Skip to playerSkip to main content
-Pulis na off-duty, patay matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman; pagnanakaw, posibleng motibo sa krimen

-Paglaban sa katiwalian, binigyang-diin ni PBBM sa paggunita ng Nat'l Heroes' Day sa Libingan ng mga Bayani

-VP Sara Duterte, nakikiisa sa paggunita sa Araw ng mga Bayani; kinilala ang sakripisyo ng mga OFW at iba pang sektor ng lipunan

-Babae, patay matapos suntukin ng kanyang nakaalitang menor de edad na anak

-SunWest Inc., itinanggi na nag-collapse ang mga dike project nito sa Occidental Mindoro

-DMW: Dagdag-sahod at voluntary annual medical checkup, kabilang sa Enhanced Reform Program para sa domestic helpers

-Malacañang: Batas na ang Konektadong Pinoy Act matapos mag-lapse into law

-GMA Network, itinanghal na Best TV Station sa 37th PMPC Star Awards for TV: Ilang Kapuso programs at personalities, pinarangalan

-INTERVIEW: PBGEN. JACK WANKY, REGIONAL DIRECTOR, PRO-4A

-Pamilya, kaibigan o mga hindi kilala na handang tumulong nang walang kapalit, kinikilala bilang modern-day heroes

-Alagang pusa, dedma acting habang sumusubok na kumuha ng hotdog

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakaupo sa nakaparadang motorsiklo ang lalaking yan sa Pasay.
00:05Maya-maya, isang armadong lalaki ang lumapit sa kanyang likuran at nagsimulang mamaril.
00:10Napalayo ang lalaki hanggang maya-mayay natumba.
00:13Sinubukan din niyang barili ng gunman.
00:15Binawian siya ng buhay kalaunan.
00:17May isa ring tricycle driver at kanyang pasahero ang nadamay sa insidente at nagtamo ng sugat.
00:22Ang biktima, isa palang polis na off-duty.
00:25Inagahanap ang gunman habang hawak na ng polisya ang kanyang kasabwat o mano.
00:29Pusibling pagnanakaw raw ang motibo sa krimen at target umano ng mga suspect ang gintong kwintas ng biktima.
00:38Labanan ang bantanang katiwalian at pangaabuso sa kapangyarihan.
00:42Yan ang binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagunita ng National Heroes Day sa libingan ng mga bayani sa tagig.
00:50Detaly po tayo sa ulot on the spot ni Ivan Mayrina.
00:53Ivan?
00:54Magdatang hali, Connie, sa National Heroes Day ngayong taon paglaban sa katiwalian pa rin na naging tema ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa programang pinangunahan niya ngayong umaga.
01:05Likas sa Pilipino ayon sa Pangulo ang magpamalas ng kambayanihan sa pamagitan ng araw-araw na pilingkod tulad na lang ng mga magsasaka, mga maingisda, mga guro, healthcare worker at mga manggagawa.
01:16Pero may ilanan niya na mas pinipili ang sariling interes at kapakanan sa halip na angka ng sabayan at sa kapwa.
01:23At sa paglipas ng panahon ay ang pagsibol ng hamon, hindi lang para tutukan at alagaan ng kalayaan kung tinabanan ng banta ng katiwalian at pangaabuso ng kapangyarihan sa lipunan.
01:33Pananagutan daw natin bilang mga Pilipino na maging mapanuri sa mga mali, isiwalat ang panuloko at panindigan ang alam nating tama kahit hindi ito madali.
01:45Dapat daw gisingil ang kamalayan ng kabataan tungkol sa kanilang tungkulin sa bayan at gabayan sila para maging mapanuri.
01:52Sa panigdaman ng pamahalaan, pangako ng Pangulo, pananagutin ng mga sangkot sa anomalya at katiwalian,
01:58ilalabas ang katotohanan at titiyaking hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
02:04Ang talumpating ito dilitiwa ng Pangulo matapos ang magkasunod niyang pag-ikot sa ilang mga flood control projects sa Bulacan at sa Benguet
02:11na kung hindi palpak ay ghost project o hindi na ipatupad kahit pinunduhan ng pera ng bayan.
02:18Ipinagutos na niyang investigasyon at pagpapanagot sa mga nasa likod nito na kanyang iniugnay ngayon sa araw ng mga bayaning kinukulita sa araw na ito.
02:26Samantala, kaunay naman sa patuloy na pagsatanggol sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
02:30Nilinaw ni Defense Secretary Gibochodoro na magamat may increased presence anya sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea,
02:36kasunod ng banggaan ng dalawang barko ng China sa bawah ng Masinlok.
02:39Wala naman silang nakikita ang kakaiba o mas pinaiting na bantasa ngayon.
02:43Wala raw nagbabago sa posisyon ng Pilipinas sa regyon na patuloy nating tinitindigan sa suporta na rin ng international community.
02:51Connie?
02:52Maraming salamat, Ivan Mayrina.
02:55Nakikiisa rin po si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng National Heroes Day.
03:01Binigyang pugay ni Duterte ang sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng buhay at lakas para sa kapakanan ng Pilipinas.
03:08Kinilala rin ng Vice ang hukbong sandatahan, guro, doktor, nurse at iba pang frontliners ng lipunan.
03:16Pinasalamatan din ng Vice ang mga OFW na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bansa,
03:22pati na ang mga nagbibigay ng karangalan para sa Pilipinas.
03:25Para kay Duterte, ang sino mang lumalaban para sa pamilya, kapwa at bayan ay isang bayanin.
03:31Ito ang GMA Regional TV News.
03:39Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
03:44Nasa kustudya ngayon ng mga otoridad ang isang minor de edad na umaming pinatay ang kanyang nanay sa Plaridel, Misamis Occidental.
03:51Pahala, Cecile, ano nangyari?
03:56Daffy, ayon sa investigasyon, nagkaalitan ang mag-ina kaya nasuntok ng binatilyo ang kanyang nanay.
04:03Kwento ng minor de edad sa mga polis, natumba ang kanyang nanay matapos niyang suntukin at dumugo ang ulo nito.
04:10Kaya itinago niya ang katawan ng kanyang nanay at binalot sa supot ang ulo nito.
04:15Ilang araw ang nahalipas, natagpuan ng mga kapitbahay ang biktima matapos mangamoy ang bangkay.
04:22Lumabas din sa investigasyon na palaging nag-aaway ang biktima at kanyang anak.
04:27Nasa kustudya na ng Women and Children Protection Desk ang minor de edad at nakatakdang isa ilalim sa ilang test at evaluation.
04:35Magsasampa pa rin daw ng reklamong pariside ang mga polis laban sa minor de edad at nasa piskalyan na umano ang desisyon nito.
04:43Walang pahayag ang minor de edad, ang minor de edad at kamag-anak nila.
04:49Itinanggipuan ang SunWest Incorporated na nag-collapse ang mga dike o dike project nito sa Occidental Mindoro.
04:58Ayon sa SunWest, bukod sa maliit na crack sa ginawa niyang dike sa barangay Agwas sa bayan ng Rizal,
05:04walaan nilang tinamong pinsala ang dalawa pa nilang flood control project sa Rizal at sa San Jose.
05:10Eh, sinisimula na raw nila ang rehabilitasyon ng dike o dike sa barangay Agwas batay sa warranty commitment ng kumpanya.
05:19Tatlo hanggang apat na metro lamang daw ang nasabing dike na may bitak.
05:24Na wala pa nila isang porsyento ng kabuang haba nito na halos limang daan at pitongpong metro.
05:33Tataasa na ang minimum wage o buwan ng sahod ng domestic helper sa ibang bansa ayon sa Department of Migrant Workers.
05:40Mula 400 US Dollars o halos 23,000 pesos, magiging 500 US Dollars o mahigit 28,000 pesos na ang makukuha ng mga domestic helper.
05:51Bukod sa taasahod, kabilang din po sa enhanced reform program ng kagawanan para sa domestic helpers ang annual medical check-up na voluntary.
06:00Ngayon din ang dagdag proteksyon laban sa pang-aabuso, gaya po ng pagsasagawa ng video conferencing sa employer bago pirmahan ng OFW ang kontrata
06:10at implementasyon ng Kamusta Kabayan kung saan magkakaroon nga po ng digital monitoring system sa domestic helpers.
06:18Batay sa datos ng DMW, nasa 200,000 ang bilang ng Filipino domestic helpers na nakadeploy sa iba't ibang bahagi ng mundo.
06:26Kanap ng batas ang Konektadong Pinoy Act na layong paigtingin ang internet access sa Pilipinas.
06:34Sa iralim nito, papayaga makapag-operate ang mga bagong telecommunications companies kahit walang legislative franchise o Certificate of Public Convenience ang necessity.
06:44Hindi naman daw nito mapapahilang tungkulin ng National Telecommunications Commission ayon sa Department of Information and Communications Technology.
06:51Pupulungin daw ng DICT ang mga stakeholder para makabuo ng implementing rules and regulations.
06:57Ayon sa Malacanang, nag-lapse into law ang panukala.
07:01Ibig sabihin, naging batas ito matapos hindi i-vito o pirmahan ng Pangulo makalipas ang 30 araw matapos itong maipasa ng Kongreso.
07:10Itinanghal ang GMA Network na Best TV Station sa 37th PMPC Star Awards for Television.
07:23Nakatanggap din ang award ng ilang kapuso programs at personalities.
07:27Narito po ang latest.
07:28Big winners ang ilang kapuso programs at personalities sa 37th PMPC Star Awards for Television.
07:37Best TV Station ang GMA Network.
07:40Best News Program ang 24 Oras.
07:42Best Morning Show ang Unang Hirit.
07:44Habang ang mga host nito ang Best Morning Show Hosts.
07:47Ang kapuso mo Jessica Soho ang Best Magazine Show.
07:51Best Public Service Program ang Wish Colang.
07:53Best Lifestyle Travel Show ang pinasarap sa GTV.
07:57Kung saan ang host nito na si Cara David, ang Best Lifestyle Travel Show Host.
08:02Best Documentary Program hosts si na Cara David, Sandra Aguinaldo, Howie Severino, Atom Araulio, Mav Gonzalez at John Consulta.
08:12Best Documentary Program naman ang The Atom Araulio Specials.
08:16Best Public Affairs Program ang Kayetano in Action with Boy Abunda.
08:20Habang ang mga host nito ang Best Public Affairs Program hosts.
08:24Best Celebrity Talk Show ang Fast Talk with Boy Abunda.
08:28At si Boy Abunda ang Best Celebrity Talk Show Host.
08:32Best Game Show Host si Ding Dong Dantes para sa Family Feud.
08:36Best New Male TV Personality si John Clifford ng Pipito Manaloto.
08:41At Best Comedy Show ang Pipito Manaloto.
08:44Best Child Performer si Yuen Mikael.
08:46Best Drama Anthology ang Magpakailanman.
08:50Best Single Performance by an Actor si Alden Richards para sa Magpakailanman episode na Sa Puso at Isipan, The Cantillana Family Story.
09:00Best Single Performance by an Actress si Rochelle Pangilinan para sa Magpakailanman, The Abused Teacher.
09:06Best Primetime TV Series ang Maria Clara at Ibarra.
09:10Best Daytime Drama Series ang Abot Kamay na Pangarap.
09:13Best Miniseries ang Walang Matigas na Polis sa Matinik na Misis.
09:18Best Drama Actress si Rian Ramos para sa Royal Blood.
09:22Best Drama Actor si Joshua Garcia para sa Unbreak My Heart na collaboration project ng GMA, ABS-CBN at View Philippines.
09:31Best Comedy Actress si Charizo Lamon.
09:34Best Comedy Actor si Paolo Contes.
09:37Best Variety Show ang It's Showtime sa GTV.
09:41At Herman Moreno Power Tandem Award naman ang iginawad kina Barbie Forteza at David Licauco o Barda.
09:48Aubrey Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:54Update po tayo sa pagkakaaresto sa isang DPWH District Engineer sa Batangas na nagtangkawan ng manuhol kay Congressman Leandro Ribiste.
10:01Pausapin natin si Police Brigadier General Jack Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 4A.
10:07Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
10:10Thank you, Rafi.
10:14Magandang umaga rin at sa iyong mga tagapakinig sa programa mo.
10:17Opo. Pakikwento nga po sa amin kung paano at ano yung nangyari sa pagkaaresto ng isang DPWH District Engineer sa Batangas.
10:24Yes, this happened last August 22 at around 4.30 in the afternoon.
10:34Nag-continuate po yung office ng mayor sa ating mga kapulisan, yung satal na police station natin.
10:41And with the coordination of the mayor, pumunta po yung mga kapulisan natin, led by our chief of police.
10:51And there and then, pinapasok nila sa office ni Congressman Leandro Ribiste.
11:00And doon na sinagawa yung paghuli dito sa District Engineer na ito, identified as certain Abilardo Jonglai, Kalalo.
11:13Sino pong mayor na nag-coordinate at ano yung usapan ng pagpasok na doon sa loob ng opisina ng mga kapulisan?
11:21Sino yung mayor ng Kwan mismo, mayor ng Taal mismo, sa'yong nag-coordinate sa ating Kwan, si OP, si Chorchichipo Police.
11:32Prior to that, meron hong usapan na talagang may gagawin itong District Engineer, kaya po nandun na siya sa loob ng opisina ng kongresista.
11:41That's our understanding.
11:44That's our understanding.
11:46And then, ito ka, pumunta itong mga Kwan natin, itong mga kapulisan natin.
11:52And there, sinabi na ni Congressman about what happened at yun na, we put the District Engineer into arrest.
12:03Ano po reaksyon ng District Engineer nung maisiwalat na ito'y isang intramptment operation?
12:07Well, I was not in the area, no?
12:13But ito lang, yung kwan, yung na-receive lang natin na report, ang pwede nating masagot po.
12:17Okay. Ayon kay Congressman Leviste, bukas pa po masasampahan ng reklamo yung District Engineer.
12:22Sa ngayon po, nakakaulong po ba siya sa presinto?
12:26Yes, oo. He's been detained at Taal Police Station.
12:30At properly documented naman to include yung evidence po na nakuha sa kanya.
12:37Bakit po bukas pa gagawin at hindi na ngayon matapos yung...
12:41Yes, it's a holiday today, ano?
12:44Okay.
12:45It's a holiday today. So, wala pang office and there was already a coordination with the prosecutor's office ng Taal.
12:56And actually, ito, masusig niyimbestigaan pa at ni-prepare yung mga ito, David, para ma-assure natin na if na-file natin may airtight yung kaso natin.
13:09And so, I also instructed the provincial director na mag-conduct ng case conference para madocument ng maigi together with the fiscal dan sa Taal para magkaroon tayo ng magandang kaso.
13:28May mga posibleng kasama o kasabot po ba yung district engineer sa ginawa mo na niyang panunuhol?
13:37Possible. Possible, ano?
13:40Kaya nga, ito, continuous pa yung investigation natin. May follow-up investigation ito po tayo.
13:45Sige, may karagdagan po katanungan ng aking kasama si Connie Sison dito sa Balitang Hali.
13:51Magandang nga, Tanghali po sa inyo. Ito nga ho yung isa sa mga parang gusto lang namin malinawan.
13:57Saan ho nangyari yung sinasabi ni Representative Leviste na panunuhol sa kanya?
14:03Ito ho ba ay over the phone? Nandun ho ba siya noong mga panahon po na hinuli po itong district engineer?
14:09The report that came into my office, it appears na doon mismo sa office ni Congressman Leviste po nangyari yung pag-arresto at doon na pinatawag yung ating mga kapulisan.
14:25Okay, so talaga akong nabanggit face-to-face yung pag sinasabing panunuhol?
14:32Yes, yes, yes.
14:32Okay, at yung panghuli na lamang po, nasa inyo pa rin ho yung sinasabing 3.6 million ho ba na cash na nakuha kay district engineer ka lalo?
14:46From the reports na nangyari dito, that's 3,126,900.
14:54I see, okay. Ayan po yung sinasabing tangkang panunuhol ng district engineer po.
15:00Marami pong salamat sa inyo pong binigay sa aming mga paglilinaw na yan at impormasyon.
15:05Yes, thank you din.
15:06Yan po naman si Police Brigadier General Jack Wangke, Regional Director ng Police Regional Office 4A.
15:14Muli nating ginugunita ang katapangan at kagitingan ng ating mga bayani ngayon pong National Heroes Day.
15:20Pero ika nga nila, not all heroes wear capes.
15:24Gaya na lamang na ating modern-day heroes na handang tumulong na walang hinihintay nakapalit.
15:29Balitang hatid ni Katrina Sol.
15:33Sariwa pa sa alaalan ni Marlene Lacerna nagtamaan siya ng digaw na bala bago magpasko noong 1999 habang nasa boarding house sa Maynila.
15:42Tumama sa mata pero hindi nagdirekta kung baga umano sa dingding tapos nashoot sa akin yung bala.
15:51Humingi siya ng tulong sa kanyang kaibiga na agad nagtakbo sa kanya sa ospital.
15:55Para kay Marlene, bayani ang kanyang kaibigan.
16:00Malaki ang utang na loob ko talaga sa kanya.
16:02Para sa akin, hero siya sa buhay ko dahil sinib niya yung buhay ko.
16:07Sino naman kaya ang itinuturo ng iba na modern-day hero?
16:11Yung wife ko and my mom. So every struggle sila nandyan lagi.
16:16Yung mother ko po. Kasi kung wala siya, wala ko rito.
16:19Yung mga taong nilalabas nila yung katotohanan, mga nagsasalita sa social media,
16:26na hindi natatakot magsalita ng mga napapansin nilang mali sa ating mga sistema.
16:33Para naman sa isang netizen, modern-day hero niya ang mga frontliner, mga guro at educator,
16:40at mga environmentalist at conservationist.
16:43Para sa isang Philippine studies at pop culture expert,
16:47parte na ng kulturang Pilipino ang pagkilala sa mga taong may malaking na itutulong sa atin,
16:52gaya ng mga magsasaka, OFW, atleta at mga estudyante na nagbibigay ng karangalan sa bansa.
16:59Meron tayong modern-day heroes sa ating lipunan na hindi naman kinakilang makikipaglaban.
17:06At ito yung mga nagbibigay ng ginhawa sa ating lipunan.
17:10Ikang nga nila, not all heroes wear capes.
17:14Ang mga modern-day heroes, maaring ating pamilya, kaibigan, o maging mga hindi natin kilala,
17:20mga handang tumulong nang walang hinihintay na kapalit.
17:24Katrina Son nagbabalita para sa Jemay Integrated News.
17:34Pambungad na good vibes muna tayo this week.
17:37Ang isang pusaway from Pasay.
17:41May mingsyon, impossible kasi ang halaga eh. Sasukses kaya.
17:45Na, cutie campo ang eksenang yan.
17:48Simula pa lang, ayun o, target lock na si Molly.
17:53Sa nakakatakam na hotdog ba naman dyan sa lamesa?
17:56Abay, hindi naman to game show pero paa sa plato ang eksena.
18:02Inalis naman ng sawayin.
18:04Pero hindi pa rin nagpaawat ang pusa sa deadma acting.
18:10Nakipagmatigasan talaga sa kanyang firm up na si Yus Cooper Mara Quinones.
18:15Sa ending, ibinigyan naman si Molly ng award na hotdog.
18:19Maliit na piraso nga lang daw para hindi naman masanay ang pusa na makisalo sa hapagkainan.
18:24Ang video ay halos 800,000 netizens na ang pumuso.
18:29Trending!
18:30Grabe, no?
18:31Cute, cute ni Mingi.
18:32Ang cute talaga.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended