Skip to playerSkip to main content
-Bahagi ng spillway, nasira; maliliit na sasakyan, pinagtulungang itawid

-PAGASA: LPA na dating Bagyong Wilma, magpapaulan pa rin sa MIMAROPA Region at Western Visayas

-73-anyos na babae, patay sa sunog sa Brgy. Muntindilaw; nasa 30 pamilya, apektado

-Ilang bahagi ng Quezon Province, binaha dahil sa epekto ng Shear Line

-Ikalawang palapag ng isang LGU satellite office sa Brgy. Magsaysay, nasunog dahil sa nag-overload umano na saksakan

-Price hike, ipatutupad sa gasolina bukas

-Harry Roque kay Sen. Dela Rosa: Your warrant of arrest is out. Huwag kang pa-kidnap

-Rider, patay nang tambangan; mga suspek, tinutugis

-#ClickKindness, campaign ng Sparkle GMA Artist Center na layong turuan ang netizens ng best practices sa social media


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Baha ang resulta ng pagulang dulot ng shear line at low pressure area o ang dating bagyong Wilma sa Kabikulan.
00:12Nasira ang ina-estruktura sa kasagsagan ng masamang panahon.
00:16Balitang hatid di Bea Finla.
00:19Bagsak ang tulay, hindi kinayang pressure ng tubig.
00:23Sa tindi ng sama ng panahon, bumigay ang bahagi ng isang spillway sa Virac Catanduanes.
00:28Rumaragas ang tubig habang patuloy ang ulan.
00:32Maparaan talaga ang mga tagadugi.
00:34Dahil hindi madaanan ng mga motorista, tulong-tulong ang ilang residente na maitawid ang maliliit na sasakyan.
00:41Panawagan ng ilang lokal na opisyal, mapaayos agad ang nasirang spillway.
00:48Tila nagkaroon naman ang waterfall sa barangay Santa Rosa sa bayan ng Viga.
00:52Dulot yan ang tubig mula sa spillway na umabot na sa mga kalsada dahil sa malakas na ulan.
00:59Sa panganiban Catanduanes, gumuho ang bahagi ng kalsada sa barangay San Miguel dahil din sa malakas na ulan.
01:08Inag-iingat ang mga motorista ang daraan doon.
01:11Patuloy ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi at maglalagay ang lokal na pamahalaan ng early warning devices sa paligid.
01:18Bumaha naman sa iba't ibang bahagi ng Karamuran-Catanduanes dahil din sa masamang panahon.
01:26Pinasok na ng tubig ang ilang bahay roon.
01:29Patuloy ang pagmonitor ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa sitwasyon ng mga residente.
01:37Natabu na naman ang isang bahay sa barangay Buhatan sa Santo Domingo, Albay dahil sa landslide.
01:44Kita sa lugar ang maputik na daan at mga nabual na puno.
01:48Walang nasaktan sa insidente dahil nakalikas agad ang mga nakatira sa natabu ng bahay.
01:54Nalubog naman sa baha ang isang paaralan sa Santa Elena, Camarines Norte.
01:59Ayon sa ilang grupo, maraming gamit doon ang napinsala.
02:02Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:09Nagpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa ang low pressure area o ang dating tropical depression Wilma.
02:15Dalawang beses ito nag-landfall sa Visayas bago humina at naging LPA.
02:19Ayon sa pag-asa, apektado pa rin ng LPA ang Mimaropa Region at Western Visayas.
02:25Sa ngayon, namata nito mahigit 200 km timog ng Kuyo, Palawan.
02:29Bukod sa LPA, tatlong iba pang weather systems ang magpapaulan sa ilang panig ng bansa.
02:34Shear lines sa Cordillera, Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at Quezon Province.
02:44Easter list naman sa Bicol Region.
02:47Habang hanging-amihan dito po sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Cagayan Valley Region, Central Luzon at Calabar Zone.
02:55Ang buong Mindanao at ilang pagpanig ng Visayas, mas makaaasa sa maayos na panahon ngayong lunes,
03:01pero posibi pa rin ang local thunderstorms.
03:06Nasawi ang isang senior citizen sa sunog na sumiklab sa barangay Muntindilaw sa Antipolo, Rizal.
03:12Nasa 30 pamilya ang apektado ng sunog.
03:15Balitang hatib ni EJ Gomez.
03:17Balaking apoy ang gumising sa mga residente ng isang subdivision sa Sitsubulao, Barangay Muntindilaw sa Antipolo City bago mag-alas 12 kagabi.
03:34Tanaw ang naglalagablab na sunog mula sa kalapit na barangay.
03:43Umabot sa ikalawang alarma ang apoy.
03:45Ibig sabihin, hindi bababa sa walong mga truck ng bombero ang kinailangang rumispunde.
03:51Ayon sa isa sa mga naapektohang residente, nahirapan silang lumikas lalo't bata pa ang kanilang mga anak.
03:58Tanging birth certificate lang daw ng pamilya ni Virgie ang naisalba nila.
04:02Munti ka na po maiwan yung anak kong isa, limang taon po.
04:06Ibinalikan po namin yung anak namin tapos inablot na lang kami ng mama.
04:11Sobra po masakit. Nadurog po yung mga gamit namin doon. Walang natera, walang nasalba.
04:16Wala rin daw naisalba kundi ang kanyang cellphone at wallet ang 78 anyos na si Lolo Armando.
04:23Ginising ako nung apo ko. Ay paglabas namin, nagliliab na.
04:28Ay sabi ko, tubig-tubig.
04:31Sabi nung pinutulan daw ng kuryente, ay tapos gumamit ng kandila.
04:39Ayun, doon daw nag-umpisa.
04:40Problem na namin nga ngayon, magpapasko, saan kami matutulog.
04:44Bahay namin ay sunog lahat.
04:46Ilang oras namang naghintay si Rodel sa paghahanap sa kanilang naiwang si 73 anyos na nanay.
04:52Maghaalas 4 kanina, nang kinumpirma ng Bureau of Fire Protection,
04:56ang natagpo ang sunog na bangkay ng biktima.
04:58Ano kami ng mga tubig sabi sa bahay nila, para maisalba pa po.
05:04Kaso wala na po, sobrang lakas na po ng apoy.
05:07Siguro po, tulog na tulog po.
05:09At saka, ulyan na rin po.
05:12Maherap po.
05:14Biglaan po yung nangyari.
05:16Gabayan na lang po niya po, kami ang magkakapatid.
05:19Ang estimate namin na area nung nasulog nasa 500 square meter.
05:26Tapos nasa 32 to 35 na families yung affected, totally burned.
05:32Estimate po siguro mga 100 individuals, more or less.
05:36Ang challenge po nito, masalooban tayo, masigipandaan.
05:40So nahirapan na mga bumbero kasi maraming subdivision sa area.
05:44So iba't iba'y napasukan, pati nga ako na delay din ang pagpasok.
05:48Inaalam pa ng BFP ang pinagmula ng sunog.
05:51Gayun din ang halaga ng pinsalang dulot nito.
05:54Pasado alauna-imedya ng madaling araw kanina,
05:57nang tuluyang naapula ang sunog.
05:59EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:04Ito ang GMA Regional TV News.
06:09Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:13Hindi man direktang naapektuhan ng Bagyong Wilma,
06:15kabi-kabilang pagbaha ang naranasan sa ilang lugar sa probinsya ng Quezon.
06:21Grace, anong sanin ang masamang panahon doon?
06:25Rafi, ayon sa pag-asa, epekto ng Shear Line ang nararanasang masamang panahon sa Quezon Province.
06:31Sa bayan ng Pitogo, nalubog sa baha ang National Road at hindi nadadaanan ng mga motorista.
06:38Patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa kalsada.
06:41Pinahari ng ilang bahagi ng Lopez.
06:44Habang sa gumaka, bumigay ang isang hanging bridge na nakokonekta sa Pitogo
06:49dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilog.
06:52Walang naitalang nasawi o sugatan sa mga pagbaha.
06:56Nasunog naman ay kalawang palapang ng satellite office
06:59ng Lokal na Pamahalaan ng Alfonso Castaneda
07:01na nasa bayan ng Bayumbong sa Nueva Vizcaya.
07:05Batang si Michelle Epes Gerson ng Municipal Fire Marshal
07:07nagmula ang apoy sa nag-overload umano
07:10na saksakan sa isa sa mga silid sa naturang gusali sa barangay magsaysay.
07:15Mabilis ding kumalat ang apoy dahil sa kalumaan ng gusali
07:18at gawa sa light materials ang kisami nito.
07:22Anim na kwarto ang nasunog.
07:24Kabilang sa mga natupok,
07:25ang ilang gamit ng mga estudyante na nunuluyan doon
07:28at kalahok sa Provincial Athletic Mead sa Lalawigan.
07:32Walang nasaktan sa insidente.
07:34Inabot ng halos isang oras ang pag-apula sa apoy.
07:37Sinusubukan pang makuna ng pahayag
07:39ang Lokal na Pamahalaan ng Alfonso Castaneda
07:41sa umgay sa insidente.
07:49Bip, bip, bip!
07:50Mga motorista, may taas presyo sa gasolina simula po bukas.
07:54Sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis,
07:551 peso and 20 centavos ang dagdag sa mga kadalit
07:58ng gasolina.
07:59Wala namang pagbabago sa presyo ng diesel at kerosene.
08:03Ayon sa Department of Energy,
08:04bunso d'ang galaw sa presyo ng pag-atake
08:06ng Ukraine sa oil infrastructure ng Russia,
08:09pati ang tumataas na tensyon
08:10sa pagitan ng Amerika at Venezuela
08:12at ang surplus o dami
08:14ng supply ng langis.
08:19Sa ibang balita,
08:20sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque
08:22na lumabas na ang arestwaran
08:24para kay Senador Bato de la Rosa
08:26mula sa International Criminal Court.
08:29Sa isang Facebook post,
08:30pinayuhan ni Roque si de la Rosa
08:31na huwag anyang magpatidnap
08:33at igiit ang karapatang
08:35mayharap muna sa isang korte sa Pilipinas.
08:38Hindi naman ipiniliwanag ni Roque
08:39kung saan niya nalaman
08:40na may arestwaran para kay de la Rosa.
08:43Sinusubukan pang kunin ang pahayag
08:45ng Department of Justice
08:46kaulay sa mga sinabi ni Roque.
08:48Si ombudsman Jesus Crispin Rimulia
08:50ang unang nagsabi ni itong Nobyembre
08:51na may arestwaran na
08:53para kay de la Rosa
08:54pero sinabi ni Rimulia
08:55kalaunan na unofficial copy yun.
08:58Nauna na nangiginit
08:59ang kampo ni de la Rosa
09:00na walang basihan
09:01ng gobyerno ng Pilipinas
09:02para isuko siya sa ICC.
09:05Si de la Rosa
09:05iniuugnay sa extrajudicial killing
09:08sa War on Drugs
09:08noong Administrasyon Duterte
09:10dahil siya
09:11ang PNP chief noon.
09:12Patay ang isang rider
09:16matapos tambangan sa Taguig.
09:18Dalawang kaibigan ng biktima
09:19ang naaresto
09:20matapos makita sa kanila
09:21ang nawawalang bag
09:23at baril ng biktima.
09:24Ang mainit na balita
09:25hatid ni Bam Alegre.
09:29Suli kamang pananambang
09:31sa isang motorcycle rider
09:32sa iskinitang ito
09:33sa barangay Bambang, Taguig
09:34pasado las 9 kagabi.
09:36Sumulpot ang dalawang lalaki
09:37na parehong armado.
09:38Tinarget nila ang rider
09:39na natumba sa kalsada.
09:41Kahit nakahiga na,
09:42binaril pa siya uli
09:43ng isa sa mga salarin
09:44na agad ding tumakas.
09:45Tinangka naman
09:46ng isa pang salarin
09:47at tangayin
09:47ng motorsiklo ng biktima.
09:49Makikita na bumunod din
09:50ang barilang rider
09:51doon na nawala
09:52sa iskinita
09:53ang natitirang salarin.
09:54May binaril po daw na
09:55na tigabangbang.
09:58Nung paglabas ko,
09:59may nakabulakta.
10:01At tumawag agad ako
10:01ng ambulansya.
10:03Walang ambulansya,
10:04nakadispatch.
10:05Kaya yung tricycle
10:06na tinawag ko,
10:07wala.
10:08Dado na ano po daw eh.
10:09Arrival po daw eh.
10:11Kalaunan,
10:11dumating ang ilang
10:12kakilala ng binaril
10:13na rider.
10:14Naisugod pa sa ospital
10:15ang rider
10:15pero idiniglarang
10:16dead on arrival.
10:17Agad,
10:17pinuseso ng Soko
10:18ang crime scene
10:19para sa ballistics.
10:20Natukasan nilang
10:21nawawala ang bag
10:22ng rider
10:22pati ang baril niya.
10:23Inaresto ng mga otoridad
10:24ang dalawang kaibigan
10:25ng biktima
10:26na una nakakita
10:27sa kanya
10:27matapos ang pamamaril.
10:29Depensa nila,
10:29iti-turn over daw nila
10:30ang bag sa barangay.
10:32Binibigay ko po yung bag
10:33na ano na po,
10:35ayaw po kuhaan
10:36dahil nangangatog po.
10:37Bubuatin niya daw
10:38yung anak niya.
10:39Kaya ang ginuha ko po,
10:40hindi ko po alam
10:40gagawin ko po sa
10:41bag na po yun
10:42eh di kaya po
10:43inuwi ko po.
10:44Tapos,
10:45bababa na po kami,
10:46dumating po yung mga
10:47polis po,
10:47buta sana po kami
10:48ng barangay po
10:49para i-surrender po yung
10:50so surrender po namin.
10:53Naisip ko na lang po
10:54kuhaan yung bakal,
10:55baka mamaya po,
10:56may iba rin makakuha.
10:57Pero may balok na po
10:58talaga i-surrender.
10:59Marami naman po
11:00nakakita na ako yung dumampot.
11:02Hindi wala po naman
11:02ang balok na.
11:03Hindi nagbigay ng panayam
11:04sa harap ng camera
11:05ang polisya,
11:05pero anila,
11:06posibleng maharap
11:07sa reklamang
11:07obstruction of justice
11:08ang dalawang kaibigan.
11:09Inaalam pa ng polisya
11:10ang motibo
11:11sa pamamaril
11:12maging ang pagkakilanlan
11:13ng mga gunman.
11:14Bam Alegre,
11:15nagbabalita
11:16para sa GMA
11:17Integrated News.
11:22It's a brand new week
11:24mga maari at pare.
11:25Kindness starts with me.
11:28Yan ang mensahe
11:29ng newest campaign
11:30ng Sparkle GMA Artist Center.
11:34It begins when you choose to care.
11:35Join us in making a difference.
11:38Hashtag click kindness.
11:40Sa pangunguna ni Asia's
11:41multimedia star
11:42Alden Richards,
11:44nagsama-sama
11:44ang ilang sparkle
11:45at kapuso artists
11:46sa pagbibigay ng best practices
11:49sa paggamit
11:50ng social media
11:51at kung paano
11:52magagamit
11:52ang online platforms
11:54sa pagbuo
11:55ng harmonious community.
11:57Chika nila
11:57magagamit
11:58sa self-improvement
11:59ang constructive
12:00katecisms,
12:02pero kailangan
12:02itong kilatisin
12:03lalo kung
12:04paninira lang
12:05ang layo nito.
12:06Hanggat maaari
12:07huwag nang pansinin
12:08o di kaya'y
12:10i-delete agad
12:11ang nasabing paninira.
12:13Dapat ding maging
12:13compassionate
12:14at sensitive
12:15online
12:16dahil hindi natin alam
12:18ang pinagdaraanan
12:19ng bawat isa.
12:23Speaking of kindness
12:25and giving back,
12:26isang care-avan
12:27ang inilunsad
12:28ni Alden
12:29bilang parte
12:29ng kanyang
12:3050th showbiz anniversary.
12:33Tatlong charitable institutions
12:34ang pinili
12:35mismo ni Alden
12:36at inikuta nila
12:38ng kanyang team
12:39at inalam
12:40ang kanilang
12:40mga pangangailangan.
12:42Kabilang dyan
12:43ang tahanang
12:43walang hagdanan
12:44at East Avenue
12:46Medical Center
12:46Orthopedic Department.
12:49Sa Philippine Animal
12:50Welfare Society
12:50naman,
12:51sako-sakong
12:52cat at dog food
12:53ang maagang
12:54pamasko ni Alden
12:55sa mga hayok
12:56na nakabonding
12:57niya roon.
12:58Kumusta naman
12:59ang paghahanda ni Alden
13:00sa kanyang
13:00fan meet
13:01this coming Saturday?
13:05Yes, we're ready
13:07for December 13.
13:08Excited na kami
13:08na of course
13:10excited na rin ako
13:10lalo na to do
13:11an event
13:12kung saan ako lumaki
13:13and to give back
13:13to the people
13:14who have been there
13:15for me since I started.
13:16Let's all walk down
13:17memory lane
13:18and at the same time
13:18celebrate life
13:19and celebrate it
13:21with a purpose
13:21and gratitude.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended