Skip to playerSkip to main content
-Quezon City Engineering Department: Hindi sapat ang drainage system ng siyudad sa dami ng ulan na bumuhos nitong Sabado

-Lalaking nahulihan ng hinihinalang shabu, arestado; suspek, hindi nagbigay ng pahayag

-Pia Arcangel, nag-renew ng kontrata sa GMA Network

-Kasambahay na tumangay raw ng P118,000 cash mula sa kanyang amo, pinaghahanap

-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA

-Dating DPWH Sec. Bonoan: Nag-resign ako para bigyang-daan ang mga reporma sa DPWH

-Kabi-kabilang protesta, inilunsad sa Indonesia dahil sa umano'y katiwalian ng ilang opisyal ng gobyerno; 5 patay

-Pagdepensa sa dagat na sakop ng Pilipinas, sentro ng mensahe ng stop and salute flag raising ceremony

-Kapuso Big Winner Mika Salamanca, may bagong kotse/#RaWillVee, may instant bonding sa Japan

-Ano ang pinakahinihintay mo kapag pumasok na ang "Ber" Months?

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Matinding pagbaha ang naranasan sa ilang kalsada sa Metro Manila nitong weekend kasunod ng naranasang pagulan.
00:07Sa Quezon City, mas matindi pa rao sa ondoy ang naranasang pagbaha.
00:11May ulat on the spot si Maki Pulido.
00:14Maki!
00:18Ayon sa Quezon City Engineering Department, hindi naman talaga sapat yung drainage system ng syudad sa dami ng binuhos na ulan nitong Sabado.
00:27So nasa 50 milliliters of rain lang, millimeters of rain lang per hour ang kakayanin ng drainage system ng Quezon City.
00:36Pero yung bumuhos noong Sabado at its peak ay halos 100 millimeters of rain o doble sa kakayanin kapasidad ng drainage system.
00:46Kaya umapaw daw yung tubig na nagdulot ng mga pagbaha sa kalsada.
00:49Isa sa matinding pagbaha ang portion ng Mother Ignacia Avenue malapit sa EDSA na parang rumaragas ang ilog na yung itsura.
00:57Ayon kay Engineer Mark Del Peral, siya yung head ng Quezon City Engineering Department.
01:02Nang umapaw na ang tubig sa kalsada, bumuhos na ito sa Mother Ignacia dahil mababang bahagi ito ng kalsada.
01:09Maliban dyan, bago matayuan ang mga istruktura, posible raw kasi na swamp area ito.
01:15Ibig sabihin, natural na daluyan ng tubig.
01:17May mga lugar daw noong Sabado na hindi may tuturing na flood-prone area pero binaha.
01:23Ilan lang dito yung compound ng Ateneo de Manila.
01:26Pero malapit yung lugar na ito sa mga identified na flood-prone area.
01:30Sa Katipunan, yung kalsada sa tapat ng Ateneo, nagmistula raw itong dam.
01:34Kung saan, naipon na yung tubig dahil naharang ng center island ang tubig na rumagasa mula sa Ateneo compound patungo sa creek.
01:42Pero kung nasunod lang daw sana yung Drainage Master Plan ng Quezon City,
01:47ay bago nang magtayo yung DPWH na mga flood control project,
01:53hindi sana naranasan yung ganitong pagbahan itong Sabado.
01:57So nasa P27 billion pesos yung identified budget para maipatupad yung Drainage Master Plan ng Quezon City.
02:04Mahigit P14 billion pesos na so far yung ginastos ng DPWH sa mga flood control project sa Quezon City
02:11na hindi naka-ordinate sa City Hall.
02:13Kung ito raw ay naka-ordinate lang, sana nadagdagan yung capacity ng Drainage System.
02:19Kung sa ngayon ay nasa 50 millimeters, maaari raw naging 70 millimeters per hour ang capacity ng Drainage System,
02:26kaya't hindi ganun kadami sana yung umapaw na tubig.
02:30Kung naipatupad din daw sana ng maayos yung flood control,
02:33halimbawa naipalaki yung capacity ng San Juan River kung saan pupunta yung karamihan ng tubig mula sa Quezon City,
02:39na iwasan sana yung matinding pagbaha na naranasan nitong Sabado.
02:44Rafi?
02:44Maki may nabanggit ba yung Quezon City na kaget na kanilang gagawin para hindi na ito maulit
02:48o nagbabala sila na pwede pa itong maulit?
02:51Dahil syempre malalaking proyekto yung kailangan para masolusyonan talaga ito.
02:58Pusible pa no, Rafi, na mangyari pa ito.
03:01Pero remember, medyo abnormal yung nangyari nung Sabado.
03:03So, talagang doble nga dun sa dami ng normal na doble yung napakarami ng binuhos na ulan.
03:10So, kung mangyari uli yan, posible yung ganung eksena na nakita natin itong Sabado.
03:15So, kung ano yung gagawin nila?
03:16Of course, what they've been trying to do is implement the drainage master plan ng Quezon City.
03:22Kasi doon, napag-aralan na nila eh, pati yung bilang ng dami ng ulan na bubuhos, kung saan dapat, anong klaseng proyekto.
03:30May mga areas na hindi dapat halimbawa pumping station ang nilalagay.
03:34Dahil kung ipapump mo yung tubig, eh di magbabahalang sa kapilang lugar dahil hindi naman tayo coastal area dito sa Quezon City.
03:40So, ang ginagawa lang nila at inaapila lang nila lagi eh sana kung i-coordinate lamang yung mga flood control projects sa Quezon City
03:48dahil may nakahanda naman ng master plan para dito, eh mas mapapaganda or hindi na natin mararanasan yung ganung katinding pagbaha tulad noong Sabado.
03:58Rafi.
03:59Maraming salamat, Maki Pulido.
04:03May mga nahuli o di kayo natin kitan sa Oplan Galugad ng mga pulis Quezon City.
04:08Kabilang sa kanilang isang balikulungan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.
04:13Balita hatid ni Bea Pinla.
04:14Nakayuko at nakaposas na ang kamay ng 29-anyos na lalaking ito.
04:24Matapos mahulihan ng dalawang maliit na sasay ng hinihinalang shabu,
04:28sa Oplan Galugad ng pulisya sa barangay Kaligayahan, Quezon City,
04:32ang suspect balikulungan matapos mahuli noon dahil din sa iligal na droga.
04:38Dumayo siya eh. So, possible talaga meron dito na mga kasambahan siya.
04:44Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspect.
04:47Dalawang lalaki rin ang naaresto matapos mahuli sa aktong laglalaro ng Caracruz
04:52na may higit sanlibong pisong taya.
04:55Apat na motorsiklo ang na-impound ng mapuna ang mga pasong dokumento nito,
04:59habang labing siyem na tao ang natikitan dahil sa paglabag-umano sa mga ordinansa ng lungsod
05:05tulad ng curfew para sa mga minorde edad.
05:08Ika-apat na magkasunod na linggo na ito na nagsagawa ng Oplan Galugad ang pulis, Quezon City.
05:15Mahigit isan daang pulis ang idineploy.
05:17Ito yung napili natin na barangay kasi mostly yung mga nauhuli namin dito nang gagaling.
05:25Kaya dito na tayo nagsagawa ng Oplan Galugad.
05:28Bea Pinlock nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:3123 years and counting, kasama pa rin natin sa pagtutok at pagsaksi sa mga pinakamalalaking balita at informasyon si Pia Arcangel.
05:43Muling pumirman ng kontrata ang GMA Integrated News anchor para sa late-night newscast na saksi at ng 24 oras weekend.
05:50Present sa contract signing si na GMA Network President and the CEO, Gilberto R. Duavit Jr.
05:56GMA Senior Vice President and Head for GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso.
06:05At Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials, Michelle S. Seva.
06:11Sa isang video message, binati at nagpasalamatin si GMA Network Chairman, Felipe Algozon, sa husay at dedikasyon ni Pia sa paghahatid ng balita.
06:20Si Pia hindi lang naghahatid ng impormasyon sa TV, kundi pati sa online platforms.
06:26Nagpasalamat si Pia sa lahat ng oportunidad at natutuhan niya sa Kapuso Network.
06:31Hindi lang daw trabaho para sa kanyang GMA, kundi ikalawang pamilya at tahanan na niya.
06:36Congratulations Pia!
06:41Kita sa CCTV ang babaeng yan na naglalakad-lakad sa sala ng isang bahay sa Haro Iloilo City.
06:47Umakyat siya sa ikalawang palapag at pagbaba, may dala ng plastic bag.
06:52Doon pinininiwala ang inilagay ng babae ang ninawka umano nitong mahigit sandang libong pisong cash.
06:57Batay sa investigasyon, nitong Agosto lang nang mamasukang kasambahay sa pamilya ang suspect.
07:03Sa pakikipagungnayan ng biktima sa mga kaanak ng suspect, wala na umano ito sa kanilang bahay.
07:08Inaghanap ang suspect na nahaharap sa reklamong qualified theft.
07:17Update tayo sa ragay ng panahon ngayong nakakaranas tayo ng pabugsubugsong pagulan.
07:22Kausapin natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
07:26Magandang tanghali at welcome sa Balitanghali.
07:29Magandang tanghali po sa kanila at sa lahat po na ating mga taga-subaybay.
07:32Opo, nasa na po yung lokasyon ang binabantayang low pressure area sa loob ng PAR?
07:36Well, kaninang alas 8 po ng umaga, yung binabantayang nating low pressure ay tinatayang nasa rin 670 kilometers east-north east of Biracatan, Duanes.
07:48So, offshore pa rin pero yung malawak na kaulapan nito ay nakaka-apekto na nga sa ilang bahagi ng ating bansa, in particular na dito nga sa may bandang Bicol region.
07:58Pinalalakas pa po ba ng LPA yung hanging habagat at saan lugar yung mga direktang maapektuhan?
08:03Tama po, in some ways, pinalalakas nito or na-influensya nitong low pressure yung hanging habagat.
08:11Kaya ngayong araw po, inaasaan natin na posibleng makaranas ng mula 50-100 mm supreme itong lalawigan ng Quezon at Camarines Norte dahil sa low pressure.
08:21Samantala, same amount, 50-100 mm supreme, posibleng maranasan din po sa lalawigan ng Palawan at Occidental Mindoro dahil naman po sa habagat.
08:29May analysis na po ba yung pag-asa doon sa binuhos na ulan nitong weekend dahil napaka-unusual doon po, talagang doble doon sa normal rainfall?
08:46Well, kung titignan nga po natin, yung naganap nung nakarang Sabado kasi ay dulot na isang malaking thunderstorm activity over the Quezon City area.
08:57At monitoring nga natin, halos yung one hour na peak na ulan nito ay nahigitan pa yung one hour na peak na ulan ng Bagyong Ondoy.
09:05Although, nakakonsentrate lang talaga yung ulan dito sa Quezon City, kaya't yun nga, naranasan yung matitinding pagbaha dito sa area.
09:12At posibleng naman po mangyari ito from time to time kapag may mga localized thunderstorm.
09:18Kaya't ang pag-asa po ay nagpapalabas ng tinatawag nating mga thunderstorm at heavy rainfall advisory bilang part ng tinatawag nating nowcasting na usually ang coverage lang up to 3 hours.
09:28Ayun nga po. So, yun ang key po doon talagang localized lang talaga at nakasentro talaga sa Quezon City yung napakalakas na buhos ng ulan. Kaya ganun yung nangyari.
09:36Tama po. Base doon sa pinaka-nakuha nating radar image talagang yung Saturday na nagpaulan, yung event in particular, ay isang napakalaking thunderstorm cloud na nakatapat lamang dito sa may bandang Quezon City area.
09:49Kaya kung mapapansin po nila or nabalitaan nila sa ilang bahagi ng Metro Manila, ay kung hindi man nakaranas ng matinding pagulan, ay hindi kasi ang dami ng ulan na naranasan natin dito sa Quezon City.
10:01E ilang bagay pa po ba inaasahan natin para sa buwang ito?
10:05Well, sa buwang po ng September, inaasahan natin mula 2 hanggang 4 na bagayong posibleng nating mamonitor.
10:11At lagi nating pinapaalala sa ating mga kababayan na posibleng dalawa or at least tatlo rito ang mag-landfall.
10:18Kaya antabayanan din po yung mga monitoring natin ng mga low pressure na kadalasan ay nagkakaroon na potensyal na maging bagyo at makapekto nga sa ating bansa.
10:28Tuwing kailan po ba nagkakaroon ng malakas at napakaraming buhos ng ulan tulad nung nangyari po nung Sabado?
10:33Kung mapapansin natin, Rappi, itong pag-ulan nung nakarang Sabado ay halos during the latter part of the day, yung makapananghali onwards.
10:43So kapag mga localized thunderstorm, mas malaki po ang chance na mangyari ito tanghali hapon o gabi.
10:49Lalong-lalo na kung wala namang bagyo at nangyayari din ito kahit na doon sa mga buwan ng Marso, Abril, Mayo.
10:57Kahit na sinasabi natin na dry season, pwede rin mangyari ito.
11:00So anytime na mangyari ito, nandito po yung monitoring natin, ito nga yung tiyatawag natin pag-iisya natin ng thunderstorm advisory
11:06at mga posibleng rainfall advisory para magbigay ng abiso sa mga kababayan natin sa mga potensyal na impact nito.
11:13May malakas bang ulan na dala, malalakas na hangin, madaming ulan, may mga pagkidlat at paggulog ba na dala itong mga thunderstorm activity na ito.
11:22Of course, pwede rin po mangyari ito sa ibang lugar.
11:24Paano po kung hindi narinig nung ating mga kababayan, yung advisory po ninyo?
11:28Ano po yung telltale sign na magkakaroon ng ganito kalakas na buhos ng ulan na localized sa thunderstorm?
11:33Well, normally kasi pag nag-issue po tayo ng tinatawag natin ng thunderstorm advisory,
11:38once na may namonitor na tayong namumuong thunderstorm clouds
11:41or may existing na thunderstorm clouds sa isang lugar at nakita natin kung may kilos papalapit nga ng isa pang lugar.
11:48So simula po ng alas 11 ng umaga,
11:50ng Sabado ay nag-issue na po tayo ng tinatawag natin na thunderstorm advisory.
11:54In particular, nung 12.52 po, nang tanghali,
11:58nag-issue po tayo ng thunderstorm advisory number 3
12:01at binanggit natin na posibleng nga maaaralan sa pagulan,
12:05hindi lamang Metro Manila,
12:06kundi yung mga ilang pangkarating lalawigan in the next 2 to 3 hours.
12:10So again, dapat po talagang paghandaan at dapat huwag ipagwalang bahala
12:14kapag kayo po yung nag-issue ng localized thunderstorm
12:16dahil posibleng maging threat ito doon sa lugar na inyong binigyan ng warning.
12:20Tama po. Yung monitoring natin dapat ng weather
12:24ay hindi lamang tuwing may bagyo
12:26kasi karanihan po yung mga kapabayan natin
12:28nagtatanong lamang kung may bagyo kapag nakaranas ng pagulan.
12:31Dapat aware din po sila na ang mga pagulan
12:33ay hindi lamang dulot dinadala ng mga bagyo
12:36kundi maging yung mga iba pang weather system
12:38gaya nga po ng localized thunderstorm,
12:40habaga, low pressure,
12:42mga ila pang mga iba pang weather system na
12:43pwedeng magulan at magdulot nga rin po
12:45ang mga pagba, lalong-lalong na po sa mga low-lying areas.
12:48So dapat huwag rin po mag-monitor sa balita
12:50at of course mag-subscribe sa inyong mga social media accounts
12:53para maalaman yung pinaka-latest na impormasyon.
12:55Maraming salamat po sa oras na binagay niyo sa Balitang Halik.
12:59Maraming salamat, Dipot. Magandang araw.
13:00Si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
13:05May ilita balita, ipiniliwanag ni dating Public Works
13:07Secretary Manuel Bonon kung bakit siya nagbitiw
13:10sa Department of Public Works and Highways.
13:12It's been lingering when I need to clamor
13:19and I think for accountability and to give the President
13:24a fresh, yung pamapurso lahat yung institutional reform
13:31that he would like to do.
13:33I think it would be better for me to,
13:36for somebody else to take over.
13:38Meron na rin kami na totoklasan,
13:40but I think I'll leave it to Secretary Bins.
13:43I'll transfer the documents to Secretary Bins.
13:49Anytime na makapag-uusap na kami.
13:53Nakapanayam siya matapos humarap sa Senate Blue Ribbon Committee
13:55hearing ngayong umaga kaugnay sa Flood Control Project.
13:58Isang linggo na ang kabi-kabilang riot sa Indonesia
14:11na nag-ugas sa umanik korupsyon ng ilang opisyal ng gobyerno.
14:14Sobra-sobra daw kasi ang dagdag sahod at housing allowance
14:17na nakuha ng ilan nilang mambabatas.
14:20Lalo pang tumindi ang mga kilos protesta
14:21ng masawi ang isang motorcycle taxi rider
14:24matapos mabanga at makaladkad ng isang police car nitong Huwebes.
14:29May apat na iba pang nasawi sa mga hiwalay na insidente.
14:32Nagpaabot na ang pakikiramay sa pamilya ng biktima
14:34sa Indonesian President Prabowo Subyanto
14:37at pinaiimbestigahan ang nangyari.
14:40Umayag na rin daw ang mga political party
14:42na bawasan ang mga beneficyo ng mga mambabatas
14:45para matigil na ang mga riot.
14:48Kinansila muna ang ilang kilos protesta ngayong araw
14:50matapos higpitan ang siguridad sa Jakarta.
14:53Pinagiingat ng Philippine Embassy sa Indonesia
14:55ang ating mga kababayan sa Jakarta.
14:57Pinayuhan silang umiwas muna sa malalaking pagtitipo
15:00na pwedeng pagmulan ng gulo.
15:03Wala namang napaulat na nasaktang Pinoy
15:04dahil sa mga riot.
15:09Ngayong Maritime and the Archipelagic Nation Awareness Month
15:12sumentro sa depensa sa mga dagat na sakop ng Pilipinas
15:15at pagpapayabong nito
15:16ang mensahe ng Stop and Salute Flag Racing Ceremony
15:19kaninong umaga sa Rizal Park.
15:21Kahit masamang panahon, dumalo pa rin ang ilang opisyal ng gobyerno,
15:26maritime industry workers at stakeholders,
15:28historians at media personnel.
15:31Naging speaker din ng events
15:32si na Presidential Assistant for Maritime Concerns
15:34Secretary Andres Centino,
15:36National Maritime Council Spokesperson
15:38at Undersecretary Alexander Lopez
15:40at Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
15:44Commodore J. Tariala.
15:45Minigyan din nila ang kahalagahan ng
15:47whole-of-nation approach
15:48sa pagtanggol sa mga agresibong galaw ng China
15:51sa West Philippine Sea
15:52na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
16:02Heto na ang latest sa ilang
16:04ex-PBB Celerity Collab Housemates.
16:08Nag-flex si Kapuso Big Winner Mika Salamanca
16:10ng kanyang deserved na latest achievement.
16:13May new car si Mika as part of her new blessing.
16:17Sinear niya ang ilang pictures habang nasa car siya.
16:20Saipa ni Mika kasama ang new car
16:22sa kanyang 2025 bucket list na na-unlock.
16:29Jafan sa Japan!
16:32Instant bonding naman ang vibes ng trio
16:34ni Ralph De Leon, Will Ashley at
16:36Shuvi Etrata or Ra Will V habang nasa Tokyo.
16:40Kita yan sa TikTok video na pinost ni Shuvi.
16:43May kanya-kanyang solo sayawan moment din sila.
16:47Ang Rawi nagkulitan sa kanilang duo video
16:49kung saan i-recreate nila ang one-arm challenge.
16:53At ang latest highlight ng trip ng Ra Will V
16:56ay ang pagsusuot ng traditional wear ng kimono.
17:00Mga kapuso, bear month na.
17:11Tinanong namin ng netizens,
17:12ano ang pinakahihintay nyo kapag birth season na?
17:15Ito ang sagot nila.
17:17Ang sabi ni Joseph Tolentino,
17:19pinakahihintay niya yung pag-uwi ng mga kamag-anak niya
17:21dahil halos lahat daw ay nasa ibang bansa
17:23at busy sa trabaho dito sa Pilipinas.
17:26Ang pinakahihintay naman ni Eric Padrinao
17:29ang hinihintay din ng lahat ng mga manggagawa.
17:3313th month pay!
17:34With groceries giveaway daw sana.
17:37Para naman kay Kay Lumanta Vargas,
17:39most awaited niya ang paglalagay ng Christmas decorations,
17:42mga salo-salo at ligayan ng regalo.
17:45Hindi rin syempre mawawala ang bibigka,
17:47puto-bungong at mainit na tsokolate
17:50na hinihintay ni Cesarita de los Reyes.
17:53Gusto ko rin niya.
17:54Mga kapuso, makisari sa aming online talakayan
17:57sa iba't ibang issue.
17:58Kung may nais din kayong maibalita sa inyong lugar,
18:00mag-PM na sa Facebook page ng Balitang Halit.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended