Skip to playerSkip to main content
Sinibak sa puwesto at hindi na puwede magtrabaho sa gobyerno ang tatlong opisyal ng DPWH-Bulacan na sangkot umano sa mga ghost project sa probinsya. Bukod sa paghabol sa mga contractor, iniutos din ng pangulo na ibalik ang dating sistema sa pag-apruba ng mga proyekto na dapat ay katanggap-tanggap muna sa lokal na pamahalaan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinibak sa pwesto at hindi na pwedeng magtrabaho sa gobyerno ang tatlong opisyal ng DPWH Bulacan na sangko-tumanon sa mga ghost projects sa probinsya.
00:11Bukod sa paghabol sa mga contractor, iniutos rin ng Pangulo na ibalik ang dating sistema sa pag-aproba ng mga proyekto na dapat e katanggap-tanggap muna sa lokal na pamahalaan na katutok si Joseph Moro.
00:30Official ng sinibak sa pwesto, sina DPWH Bulacan District 1 Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez, Construction Division Chief JP Mendoza at Chief Accountant Juanito Mendoza,
00:42batay sa desisyon ng DPWH guilty ang tatlo sa reklamong administratibong disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino people,
00:50grave misconduct, gross neglect in the performance of duty, and conduct prejudicial to the interest of service.
00:57Sina Hernandez at Mendoza ang nag-aproba sa umunay natapos na flood control project sa Barangay Perez sa Bulacan, Bulacan na may halagang P92.58 million at P55 million na proyekto sa Barangay Pialbaliwag, Bulacan na personal na binisita ng Pangulo.
01:15Pero sa investigasyon ng Internal Audit Service ng DPWH, walang naitayong ni struktura kaya itinuring itong ghost project.
01:22Sa kabila nito, binayaran pa rin ang accountant na si Mendoza ang parehong proyekto sa Sims Construction.
01:29Hindi sumagot sa memo noon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, Sina Hernandez at Mendoza.
01:35Pero pagtatanggol ni Auditor Mendoza, limitado ang niya ang kanyang papel sa pag-aproba ng paglalabas ng pondo at hindi kasama ang aktwal na pag-berifika sa mga proyekto.
01:47Bukod sa pagsibak habang buhay silang hindi pwede magtrabaho sa gobyerno. Wala rin silang matatanggap na retirement benefits.
01:55Nauna na nang sinibak sa servisyo si dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
02:00Nauna na rin sinampahan ang reklamong kriminal sa ombusman ng apat.
02:04Ang Pangulo hahabulin daw ang mga kontraktor para gawin ang mga ghost o substandard na proyekto.
02:10Para sa akin, kailangan buuhin nila yung project dahil kung titignan ninyo, may warranty lahat yung project na yan.
02:20Kahit sinabi nilang completed, pag na-discovery na hindi tama ang pagkagawa,
02:28they still have to respect, they still have to honor the warranty that they have given us to complete the project properly.
02:38So we can still go back to them at sasabihin natin sa kanila,
02:43balikan ninyo yung walang kwentang project na ginawa ninyo at ayusin ninyo ng maganda.
02:49Out of your own pocket.
02:51Ibabalik din ang Pangulo ang proseso na kailangang tanggapin muna o magkaroon ng acceptance
02:57ang lokal na pamahalaan sa mga proyekto ng national government.
03:01So, I have instructed the DPWH and for that matter, all of the department to return that.
03:13Tinanggal in the last administration yan, yung acceptance.
03:16Gumagalaw na ang Anti-Money Laundering Council o AMLOC at Bureau of Internal Revenue o BIR
03:21para malaman kung may dapat kasuhan ng tax evasion at money laundering
03:26sa mga sangkot sa mga manumalyang flood control project.
03:29May joint investigation ng Bureau of Internal Revenue at Anti-Money Laundering Council
03:35kaugnay ng mga umunig anomalya sa flood control projects.
03:38Ayon sa BIR, nakikita raw ng AMLOC ang lahat ng mga transaksyon sa bangko
03:44ng mga kumpanya at individual na sangkot sa mga manumalyang flood control project.
03:49Maaari raw humingi ang AMLOC ng mga bank reports sa mga pinagsususpet siyang nagmamoney laundering.
03:55Ibabangga raw ang mga record na ito sa mga pinayarang tax at kung hindi tama ang ibinayad,
04:01ay maaaring kasi ito ng tax evasion.
04:04Sakop raw sa gagawing tax frauded audit ng BIR,
04:08ang lahat ng mga kontraktor, opisyal ng gobyerno,
04:11at mga pribadong individual na sangkot sa anomalya.
04:14Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended