- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa katiwalian umano sa flood control projects, nagsimula na
-Halos P7,000 halaga ng mga paninda, ninakaw mula sa nakatulog na tindera
-Laman ng bank accounts ng isang senior citizen, nalimas matapos ma-scam ng isang nagpakilalang empleyado ng SSS
-LTFRB: Desisyon sa hiling na P1 provisional fare hike, ilalabas bago matapos ang Agosto
-Mga mangingisda, kabilang na rin sa beneficiary ng P20/kg na bigas simula Aug. 29
-Babae, natagpuang patay, may takip ang bibig at nakagapos ang mga kamay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Lumbad
-Mga tanim na palay sa Brgy. Lanas, napeste ng bacterial leaf blight
-PAGASA: Bagyong Huaning, nasa labas na ng PAR; LPA sa Pacific Ocean, may tsansang maging bagyo at pumasok sa PAR
-Rider na sinita dahil walang helmet, nabuking na nakaw ang dalang motorsiklo; wala siyang pahayag
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Halos P7,000 halaga ng mga paninda, ninakaw mula sa nakatulog na tindera
-Laman ng bank accounts ng isang senior citizen, nalimas matapos ma-scam ng isang nagpakilalang empleyado ng SSS
-LTFRB: Desisyon sa hiling na P1 provisional fare hike, ilalabas bago matapos ang Agosto
-Mga mangingisda, kabilang na rin sa beneficiary ng P20/kg na bigas simula Aug. 29
-Babae, natagpuang patay, may takip ang bibig at nakagapos ang mga kamay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Lumbad
-Mga tanim na palay sa Brgy. Lanas, napeste ng bacterial leaf blight
-PAGASA: Bagyong Huaning, nasa labas na ng PAR; LPA sa Pacific Ocean, may tsansang maging bagyo at pumasok sa PAR
-Rider na sinita dahil walang helmet, nabuking na nakaw ang dalang motorsiklo; wala siyang pahayag
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mainit na balita, gumulong na ang investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Flood Control Projects.
00:06Layon daw nitong hukayin ang korupsyon umano sa mga proyekto mula sa mga kontratista at mga opisyal ng gobyerno.
00:12Ayon kay Committee Chairman Senator Rodante Marcoleta, nasasayang ang pondo dahil sa mga kwestyonabling proyekto.
00:20Kapalit daw nito ang buhay ng mga tao at mga pinsala sa mga ari-arian.
00:25Sa 15 kontratista, 7 ang dumalo o nagpadala ng kinatawan.
00:29Ipapasubin na ng kumite para sa susunod na hiring ang mga hindi sumipot.
00:33Nasa Lisihan ng magnanakaw ang isang tindera sa Maynila.
00:37Nakatulog daw ang biktima dahil sa pagod ng natangay ang halos 7,000 pisong halaga ng mga panindan niya.
00:45Ang nahulikam na insidente sa Balitang Hatid ni Jomer Apresto.
00:49Tila balisa ang babaeng yan na nakunin ng CCTV sa Dagupan Crikside sa Barangay 49 sa Tondo, Maynila, linggo ng umaga.
01:00Makikita pa na ilang beses siyang nagpabalik-balik at tumatakbo.
01:04Natangayan pala siya ng halos 7,000 pesos na halaga ng mga paninda.
01:09Ilang minuto bago ang pagnanakaw, makikita ang isang lalaki na napadaan sa lugar.
01:15Tila kumuha siya ng tsempo at dahan-dahang kinuha ang malaking bag ng biktima na naglalaman ng mga sari-saring paninda tulad ng mga pantali sa buhok at mga plastik.
01:24Ayon sa 32-anyos na biktima, dahil sa pagod, nakaidlip siya sa tabi ng kanyang rolling cart.
01:31Magdamag daw kasi siyang nagbantay sa palengke at maglalako naman sana siya pagsapit ng hapon.
01:37Kasi po, 200 lang po yung binenta ko sa palengke. Kulang na kulang po.
01:43Napatulog po ako. Pahinga po ako, natulog po ako ng saglit para may lakas po ako para maglako po.
01:51Ang problema, inutang niya lang daw sa kanyang kapitbahay ang puhunan.
01:56Ang kikitain, pambilisana ng pagkain para sa kanyang pitong anak.
02:01Nananawagan siya ngayon ng tulong sa Manila LGU.
02:04Hindi niya alam kung gaano kalagan nung paninda ko nakuha niya.
02:09Pambaw na nga nako sa pangkain namin sa araw-araw.
02:13Sabi naman ang barangay, bagamat hindi nila residente ang biktima, handa silang magbigay ng tulong sa kanya.
02:19Nakikipag-ugnayan din daw sila sa iba't ibang barangay na posibleng nakakakilala sa salarin.
02:23Nag-usap kami ng council, ambag-ambag kami para mapunuan yung mga nawala sa kanya.
02:32Makikipag-ugnayan po tayo sa mga kapulisan yung kailangan merong additional police visibility
02:37at barangay, official barangay tunnel visibility.
02:41Nananawagan din ang barangay sa kanilang nasasakupan na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may nakakakilala sa lalaki.
02:49Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:54Online pagnanakaw naman.
02:56Naubos ang laman ng mga bank account na isang senior citizen matapos ma-scam ng isang nagpakilalang empleyado ng SSS.
03:03Ang modus alamin sa balitang hatid ni Ian Cruz para huwag maging biktima.
03:07Pera ang pinaghirapan at inipo ng matagal, naglahong parang bula.
03:16Life savings ng isang senior citizen ang nadali ng scammer ayon sa kumakalat ngayong post sa social media.
03:24Base sa idinitali ng anak ng biktima, alas 11 ng umaga nitong Webes nang tumawag sa kanyang ama ang nagpakilala raw na empleyado ng SSS.
03:35Sinabi raw ng babae na may update ang SSS app at hindi na kailangang pumila sa branch para makakuha ng PRN o Payment Reference Number na nagkataong kailangan noon ng kanyang ama.
03:49Ipinadala raw sa email ng kanyang ama ang link para ma-download ang app na kailangang i-install.
03:56Bandang tanghali, hindi raw makontakt nang nagpost ang kanyang ama kaya pinuntahan niya ito.
04:03Hindi pa raw natapos ma-install ang app kahit noong pasado alauna na ng hapon.
04:09Dito na raw siya nagduda na baka raw scam ito.
04:12Sinubukan daw niyang i-turn off o reset ang cellphone ng ama pero ayaw.
04:17Nihindi raw makapag-screenshot at hindi gumagana ang mga pinipindot nila.
04:22Natigil ang daw ang app installation nang alisin niya ang SIM at nang i-check ang mga bank account na limas na pala ang pera ng ama kahit wala naman daw silang ibinigay na personal na detalye o kahit OTP o yung one-time password.
04:39Inalis nila sa phone ng app installer, inireport sa mga banko ang mga transaksyon, pinablock ang mga card at nagpalit ng passwords at PIN.
04:49Ang social security system, nagpaalala na hindi tumatawag o nagpapadala ng mensahe ang SSS para mag-alok ng espesyal na pribilehyo kapalit ng pag-update ng MySSS o SSS mobile app.
05:04Sa tingin ng isang cyber security professional, posibleng remote access throw dyan ang malware o malicious software na ipinadownload ng tumawag.
05:14Kaya parang na-takeover ng scammer ang cellphone ng biktima.
05:18When installed in your phone or in your laptop, the threat actor will have access, full access to your device and can even prevent the owner to operate the device.
05:33Nakikita niya lahat, nananavigate niya kung saan siya pupunta. Pag may pumasok na OTP, pupunta siya doon sa message, makikita niya. So kung nag-transact siya.
05:45Ang dapat daw tandaan para hindi mga biktima ng mga scammer, huwag kakagaat sa mga texts o tawag, lalo ng mga taong hindi kilala.
05:54Huwag tayong makipag-transaction dahil hindi tayong nakasiguro na maganda ang kahinap na nito.
06:00Ang PNP Anti-Cybercrime Group, umaasang lalapit sa kanilang tanggapan ng biktima para matulungan nila.
06:08Sana matingnan namin, makausap yung biktima para malaman talaga natin kung ano yun.
06:15Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:18Inaasang bago matapos ang Agosto, maglalabas ng desisyon ng LTFRB tungkol sa hiling na dagdag pasahe.
06:27Diniligit kahapon ang petisyong 1 peso provisional fare hike ng mga transport group.
06:31Kung sakaling maaprubahan, magiging 14 pesos ang minimum na pasahe sa traditional jeep.
06:3716 pesos naman sa modern jeep.
06:39Tanong ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadis III, hindi pa ba sapat ang provisional increase noong 2023?
06:45Sabi ng mga transport group, 5 piso na ang itinaasa presyo ng kada litro ng diesel at tumatas din daw ang gastos sa pagpapaayos ng kanilang sasakyan.
06:55Hindi na rin daw mahintay ng transport groups ang fuel subsidy na ilalabas lamang kapag $80 per barrel na ang bentahan ng crudo sa world market.
07:02Sa nakalat na datos ng GMI Integrated News Research, wala pa ito sa $70.
07:10Simula sa August 29, kabilang na ang mga manging isda sa magiging beneficiary ng 20 pesos kada kilo ng bigas.
07:18Ayon sa Department of Agriculture, halos 3 milyong manging isda ang makikinabang sa murang bigas ng gobyerno.
07:25Balak ilunsad ang pagbibenta nito sa mga fish pork.
07:29Kamakailan, isinama na rin sa mga beneficiary ang 20 pesos kada kilo ng bigas program ng pamahalaan ang mga magsasaka.
07:37Nagsimula ang 20 bigas meron na program ng gobyerno nito pong Abril sa Visayas.
07:44Unang sakop ng programa ang mga senior citizen, persons with disability at solo parents.
07:52Ito ang GMA Regional TV News.
07:59Ang pangalita ng GMA Regional TV mula sa Luzon, natagpo ang patay sa loob ng kanyang bahay ang isang babae sa Dingras, Ilocos Norte.
08:08Chris, anong nangyari sa kanya?
08:12Connie, inembesiga na ng pulisya ang insidente bilang kaso ng pagpatay.
08:17Natagpuan kasi ang babae na nakagapos ang mga kamay at may takip ang bibig.
08:22Lumalabas sa otopsi na may sugat siya sa kanyang ulo.
08:25Nawawala rin umano ang mga pera at alahas ng biktima.
08:29Ayon sa abyanan ng biktima, hiwalay na ang biktima at ang kanyang anak.
08:33May mga anak sila pero mag-isang nakatira sa nasabing bahay ang babae.
08:37Nang puntahan nila ang bahay ng biktima, doon na tumambad ang bangkay na walang suot na pang itaas.
08:43Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa krimen at kung ginahasa ang biktima.
08:47Nagsasagawa rin ng CCTV backtracking ang mga otoridad para matugis ang mga nasa likod ng krimen.
08:53Naperwiso naman ang peste ang ilang magsasaka sa Mangaldan dito sa Pangasinan.
09:00Naninilaw na ang dahon ng mga tanim na palay sa Barangay Lanas.
09:04Nangangamba ang mga magsasaka na umabot rin dito o rin ito sa butin ng mga palay.
09:09Ilang beses na raw silang nag-spray ng pesticide pero walang nakikitang pagbabago.
09:15Ayon sa Mangaldan Municipal Agriculture Office, tinamaan ng bacterial leaf blight ang mga pananim doon.
09:21Handa raw silang tumulong sa mga apektadong magsasaka.
09:24Makipag-unayan muna raw sila sa tanggapan nila bago gumamit ng pesticide.
09:30Ayon naman sa Department of Agriculture, hanggang kalahati ang pwedeng mawala sa aanihing palay kapag tinamaan ng bacterial leaf blight.
09:37Kaya iwasan daw ang labis na pagpapatulig para hindi kumalat ang sakit.
09:41Bulutin kaagad ang mga apektadong tanim pero huwag itong ibabaon sa lupa para hindi na makahawa.
09:47Iwasan din ang labis na pagdalagay ng pataba, lalo na ng nitrogen.
09:51Patuyin daw muna ang lupa ng 30 araw para mamatay ang BLB bago taniman ulit.
09:57Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression, Huaning.
10:09Sa ngayon, namataan ang pag-asa ang nasabing bagyo 840 kilometers northeast ng extreme northern Luzon.
10:16Napanatili ng bagyo ang lakas nito na 55 kilometers per hour na hangin.
10:21May panibagong low pressure area naman na binabantayan sa Pacific Ocean.
10:24Mayigit 1,000 kilometro ang layo niyan sa eastern Visayas.
10:29May medium chance daw ito na maging bagyo at posibleng pumasok sa PAR bukas.
10:33Sa ngayon, bahagyan ang nahahatak ng nasabing LTA ang hanging habagat.
10:37Pero easteries pa rin ang umiira sa ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao ayon sa pag-asa.
10:44Higit na makakaasa sa maayos na panahon ng Metro Manila at iba pang panig ng Luzon,
10:48pero maging alerto muli sa mga local thunderstorm.
10:50Katunayan, nakataas ngayon ang thunderstorm watch dito po sa NCR, Gulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
11:00Katagal ang babala hanggang mamayang alas G's ng gabi.
11:05Huli sa Quezon City ang isang lalaking wanted dahil sa kaso ng iligal na droga.
11:10Bestado naman na nakaw ang motorsiklong gamit ng isang sinitang rider dahil wala siyang suot na helmet.
11:17At balitang hati eddi James Agusin.
11:23Nakasakay sa motorsiklong isang lalaki ng sitahin na mga operatiba na nagsasagawa ng anti-criminality operation
11:29sa barangay Gulod na Valiches, Quezon City.
11:32Kalauna na-diskubre na ang daladala niyang motorsiklo, hindi kanya.
11:35Napansin po ng ating mga kapulisan na yung motor ng kanyang gamit ay wala pong rehistro,
11:42ganun din ay wala po siyang helmet.
11:45So siya po ay nalapitan at sinita at sinabihan kung may mga dokumento na hawak ay wala po siyang may pakita.
11:55So nung aming makita, chinek ang engine chassis, ay itinawag namin dito sa aming opisina.
12:04Positibong kinilala na may-ari na sa kanyang motorsiklo na ninakaw sa Project for Quezon City noong biyernes.
12:10Ayon sa biktima ito ay nawala sa tapat ng kanyang bahay.
12:14So nung malaman niya na ito ay nawala, agad nagsadya sa aming impilan at nag-report ng isang motor napping incident.
12:21Inaresto ang 32 anyo sa SOSPE na nanaharap sa reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act.
12:28Ayon sa QCPD, dati na rin siyang nakulong sa parehong kaso,
12:32maging sa reklamong qualified theft at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
12:38Anong koment na lang po, sa korte na lang po kung papaliwanan.
12:40Sa parehong barangay na atyempo hindi ng mga pulisang isang lalaki
12:44na napagalamang may existing warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.
12:51Isinilbito sa 42 anyo sa lalaki.
12:53Napansin po namin na yung lalaki na pasalubong sa amin ay iniiwasan po ang aming operatiba.
13:01So nang siya ay nalapitan at inalam ang kanyang pagkatao,
13:07ay chinek po natin sa tinatawag naming electronic warrant of arrest o e-warrant.
13:13Taong 2019 pa nakasuwan ng lalaki matapos sumanong mahulihan ng droga sa Quezon City.
13:18No comment po, sir.
13:20Nakapagreturno po ang taong polis siya
13:22at inihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
13:25James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
Recommended
13:09
|
Up next
16:45
20:36
13:34
18:10
15:38
47:38
15:16
16:56
18:09
6:38
9:46
9:49
12:01
8:02
43:49
14:10
18:12
10:52
19:40
11:23
8:12
14:33
7:56
34:15
Be the first to comment