- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-World-class Filipino dishes, bumida sa International Manila Food Festival
-Mga programa sa GMA Prime, nangunguna sa ratings
-P0.6268/kWh na taas-singil, ipatutupad ng MERALCO ngayong Agosto
-20-anyos na lalaking nahanapan ng marijuana, isinuko ng ina sa mga pulis
-2 Malaysian na sangkot umano sa espionage, arestado
-VP Duterte, buo ang tiwala kay Atty. Nicholas Kaufman para sa kaso ni FPRRD sa ICC
-Marian Rivera, nag-celebrate ng kanyang 41st birthday kasama ang pamilya at mga kaibigan
-Pagkakuha ng 15 contractors sa P100B halaga ng flood control projects, ikinababahala ni PBBM
-Lalaking nangholdap sa isang tindahan, arestado/Suspek, aminadong nagnakaw para sa pagkain at baon ng anak
-PBBM sa PNP: Dapat mapanagot ang mga pulis na sangkot sa katiwalian
-Programa ng Rizal Technological University at BJMP, layong tulungan ang mga PDL na makapagtapos ng kolehiyo
-CBB: 16 kalabaw, nagkarera bilang bahagi ng Pavvurulun Afi Festival
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Mga programa sa GMA Prime, nangunguna sa ratings
-P0.6268/kWh na taas-singil, ipatutupad ng MERALCO ngayong Agosto
-20-anyos na lalaking nahanapan ng marijuana, isinuko ng ina sa mga pulis
-2 Malaysian na sangkot umano sa espionage, arestado
-VP Duterte, buo ang tiwala kay Atty. Nicholas Kaufman para sa kaso ni FPRRD sa ICC
-Marian Rivera, nag-celebrate ng kanyang 41st birthday kasama ang pamilya at mga kaibigan
-Pagkakuha ng 15 contractors sa P100B halaga ng flood control projects, ikinababahala ni PBBM
-Lalaking nangholdap sa isang tindahan, arestado/Suspek, aminadong nagnakaw para sa pagkain at baon ng anak
-PBBM sa PNP: Dapat mapanagot ang mga pulis na sangkot sa katiwalian
-Programa ng Rizal Technological University at BJMP, layong tulungan ang mga PDL na makapagtapos ng kolehiyo
-CBB: 16 kalabaw, nagkarera bilang bahagi ng Pavvurulun Afi Festival
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00World-class Filipino dishes ang bumida sa isang International Food Festival.
00:06Kabilang sa mga naghain ng Filipino recipes with a twist,
00:10ang ilang award-winning international chefs na may dugong Pinoy.
00:14Ang mainit na balita, hati ni Vona Quino.
00:23Ang mga putahing Pinoy, hindi lang masarap kundi pang world-class.
00:28Yan ang ibinida sa International Manila Food Festival sa Newport World Resort sa Pasay City.
00:35Dito nagsama-sama ang mga award-winning Filipino at Filipino-American chef
00:40para itampok ang Filipino cuisine sa sarili nilang cooking style at flavor.
00:45Our goal is to make Manila as a center of culinary excellence in Asia.
00:51People fly here, we'll have fun, and we really take Filipino food to the next level.
00:56It's bringing chefs from all over the world.
00:59We have chefs here that are Filipino from Paris to Seattle to Toronto to Melbourne.
01:06It's the first time that I think that we're all convening here in Manila
01:09to really honor, discover, and innovate Filipino food.
01:14Tulad ng seared local scallop na inianda ng Phil Amna,
01:20two-time James Beard finalist para sa Best Chef California,
01:24na si Tara Luansing Monsod mula San Diego, California.
01:28Mayroon itong corn ginataan, lemon, at Thai basil.
01:32Corn is very popular in the States and it's very popular here.
01:36Growing up in America, we ate cream corn, which is like, you know, very classic America.
01:41And I love a dish that my mom makes, which is ginataan.
01:44So I basically took those two ideas and combined it together.
01:50Bistick naman ang inihay ng isa pang Phil Amna James Beard Award finalist
01:55na si Chef Melissa Miranda mula Seattle, Washington, USA.
01:58Ang kanyang bistick may twist dahil ang mga sangkap nito
02:02ay rib eye na may kalamansi, caramelized onions,
02:06toyo, miso, grilled yellow and red onions, chives at iba pa.
02:11It's a dish that my dad cooked for me growing up.
02:14One of my favorite dishes and of course always with a cup of rice.
02:18That's why I wanted to share it but in a different way.
02:20Habang adobong baboy, panagan at panghimagas na pilinat caramel tart naman
02:29ang ginawa ng Filipino chef na si Cristoni Estocada.
02:33Dito sa International Manila Food Festival,
02:35hindi lang Filipino cuisine ang bida,
02:37kundi yung mga sangkap na locally sourced,
02:40tulad nito ang Binagat Island Spiny Lobster ng panagan.
02:43Mahalaga ito para at least i-open natin,
02:47hindi lang dito sa local, sa Philippines,
02:51pero sana itong mga ganitong event ma-open din sa mga ibang bansa
02:55na parang meron tayong ganitong klaseng food na may i-offer.
03:02Patunay ang food festival na ito na kahit saan man sa mundo,
03:06kayang magmarka ng panlasang galing sa mga sangkap at talentong Pilipino.
03:11Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:18Mga kapuso, dahil sa patuloy ninyong suporta at pagsubaybay gabi-gabi,
03:23umaarangkada ang ratings na mga programa sa GMA Prime.
03:28Batay sa aggregate o pinagsama-samang ratings na naitalaan ng Nielsen TV Audience Measurement,
03:33ang hit super-serie na Encantadia Chronicles Sangre,
03:37nakakuha ng 11.8% ratings sa buong bansa,
03:4012.8% ratings naman sa Urban Philippines mula July 25 hanggang August 8.
03:46Mas mataas kaysa sa 12.2% people rating ng katapat nitong programa sa Urban Philippines.
03:53Ang action drama na Sanggang Dikit for Real,
03:56starring Dennis Trillo at Jeneline Mercado,
03:59mayroong 7.9% people rating sa buong bansa mula July 21 hanggang August 8.
04:058.6% rating naman sa Urban Philippines.
04:09Mas mataas din kumpara sa katapat nitong programa.
04:13Ang Beauty Empire naman na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kailin Alcantara,
04:18nakapagtala ng 4.1% aggregate ratings sa buong bansa mula July 7 hanggang August 7.
04:254.6% ratings naman sa Urban Philippines.
04:29Pareho rin mas mataas kumpara sa nakuhang ratings ng katapat na programa.
04:35Mainit na balita para sa mga customer ng Miralco,
04:44may taas singil po ngayong Agosto.
04:46Ayon sa Miralco, halos 63 centavos kada kilowatt hour
04:49ang madalagdagayong buwan sa inyong electric bill.
04:52Katumbas po yan, nagdagdag na 125 pesos sa mga residential customer
04:55na kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
04:59Sabi ng Miralco, ang taas singil ay dahil sa mas mataas na generation charge
05:03mula sa mga independent power producer at wholesale electricity spark market o West Sem.
05:10Ito ang GMA Regional TV News.
05:14Isinuko sa mga polis na kanyang sariling ina
05:17ang isang lalaking 20 anyos dito sa Davao City.
05:21Ayon sa polisyan, nakita ng ina ng sospek sa kanyang bag
05:24ang isang bloke ng pinatuyong dahon ng marihuana.
05:28Nakumpis ka ang iligal na droga na humigit kumulang isang kilo
05:31na may halagang 1.5 milyon pesos.
05:35Batay rin sa nakuhang impormasyon ng mga polis,
05:37sangkot ang lalaki sa ilang krimen sa kanilang lugar.
05:41Sinusubukan pa ang kuna ng pahayag ang sospek
05:43habang hindi na nagbigay ng komento ang kanyang ina.
05:47Dalawang Malaysian na sangkot umano sa pang-ESPIA
05:51ang naaresto sa Cebu City.
05:53Nahuli ang dalawa sa loob na isang hotel.
05:55Ikinasang operasyon matapos mag-report ang hotel staff
05:58ng umano'y kahina-hinalang aktibidad na mga banyaga
06:02dahil sa dami ng gadgets sa kanilang kwarto.
06:05Kasama sa mga narecover na gamit ang ilang laptop,
06:08router, motherboard, data sniffer
06:11at hinihinalang International Mobile Subscriber Identity Capture Device.
06:15Ayon sa mga otoridad,
06:16tauhan ang dalawa ng isang kumpanya
06:18na una ng sinitan ng Amerika
06:20dahil sa kaugnayan umano nito sa Chinese military.
06:24Nasa kutsudiyan na ng Bureau of Immigration ang dalawa.
06:27Wala silang pahayag.
06:29The International Criminal Court is now in session.
06:34Rodrigo Roa Duterte.
06:43Buo pa rin daw ang tiwalan ni Vice President Sara Duterte
06:46kay Attorney Nicholas Kaufman,
06:47ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
06:49para sa kaso niya sa International Criminal Court.
06:54Of course, yes.
06:57Oo, kasi siya yung pinili
06:59ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:01na lawyer.
07:03So we only follow kung ano yung
07:05choice ng client.
07:07As long as nagsabi si
07:09dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:12na yan ang aking mga abogado,
07:15susunod kami
07:15and mag-cooperate kami kung anong kailangan.
07:18Tinanong yan sa Vice matapos sabihin ni Kaufman
07:22noong nakarang linggo na si VP Duterte lang
07:24ang pwedeng humusga sa kanyang trabaho
07:26dahil abogado rin ang Vice.
07:28Pinunak kasi ni Kaufman ang common law wife
07:30ng dating Pangulo na si Hananet Avancenya
07:32na papaano niya madidepensahan si Duterte
07:34ngayong hindi naman daw niya kilala
07:36ang dating presidente.
07:38Sinisi rin niya si Kaufman
07:39kung bakit sinuspid niya ng ICC
07:41ang kanyang visitation rights.
07:43Tumanggi na magbigay ng komenta si Kaufman
07:44kong nai sa suspensyon.
07:46Mga Mari at pare,
07:52birthday ngayon
07:54ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
07:57Sa kanyang Instagram,
07:58isinare ni Marian ang kanyang
08:00advanced birthday bash
08:01kasama ang mga kaibigan at pamilya.
08:04Spotted dyan si Kapuso Comedian Bubay
08:07at syempre ang kanyang hubby
08:09si Kapuso Primetime King Ding Dong Dantes.
08:12Good vibes and love
08:13ang hatid niyan kay Marian
08:15na 41 years old na ngayon.
08:18Happy birthday,
08:19Kumaring Marian!
08:23Kinuwestiyon ni Pangulong Bongbong Marcos
08:26ang hindi pagtugma
08:27ng dami ng flood control projects
08:29sa mga tinuturing na
08:31flood-prone provinces ng bansa.
08:34Batay sa listahan,
08:35lima lang sa sampung pinakabahang lalawigan
08:38ang kabilang din sa may
08:40pinakamaraming flood control projects.
08:42Kinababahala rin daw ng Pangulo
08:44ang mga hinahawakang proyekto
08:46ng mga kontraktor.
08:47Sa mahigit P545 billion pesos
08:51kasing pondo
08:52para sa flood control projects,
08:54nakuha raw ng 15 kontraktors
08:57ang 20%
08:58o tinatayang P100 billion pesos
09:01na halaga nito.
09:02Lima parao rito
09:03ay may proyekto sa buong bansa.
09:06Hinahanap na ng GMA Integrated News
09:08sa mga kontratistang ito
09:10para makunan ng pahayag
09:12sa mga sinasabi ng Pangulo.
09:17Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos
09:19ang 5-minute response
09:21ng Philippine National Police
09:22sa anibersaryo ng police service
09:24ngayong araw.
09:26May ulat on the spot si June Beneracion.
09:28June?
09:28Sandra, sa pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos
09:34sa 124th Police Service Anniversary
09:36dito sa Camp Krami
09:37ay sinabihan niya ang PNP
09:39na wala dapat puwang
09:40ang katiwalian sa kanilang hanay.
09:42Wala raw sa isay ang magandang gawa
09:44kung merong mga baluktot na polis
09:46kaya dapat mapanagot
09:47ang mga sangkot sa katiwalian.
09:49Pinapurihan ng Pangulo
09:50ang PNP sa kanilang 5-minute response.
09:52Malaking bagay raw ito
09:53dahil sa ilang minuto
09:55buhay ang nakasalalay.
09:57Ibinida ni PNP Chief Nicola Story III
10:00ang 5-minute response
10:01at dinala ang Pangulo
10:02sa kanilang command center.
10:04Nang mangingi si Tori ng volunteer
10:05kung sino ang papupuntahan
10:07para sa simulation exercise
10:09pinili ni Interior and Local Government
10:11Secretary John Vic Rimulia
10:12ang kanyang kababayan
10:13na si Trece Martires Mayor Gemma Lubigan.
10:17Pinuntahan ng mga polis
10:18ang City Hall.
10:19Dumating ang mga polis
10:20pasada o aras 9 ng umaga
10:21pero wala ang alkalde.
10:23Pinapuntahan siya sa kanyang bahay
10:25pero hindi nakita
10:26ang mayor sa live streaming
10:27ng body cam
10:28ng mga polis
10:29na pumunta sa kanya.
10:30Paliwanag naman ni Mayor Lubigan
10:32nasa bahay lang siya
10:33at may hinaharap na bisita.
10:35Kahit nasa bahay
10:36ay nagtatrabaho daw siya.
10:38Wala raw itinuturing na office hours
10:39ang isang halal na opisya
10:40lalot madalas
10:41ay inaabot din siya ng gabi
10:42sa trabaho
10:43para magbigay servisyo.
10:44Samantala,
10:46dumalo rin si AFP Chi
10:47from Y. Bronner Jr.
10:48sa okasyon.
10:49Sa interview,
10:50sinabi niya na
10:51base sa kanilang assessment
10:52o plano talaga
10:54ng warship ng China
10:55na banggayin ang barko
10:56ng Philippine Coast Guard
10:57malapit sa
10:58Bajo de Masinluc.
11:00Pag-uusapan daw nila
11:01kung ano
11:02ang mga susunod na hakbang
11:03ngayong gumagamit na
11:04ang China ng warship
11:05para dikitan
11:06at iharas
11:07ang barko ng Pilipinas.
11:09Balik sa'yo, Sandra.
11:11Maraming salamat sa'yo,
11:12June Vederation.
11:13Kahit nakakulong,
11:16tuloy ang pag-aaral
11:17ng ilang persons
11:17deprived of liberty.
11:19Sa ilalim yan,
11:20ang isang programa
11:20na layon silang bigyan
11:22ng mas maraming oportunidad
11:23kapag nakalaya na.
11:25Ang mainit na balita
11:26hatid ni Katrina Son.
11:31Matulungan,
11:31mabigyan ng pag-asa
11:33at muling mangarap.
11:34Ilan lang yan
11:35sa mga layuni
11:36ng inilunsan
11:37na Change Behind Bars program
11:38ng Rizal Technological University
11:41at ng Bureau of Jail Management
11:42and Penology
11:43ng Mandaluyo.
11:45Ang programang ito
11:46ang kauna-unahan daw
11:47na tertiary
11:48o programang pangkolehyo
11:50sa BJMP Mandaluyo.
11:51Kailangan namin yakapin
11:53hindi lamang
11:53yung mga
11:54indigenous people,
11:56yung mga
11:56PWDs.
11:58And this is
11:59a very big opportunity
12:01for RTU
12:02para yakapin naman
12:03yung mga PDLs.
12:05Isa si JR.
12:06Di niya tunay na pangalan
12:07sa mga napabilang
12:09sa programang ito.
12:09Kwento niya,
12:11hindi naging madali sa kanya
12:12na makatapos
12:13sa kanyang pag-aaral
12:14noong kabataan niya.
12:15Maga pong nawala
12:16kasing family ko
12:17yung broken family po
12:19kasi ma'am.
12:20Kaya wala po kaming
12:21may pantustos
12:23sa pag-aaral po.
12:24Kaya pinili na lang po
12:25na hanggang doon
12:26na lang po muna.
12:27Si Alias Marie naman
12:29na apatnaput
12:30isang taong gulang.
12:31Hindi rin daw
12:32nabigyan ng pagkakataon
12:33na matapos
12:34ang kanyang pag-aaral
12:35lalo pat
12:36kailangan daw niyang
12:36unahin
12:37ang mga pangangailangan
12:38ng kanyang pamilya.
12:39Mas naging priority ko
12:41ang trabaho
12:42kesa sa pag-aaral.
12:44Dahil bilang breadwinner
12:45kailangan ko rin
12:46mag-sustain
12:47para sa pamilya.
12:48Sa kagaya kong
12:49dating
12:51nag-aaral
12:53at natigil
12:54mas
12:55mapagtutuan
12:57ako pa
12:57panampansin
12:58yung pag-aaral ko.
12:59At the same time po
13:00mas malaking tulong siya
13:02kasi naging
13:03libre siya dito sa amin.
13:06Wala kaming
13:06nilalabas na kahit na ano.
13:08Yun po ang isang
13:09malaking tulong po sa amin
13:10bilang
13:10gustong mag-aaral.
13:13Si Najayer at si Marie
13:15kabilang
13:15sa mga nabigyan
13:16ng pagkakataon
13:17na makapag-aaral
13:18ng koleyo
13:19habang nasa loob
13:20ng BJMP
13:21Mandaluyong.
13:22Tatlumput siyam
13:23na mga Persons Deprived
13:24of Liberty
13:24o PDL
13:25ng Mandaluyong BJMP
13:27ang kabilang
13:28sa programang
13:29pangkolehyo
13:30ng Rizal
13:30Technological University
13:31at ito nga
13:32ang kanilang
13:33magiging classroom.
13:35Since ito po
13:36ay tertiary education program
13:37at nais po natin
13:38iparamdam sa kanila
13:40kung ano ang karanasan
13:41ng isang typical
13:41na mag-aaral.
13:42Bagaman alam po natin
13:43sila po ay nasa
13:44marginalized sector
13:45pero kailangan din po
13:46natin sila ihanda
13:47the moment na sila
13:48ay lumabas
13:49dito po sa piitan.
13:50Ang mga napabilang
13:52sa naturang programa
13:53ay nagsumiteraw
13:54ng mga kinakailangang
13:55requirements.
13:56Pumasa sa exam
13:57at maging sa interview
13:58na isinagawa ng RTU.
14:00DS Entrepreneurship
14:01ang magiging kurso nila.
14:03Bahagi din daw ito
14:04ng layunin ng BGMP
14:05na matulungan
14:07ang mga PDL
14:08at mabigyan sila
14:09ng panibagong buhay
14:10sa kanilang paglaya.
14:12Ito ay bahagi
14:12ng aming programa
14:14yung PDL
14:15Reintegration Program.
14:18Ito ay inisitiba
14:19ng aming
14:19Chief BGMP
14:21Jail Director
14:21Ruelis Rivera
14:22na kung saan
14:23nihanda namin
14:24yung mga PDL
14:25para sila
14:26ay magkaroon
14:26ng edukasyon
14:27para sa kanilang paglaya.
14:30Katrina Son
14:31nagbabalita
14:32para sa
14:32GMA Integrated News.
14:34Ito po ang balitanghali.
14:37Bahagi kami
14:37ng mas malaking
14:38misyon.
14:39Rafi Timo po.
14:40Sa ngala ni Connie Sison,
14:41ako po si Sandra Aguinaw.
14:42Saman nyo rin po ako,
14:43Aubrey Carampelle.
14:44Para sa mas malawak
14:45na paglilingkod
14:46sa bayan.
14:47Mula sa GMA Integrated News,
14:49ang News Authority
14:50ng Pilipino.
Be the first to comment