bumabagyo, umuula.
00:17Mas lalo pong mataas kasi nagsasama po yung high tide, yung tubig ng bagyo.
00:21Tapos minsan po nagpapakawala pa po yung dam, kaya sama-sama na po.
00:25Iba na.
00:26Iba.
00:26At inibanyo na yung tayo sa ganyan?
00:28Laging bahay. Laging malalim ang tubig.
00:30So, tinas ko na?
00:31Oo, tinas ko para makabiyahe.
00:33Kung hindi.
00:34Alam, biyahe.
00:35Sa katabing barangay Wawa, nakababad na sa tubig ang mga puntol sa sementeryo.
00:40Pati ang maraming bahay tulad ng bahay ni Aling Flory.
00:4380 na ako eh!
00:44Baha pa rin.
00:45Araw-araw, baha!
00:47Makakamating.
00:48Ang alin?
00:48Hinti, baha na.
00:50Huwag naman!
00:52Puro magdanakang.
00:53Ang problemang baha, may solusyon naman sana.
00:55Dahil dito sa Balagtas, Bulacan, makikita ang pinakamahal na proyekto sa buong probinsya.
01:01Ang lampas 200 metron flood control structure sa barangay San Juan, Wawa at Panginay.
01:07Sa website ng Sumbong sa Pangulo, nakalagay na tapos na raw ito September noong isang taon pa.
01:12Pinuntahan namin ang lugar.
01:13Nandito tayo ngayon sa lokasyon na ito at ang sabi sa atin ng DPWH, ito yung project no.
01:20So itong stretch na ito, yung yelo, yan.
01:24Ito yung flood control project.
01:26Ang halaga ng proyektong ito, 151.5 million pesos.
01:31May ilang bahagi na kinukumpuni at tinatambakan ng bato.
01:35Andike pinapalamanan ng mga sako-sakong graba at may patong na simento.
01:41Tuloy-tuloy rin ang dating ng mga truck-truck na materiales.
01:45Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagang kontotista na Wawa Builders
01:49pero hindi pa sila sumasagot sa cellphone number na nasa record ng kanilang kumpanya.
01:53Ang bulakan pang-anim sa pinakambahaing lugar sa buong bansa.
01:58Pero ito rin, ang may pinakamalaking kabuang budget kontrabaha.
02:02Sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research,
02:05meron itong 43.7 billion pesos mula sa nasa 547 billion pesos na budget para sa buong bansa.
02:14Ang bayan ng Baliwag ang may pinakamaraming bilang at pinakamalaking kabuang halaga ng flood control projects.
02:20Pero pang-syam lamang ito sa pinakabahain sa probinsya.
02:24Isa sa pinakamahal na proyekto dito sa Baliwag,
02:27ang 96.49 million pesos na riverbank protection structure sa barangay Sullivan
02:33na natapos na raw noon pang September 2024.
02:36Pero nang puntahan namin, may mga bahaging bungi pa.
02:40Nagtataka rin ang ilang residente kung bakit nilagyan sila ng flood control project.
02:44Basta po dito sa amin, hindi kami binabaha.
02:47Ever since ha? Dito ka nalang maki ha?
02:48Opo, tatay ko po yung may ari nito.
02:51Kung tutusin may pera naman para sa mga proyektong kontrabaha dito sa Bulacan,
02:56ang tanong na lamang ay kung napunta ang perang yan para sa mga proyekto.
03:01Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagan DPWH,
03:05pero kahapon ay nagsumiti na ang Bulacan DPWH sa mga dokumento
03:09sa Commission on Audit OCOA na nagsasagawa ng fraud audit.
03:13Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended