Skip to playerSkip to main content
-Vince Dizon, nanumpa na bilang DPWH Secretary; ilang mambabatas, suportado ang pagkakatalaga kay Dizon

-Mga may-ari ng construction company na hindi pa rin dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Committee, ipinaaaresto

-Ilang magulang, dismayado dahil sa late class suspension announcement ngayong araw

-PAGASA: LPA at Habagat, nagpapaulan ngayon sa bansa

-Pagbaha at pagguho ng lupa, naranasan sa ilang lugar sa Luzon at Visayas

-Manuel Bonoan, nag-resign bilang DPWH secretary sa gitna ng mga isyu sa flood control projects

-Ilang opisyal ng DPWH na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, sinuspinde o ni-reassign

-13, sugatan sa banggaan ng pickup at center car

-6, sugatan matapos bumagsak ang canopy ng stage sa Peñaranda Park


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mayinit na balita na nung pa na bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways si dating Transportation Secretary Vince Dizon.
00:08Pinagitan ni Dizon si Manuel Bonoan sa DPWH sa gitna ng mga kontrabersya sa flood control projects sa bansa.
00:14Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, pinili niya si Dizon na maging DPWH Secretary dahil sa maganda niyang performance sa Transportation Department.
00:23May karanasan na rin daw si Dizon sa Public Works Sector.
00:25Nagpahayag rin ang suporta ang ilang mababatas sa pagkakatalaga kay Dizon sa DPWH.
00:32Si Undersecretary Giovanni Lopez naman ang kapalit ni Dizon sa DOTR.
00:37Bago maging acting DOTR Secretary si Lopez, ang DOTR Undersecretary for Administration, Finance and Procurement.
00:44Nagsilberit siyang Chief of Staff din dating Transportation Secretary Art Tugade mula 2020 hanggang 2022.
00:49Isa pang mainit na balita, ipinapaaresto ng Senado ang may-ari ng construction company na hindi pa rin dumalo sa hiring ngayong umaga
00:59ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa flood control projects.
01:03Pinunan ng mga senador na mga representative ng mga kumpanya ang ilan sa mga dumalo sa pagdinig.
01:08Anila, paano sasagutin ng mga representative ang tanong na dapat ay para sa mga may-ari ng kumpanya?
01:13Kaya raw kailangan na may-ari mismo ng construction company ang dumalo.
01:18Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig, ang contractor na si Sara Diskaya na ikinwento kung paano umangat ang kanilang buhay.
01:25Anya, dekada na sila na nasa construction industry.
01:292012 raw na magsimula sila maging contractor sa DPWH.
01:33Kabilang din sa mga tinalakay ang tungkol sa licensing at accreditation ng mga construction company.
02:03Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Rodante Marcoleta,
02:06maaaring ituro ng mga contractor ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa anomalya.
02:11Patuloy pa rin ang pagdinig ng komite.
02:14Tutok lang po dito sa balitang hali para sa updates.
02:18Dismayado ang ilang magulang dahil sa late na pag-anunsyo ng klas suspensyo sa ilang lugar ngayong araw.
02:23Gayon nilang Kung P. Gomez Elementary School sa Santa Cruz, Maynila.
02:26Kwento ng ilang magulang, nakakagalit at nakakalungkot dahil maaga silang gumising para asikasuhin ang kanilang mga anak.
02:34Mas maganda raw sana kung aagahan ang mga announcement para hindi sila maabala at ang kanilang mga estudyante.
02:40Pasado alas 5 na ng umaga kanina nang maglabas ng klas suspensyo ng Department of the Interior and Local Government.
02:45Magagalit kami. Kasi kung kailan nakapasok na ang mga tao, saka sasabihin walang pasok.
02:55Siyempre, magigising kami ng maaga para mag-asikaso.
02:58Yung pinakakalungkot, ang aga-aga namin na gising para magbihis or magloto para sa mga anak.
03:06Tapos ngayon, ano, ngayon lang nagsuspensyo.
03:10Wala pong pasok ngayong lunes ng lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan
03:16at pasok sa opisina ng gobyerno sa NCR, Cavite, Bulacan, Laguna, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur.
03:26Gayun din sa Albay, Catanduanes, Sosobon, Masbate, Northern Samar, Occidental Mindoro, Antique, Negros Occidental, Pampanga at Rizal.
03:38Tutok lang po sa balitang hali para sa iba pang alunsyo ng class suspensions.
03:48Low pressure area at hanging habagat ang nagpapaulan sa bansa ngayon pong lunes.
03:53Namata ng pag-aasa ang LPA 670 kilometers east-northeast ng Dirac, Catanduanes.
03:58Nananatiling mababang tsansa ng nasabing LPA na maging isang bagyo pero uulanin nito ang Bicol Region, Aurora, Bulacan, Quezon at Rizal.
04:09Ang Metro Manila, Visayas, malaking bahagi ng Central at Southern Luzon at ilang panig ng Mindanao.
04:15Uulanin naman dahil sa habagat.
04:18Nakaasa naman sa maayos na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa pero dapat pa rin maging handa sa posibleng mga local thunderstorms.
04:27Tandaan, may pagkakataong matindi ang thunderstorm na maaaring mag-boost ng maraming ulan at may kasabay na yelo o buhawi.
04:34Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa Rizal, Laguna at ilang panig ng Quezon Province.
04:40Tatagal ang babala hanggang 12.43 ngayong tanghali.
04:46Naging maulan naman ang weekend sa maraming lugar sa Luzon at Visayas.
04:50Nagdurot pa yan ang pagbaha at pagbuho ng lupa.
04:53Balit ang hatid ni Bea Pinla.
04:55Hinaha ang kalsadang yan sa Baras Rizal kasunod ng pag-apaw ng tubig mula sa ilalim ng isang tulay sa Barangay Santiago.
05:05Nang humupa ang tubig, matinding putik ang naiwan sa mga kalsada.
05:10Sa ilang lugar, gumamit ng lubid ang mga residente bilang gabay sa pagsuong sa baha.
05:16Apektado rin ang daloy ng trapiko dahil sa baha sa ilang kalsada sa Antipolo.
05:21Isinara naman ang kalsadang yan sa Mayoyaw, Ifugao kasunod ng pagguho ng lupa.
05:26Hindi muna pinadaraana ng National Road mula Banawe, Mayoyaw, papuntang Aguinaldo at Sityo Aywigan sa Barangay Bato, Alatbang.
05:34Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta.
05:39Sa patnungo ng tike, naantala ang biyahe ng mga motorista sa Barangay Igbarawan.
05:45Humambalang kasi sa kalsada ang gumuhong lupa at ilang sanga ng punod dahil sa ulan.
05:49Nagsagawa na ng clearing operations.
05:54Kanya-kanyang salok ng tubig ang mga residente matapos pasukin ang baha ang kapilya sa Barangay Hinabuyan sa Villaba, Leyte, Kahapon.
06:03Binahari ng ilang kalsada at pinasok ng tubig ang ilang bahay kasunod ng malakas na ulan.
06:09Ayon kay U-Scooper Louis Libores, bandang hapon nang humupa ang baha.
06:14Ayon sa pag-asa ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ay dulot ng low-pressure area, hanging habagat at localized thunderstorms.
06:22Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:26Ang nag-resign na Department of Public Works and Highway Secretary na si Manuel Bonoan,
06:31suportado raw ang pagsusulong sa transparency, accountability at reforma sa dati niyang kagawaran.
06:37Ayot sa Presidential Communications Office, sinabi ni Bonoan sa resignation letter niya sa Pangulo.
06:42Bago magbitiw sa pwesto, naglabas pa ng video nitong Sabado ang DPWH kung saan sinabi ni Bonoan na hindi resignation ng paraan para ma-resolba ang mga problema sa kagawaran.
06:54Hindi rin daw niya kinukonsinti ang anumang katiwalian sa DPWH.
06:59Sabi ng ilang kongresista, hindi sapat na mag-resign si Bonoan bilang DPWH Secretary.
07:04Kailangan daw may managot sa mga maanumal niya o manong flood control projects.
07:09Dumalo si Bonoan sa pagnilig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw,
07:12kaugnay sa flood control projects.
07:14Sinabi ni House Infrastructure Committee Chairman Representative Terry Ridon
07:18na iimbitahan din nila si Bonoan sa paglilig ng Kamara, kaugnay rin sa flood control projects.
07:25Bago magbitiw sa pwesto, niri-assign ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
07:30ang ilang kawani ng tanggapan na sangkot o mano sa maanumalyang flood control projects.
07:35Bumuorin siya ng komite para mag-imbestiga sa mga posibling katiwalian.
07:39Balitang hatid ni Jonathan Andal.
07:42Matapos mabunyag ang mga palpak na flood control projects sa Oriental Mindoro,
07:49isang-isang bakal na inilagay.
07:51Niri-assign si Engineer Gerald Pakanan, ang Regional Director ng DPWH Pimaropa.
07:57Inilipat si Pakanan sa Central Office.
07:59Ang pumalit sa kanya si Engineer Editha Babaran.
08:02Isa yan sa inanunsyo ni dati DPWH Secretary Manuel Bonoan sa isang video message.
08:07Pag-re-assign po sa Regional Director ng Region 4B.
08:12Pag-re-assign sa Regional Office ng mga Assistant District Engineer
08:17at lahat ng mga Section Chiefs ng Batangas 1st District Engineering Office.
08:23Pagpatawang ng preventive suspension sa mga empleyado ng Bulacan 1st District Engineering Office.
08:28Mula sa District Engineer, Assistant District Engineer, at lahat ng Section Chiefs.
08:35Gusto nating managot ng dapat managot.
08:39Makulong ang dapat makulong.
08:41Bumuo rin ang DPWH ng Anti-Graft and Corrupt Practices Committee
08:45na layong imbestigahan ng mga posibleng katiwalian ng mga kawaninang ahensya.
08:50Pero giit ni DPWH Secretary Mani Bonoan, iilan lang ang skalawag sa DPWH.
08:56Mas marami pa rin ang matitino.
08:58Kasabay nito, ibinunyag na Sen. Panfilo Lacson na dalawang opisyal ng PICAB
09:03o Philippine Contractors Accreditation Board na taga-regulate ng mga kontraktor
09:07ang sila rin palang mga kontratista sa gobyerno.
09:10Tinukoy ni Lacson si na PICAB Board Member Engineer Ernie Bagau
09:14at Engineer Arthur Escalante na may sariling mga construction company.
09:20Aniya, si Bagau na re-appointed board member ng PICAB noong September 2023
09:24para sa tatlong taong termino, ay managing officer ng EGB Construction
09:29na pumipirma pa sa mga kontrata ng kumpanya sa DPWH.
09:34Si Escalante naman, nakapirmang board director sa PICAB 2022 Annual Report
09:38pero nakapirma rin sa isang kontrata sa DPWH bilang kinatawan
09:43ng A.N. Escalante Construction Incorporated.
09:46Sinubukan namin kunan ang pahayag si Escalante at Bagau
09:49pero wala pa silang tugon sa aming pinadalang mensahe.
09:52Ayon kay Lacson, posibleng conflict of interest ito
09:55na labag sa batas o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.
10:00May parusa itong kulong na hanggang limang taon,
10:02multang hanggang limang libong piso
10:03at posibleng humantong sa pagkakadisqualify sa gobyerno.
10:07Nananawagan si Lacson sa DTI at CIAP
10:10o Construction Industry Authority of the Philippines
10:12na investigahan si Escalante at Bagau
10:15at sampahan sila ng kaukulang reklamong kriminal at administratibo.
10:19Dati nang sinabi ni Lacson na may nagsumbong sa kanya
10:21na ibinibenta ng PICAB ang accreditation sa mga kontraktor
10:24sa halagang 2 milyong piso.
10:26Itinanggihan ng PICAB sabay-sabing may mga scammer
10:29na nagpapanggap daw na kanilang empleyado.
10:32Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:37To ang GMA Regional TV News.
10:42Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
10:46Nagkabanggaan ang isang pickup
10:48at isang tinatawag na center car sa Gataran, Cagayan.
10:52Chris, kumusta mga sa kanya?
10:56Raffi, labing tatlong tao ang sugatan sa banggaan sa barangay Lapogan.
11:01Kabilang dyan ang driver ng center car
11:03at ang kanyang labing dalawang pasahero na pawang mga estudyante.
11:07Ginagamit bilang pampublikong transportasyon doon
11:09ang tinatawag nilang center car o motorsiklo
11:12na may katawan ng parang pampaseherong jeep.
11:16Nabigyan naman ng paunang lunas ang mga biktima
11:18ng responding rescuer.
11:20Patuloy pa ang investigasyon sa insidente
11:22at pag-uusap ng mga sangkot.
11:24Anim naman ang sugatan na bumagsak ang covered tent o canopy
11:29ng stage sa Peñaranda Park sa Legaspi, Albay.
11:33Ay sa pulisa, hindi kinaya ng canopy
11:34ang naipong tubig sa tarapal na bubong
11:37kasunod ng malakas na pagulan nitong Sabado.
11:40Nang oras na yon,
11:41tinatayang may apat na pong estudyante
11:43ang nagpa-practice ng sayaw sa stage.
11:46Anim sa kanila ang sugatan at dinala sa ospital.
11:48Iniimbestigahan pa ang insidente.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended