Skip to playerSkip to main content
Fully paid at idineklara nang tapos pero hindi maaninag ang isang flood control project nang puntahan ng pangulo sa Baliuag, Bulacan. Galit ang pangulo at nagbantang hahabulin ng kasong economic sabotage ang mga sangkot. P55 milyon pa naman ang ipinondo sa proyekto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Fully paid at idinekla na ng tapos.
00:08Pero, hindi maaninag ang isang flood control project
00:13ng puntahan ng Pangulo sa Baliwag, Bulacan.
00:16Galit ang Pangulo at nagbantang hahabulin ng kasong economic sabotage ang mga sangkot.
00:2355 million pesos pa naman ang ipinondo sa proyekto.
00:28At nakatutok si JP Sorian.
00:30Walang kasama si Pangulong Bongbong Marcos na sino mang opisyal o mataas na opisyal ng Bulacan
00:39nang puntahan ng isa dapat na flood control project sa Baliwag, Bulacan.
00:44Nang maratingang lugar, wala ni Anino ng konstruksyon ang nakita ng Pangulo.
00:48Wala kaming makita ng kahit isang hollow block, isang simento, walang equipment dito.
00:57So, lahat itong project na ito, ghost project.
01:04Walang ginawa na trabaho dito.
01:05Sa bit-bit niyang mga dokumento, dapat may nakatayo ng reinforced concrete river walls dito sa Purukfor,
01:13Barangay Piel, isang bahagi ng Baliwag, Bulacan na madalas bahain.
01:17Ang proyekto, nagkakahalaga ng mahigit 55 million pesos at may sukat na 220 meters.
01:26Fully paid na ang proyekto at may resibo pang ang ipinakita na ibinayad sa kontraktor na Sims Construction Trading.
01:33Nag-report sila na completed. Kitang-kita naman na hindi completed.
01:37So, immediately that's a falsification.
01:40So, that's already a very big violation.
01:47And for the big ones, talagang I'm thinking very hard to pipilahan natin sila na economic sabotage.
01:53Because economic sabotage is very clearly.
01:57Ayon sa Pangulo, sinabi sa kanya ng chairman ng barangay na may kumausap daw sa kanila noon
02:03at nagsabing may gagawing flood control project.
02:07Pero kalaunan ay naglaho na lang daw na parang bula.
02:11Magkatapos, sinabi sa barangay na magpapatulong para itayilalagay nila yung project.
02:17Tapos umatras din. Sinabi after a while, di na matutuloy.
02:21So, siguro nabayaran na.
02:23Sa kanyang nadiskubre, ito ang nasabi ng Pangulo.
02:27I'm getting very angry.
02:29This is what's happening.
02:30Natilag nakaka...
02:32Kung di naman, papano naman?
02:34Pero wala talaga.
02:35220 meters, 55 billion.
02:38Completed ang record ng public works.
02:44Walang ginawa.
02:45Kahit isang...
02:46Wala.
02:46Kahit isang araw hindi nagtrabaho.
02:48Wala.
02:48Wala kang makita.
02:49Puntahan ninyo.
02:50Wala kayong makita kahit na ano.
02:52Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila.
02:55So, yes.
02:56Sir?
02:58Sir?
02:59Alam daw ng Pangulo ang modus kung paano kumita sa mga maanumaliang flood control projects.
03:05Ang teknik kasi ginagawa ngayon eh, yung contractor makakakuha may award ng contract sa kanila.
03:11Tapos hindi nila ginagawa yung trabaho.
03:14Pinagbibili nila yung contract sa mga subcontractor.
03:19Bahala na kung yung subcontractor kung tutuloy niya yung project.
03:23Bahala na sila kung maganda, kung nasa standard o substandard.
03:29Kahit napapabayaan.
03:30At yung iba, di nalang tinutuloy.
03:32Pina-blocklist na ng Pangulo ang SIMS Construction Trading.
03:37Mahaharap din daw sila sa mga kaso.
03:40Pinahahanap at pinasisiyasat na rin ang iba pa nilang proyekto.
03:44Sususpindihin at kakasuhan din daw ang lahat ng opisyal na nag-authorize at nakipagsabwatan dito.
03:50Hindi po namin sinami alam yan eh.
03:52Siyempre, kami ano lang po rito eh.
03:54Hindi namin alam na yan eh.
03:56Dapat tapos na.
03:57Kung bag yung kamukha nang din na sa ibang lugar natin, e, ubus kami rito.
04:02Pinuntahan ng GMA Integrated News ang opisina ng SIMS Construction Trading sa Malolos, Bulacan
04:07na nakasulat sa resibong ipinakita ng Pangulo.
04:11Isa itong bahay sa isang subdivision na walang kahit anong marker o commercial signage.
04:16Nakausap namin ang nagpakilalang katiwala sa bahay
04:19at kinumpirma niyang, yun nga daw, ang opisina ng SIMS.
04:23Tinanong namin kung maaaring makausap ang may-ari ng SIMS
04:27pero tumagi na siyang sumagot.
04:29Iniwan namin ang aming contact number at email.
04:32Wala rin kaming makitang kahit anong website o social media page ng SIMS.
04:37Isa pang proyekto sa barangay PLD ng pinasisilip ng Pangulo.
04:41Inaalam pa kung sino ang kontraktor nito.
04:44Parang nagtuturoan ngayon yung dalawang kontratista.
04:47Sinasabing hindi maituloy ito.
04:49Hanggat magawa ito.
04:52So, nakikiusap.
04:54Ewan ko, basta meron daw silang usapan na itutuloy ngayon ito.
04:58Ngayon kung titignan ninyo yan, inabot na tayo ng tag-ulan.
05:02Kung titignan ninyo kung abuti ng bahayan,
05:04naglag ka agad yan yung pader na yan.
05:06Hindi tatagal yan.
05:07So, substandard pa rin.
05:11We will not stop.
05:12We will keep going until ma-identify na mabuti at makasuhan na mabuti.
05:17Lahat itong mga kontraktor at kung sino man ang mga nakakuha ng kontrata.
05:23Mula sa Bulacan at para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended