Skip to playerSkip to main content
-DOJ: Pag-finger heart ni Sarah Discaya, pagpapakita ng insincerity at complacency

-PBBM: Tuloy ang pagpapatayo sa P300B na flooc control projects na pinondohan ng 2025 Nat'l Budget

-Oil price adjustment, ipatutupad bukas

-Justin ng SB19, sumabak sa acting lessons at training para sa role sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"

-Pamilya at abogado ni FPRRD, inireklamo ang hindi pag-abiso ng ICC sa kanila tungkol sa kondisyon ng dating pangulo

-Malacañang, pumalag sa pahayag ng kampo ni FPRRD sa ICC kaugnay sa hinihiling nitong interim release

-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck ng basura; angkas, sugatan

-Dalawang motorsiklo, nagkabanggaan; 3 sugatan

-DPWH engineer, patay matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa backhoe na parte ng road construction

-Pulis at kanyang kasama, arestado dahil sa ilegal umanong pagbebenta ng mga baril; tumanggi silang magsalita

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00How did it go po ma'am?
00:09Gantahan niya yung baseballs.
00:12Yan ang pahayag ng kontratistang si Sarah Diskaya
00:15na nag-finger heart gesture pahabang papasok sa Department of Justice nitong Sabado
00:19para sa kanilang case build-up.
00:21Para sa DOJ, pagpapakita yan ng insincerity at complacency.
00:26Isasama raw nila ito sa kanilang pagsusuri sa mga taong isinasangkot
00:29sa questionableing flood control projects.
00:33Hinimok ng DOJ ang mga iniimbestigahan kaugnay sa kaso na kumilos ng naaayon.
00:38Kabilang si Sarah Diskaya at kanyang asawang si Pasifiko sa protected witnesses ng DOJ.
00:43Hindi pa state witnesses, ibig sabihin, pwede pa rin silang masampahan ng kasong kriminal.
00:49Sa kabila ng sunod-sunod na issue sa DPWH,
00:53tuloy ang pagtatayo hanggang sa susunod na taon ng mga flood control projects
00:58na pinunduhan ngayong 2025.
01:01Ayon kay Pangulong Bongbao Marcos,
01:02titiyaking maayos ang proposal at implementasyon ng mga naturang proyekto
01:07na may kabuang budget na 300 bilyong piso.
01:11Kabilang saan niya i-safeguard measures,
01:13ang pagbalik sa acceptance process sa local government units.
01:17Bago i-turn over ang mga proyekto,
01:19kailangang may clearance na tapos na nga ito mula sa barangay level hanggang sa provincial government.
01:26Sabi ng Pangulo, titiyaking hindi na mauulit ang mga umano'y katiwalian sa flood control projects.
01:32Titiyaking po natin na hindi na po mauulit yung ating nakita.
01:39Titiyaking po natin na bawat sentimo na pera ninyo sa amin,
01:45ang responsibilidad, ang katungkulan na tiyakin na ang bawat sentimo ay mapupunta sa maganda
01:52para pagandahin po ang buhay ng ating mga kababayan.
01:56Mula sa DPWH, iniutos na rin ni Pangulong Marcos kung saan ililipat ang 255.5 billion pesos na pondo
02:05dapat para sa 2026 flood control projects.
02:09Iri-reallocate ang 60 billion pesos sa PhilHealth,
02:13mahigit 39 billion pesos sa Department of Agriculture,
02:17at 600 million pesos sa Agrarian Reform,
02:20halos 36 billion pesos sa ilang ayuda programs ng Department of Social Welfare and Development,
02:26kabilang na ang 4Ps.
02:2818 billion pesos para naman sa Department of Labor and Employment.
02:32Makatatanggap din ang budget reallocation,
02:35ang Department of Health na mahigit 29 billion pesos.
02:39Ang Department of Education na mahigit 26 billion,
02:43CHED na mahigit 9 billion,
02:45at TESDA na 1 billion pesos.
02:47Isang bilyong piso naman ang ililipat sa Department of Transportation para sa rehabilitasyon ng MRT.
02:55May pondo rin dadalhin sa iba pang mga ahensya at programa.
03:04Bip, bip, bip!
03:05Mga motorista, dagdag bawas sa mga produktong petrolyo,
03:08ang ipatutupad sa huling araw ng buwan.
03:11Sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis,
03:1290 centavos ang taas presyo sa kada litro ng diesel,
03:15may bawas namang 20 centavos sa kada litro ng gasolina,
03:19habang sa kerosene, may dagdag na 90 centavos kada litro.
03:24Yan na po ang ikaanim na magkasunod na linggong taas presyo para sa diesel at kerosene,
03:28habang panibagong rollback naman para sa gasolina ng 6 na linggong high.
03:32Ayon sa DOE,
03:35nakapagpataas sa presyo ng geopolitical risk bunso ng banta ng Amerika sa mga bansa sa Europa
03:39na tigilan ang pagbili ng enerhiya mula sa Rasya.
03:43Nagpababa naman sa presyo ang muling pag-export ng Iraq ng krudo patungong Turkey.
03:47Estasecto Encantadix at 18!
03:57Mag-aabisala na sa mundo ng Encantadia si SB19 member Justin.
04:03Mamayang gabi mapapanood na sa episode ng Encantadia Chronicles Sangre si Justin as Eshnad,
04:09ang gatekeeper ng Devas.
04:12Chika niya sa inyong mani, Dream Come True,
04:14ang mapabilang sa series dahil pinangarap niya rin maging actor.
04:19Sumabak siya sa acting lessons at fight training para sa karakter niya.
04:23Bago ang episode tonight, trending ang teaser ni Justin
04:26kasama ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante.
04:32I know na excited din po talaga yung 18 kasi it's something different from SB19 from performing
04:38pero hindi ko po in-expect na marami rin Encantadix yung parang na-excite sa pagpasok ko po.
04:45The International Criminal Court is now in session.
04:49Rodrigo Roa Lutel.
04:58Igniit ng International Criminal Court na pinangangalagaan nila
05:03ang kalusuga ng lahat ng kanilang detainees,
05:05kabilang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:09Ito'y matapos punahin ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte
05:12at abugadong si Nicholas Kaufman, ang ICC,
05:16dahil hindi rin sila naabisuhan agad tungkol sa kondisyon ng dating Pangulo.
05:21Balitang hatid di Dano Tingungko.
05:23Ibinunyag ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:30na si Vice President Sara Duterte at Legal Counsel na si Atty. Nicholas Kaufman
05:34na nalaman nilang isinailaliman dating Pangulo sa laboratory test
05:38para sa cranial at brain injury matapos daw mawala ng malay.
05:42Sabi ng kanyang kampo, hindi sila sinabihan agad ng International Criminal Court tungkol dito.
05:47Kaya kinu-question nila ang kakayahan ng ICC na tiyakin ang kaligtasan ng dating Pangulo.
05:53Ultimo iniindang ingro na kuko ni Duterte at pangangailangan niya ng caregiver,
05:57hindi raw agad matugunan ng ICC.
06:01Sabi pa ni Kaufman, pagod na anya ang dating Pangulo sa pagkakapit niya
06:05at iniinda mga karamdamang may kinalaman sa kanyang katandaan,
06:08bagay nabatid anya ng gobyerno.
06:11Panawagan ng bisya sa ICC, itama ang anya ay gross injustice sa ama.
06:15Sa pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News,
06:18tumanggi ang tagapagsalita ng ICC na magkomento sa pribadong sitwasyon
06:21ng kanilang detainee bilang paggalang sa right to privacy.
06:25Sumusunod daw sila sa mga patakara ng Rome Statute at International Standards
06:29kaugnay sa consular access ng isang detained person
06:32na mahigpit daw na isinasagawa alinsunod sa pagpayag o hiling ng detainee.
06:38Tinututukan daw ng ICC ang physical at psychological well-being ng lahat ng detainee.
06:43Sabi ng DFA, professional, non-intrusive at respectful
06:47ang naging pagdalaw sa dating Pangulo ng Career Consular Officials
06:51ng Embahada sa Netherlands at hindi ng sinasabing agents ng pamahalaan.
06:56Nilinaw rin ni ICC-listed counsel,
06:59Atty. Gilbert Andres, na legal at na,
07:01ayon sa batas at international law,
07:03ang pagbisita ng kahit sinong kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas
07:07kay Duterte kung pinahintulutan niya ito.
07:09At the end of the day, it's really the detainee who will determine that
07:13hindi po yung pamilya niya,
07:16siya po yung subject po ng regulations at procedure po ng ICC.
07:21Sinabi rin ni ICC Assistant to Council at Atty. Christina Conti,
07:26dapat alam ng mga Duterte at kampo nito
07:28na hindi nabubuyo ang ICC sa propaganda o public clamor
07:32at ang anumang impormasyon sa kondisyong medikal ni Duterte
07:35idinidiretsyo sa korte.
07:37Kung meron man daw nagnanais na manatiling malusog si Duterte,
07:57ito ay ang mga pamilya na mga biktima ng kanyang war on drugs.
08:01Lagi nilang panalangin ay matuloy ang trial
08:04at para matuloy ang trial, dapat buhay si Duterte.
08:08September 23, unang itinakda ang confirmation hearing ni Duterte
08:11pero ipinagpaliban nito ng ICC dahil sa hiling ng kampo ni Duterte
08:15na indefinite adjournment dahil hindi na raw siya fit na dumalo sa pagdinig.
08:21Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:24Umalagang malakanyang sa pahayag ng kapo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:29sa International Criminal Court, kaugnay sa hinihiling nilang interim release.
08:33Nitong biyernes kasi, nagsumiti ng dokumento ang Duterte Defense Team
08:37sa ICC Pre-Trial Chamber 1 na nagsasabing
08:39hindi tinututulan ang gobyerno ng Pilipinas
08:42kung papayagan ang pansamantalang paglaya ng dating Pangulo.
08:46Ginamit ng Defense Team ang komento ni Palace Press Officer Claire Castro
08:49na mukhang nagbunga ang madalas na pagbiyay abroad ni Vice President Sara Duterte.
08:54Sagot yan ang palasyo sa naonang sinabi ng vice
08:56na may bansang handang tumanggap sa kanyang ama
08:58sa kaling payagan ng interim release.
09:01Git ni Castro, binaluktot ng Duterte Defense Team
09:04ang kanyang mga naonang pahayag.
09:06Lilinaw ni Castro na walang kapangyarihan ng gobyerno ng Pilipinas
09:09na magdesisyon ukol sa interim release ng dating Pangulo.
09:13Gayunman, igagalang daw nila anuman na maging pasya ng ICC
09:16bilang bahagi ng legal na proseso.
09:19Huli ka ang magpagsalfok ng motorsiklong yan
09:25sa likurang bahagi ng truck ng basura sa Antipolo Rizal
09:28sa lakas ng impact na tumba ang motorsiklo at mga sakay nito.
09:32Dead on arrival sa ospital ang rider
09:34habang sugata naman ang angkas.
09:36Batay sa embestigasyon ng Antipolo City Public Safety and Security Office
09:40pumarada saglit ang truck sa kalsada para manglekta ng basura.
09:44Inaresto ang truck driver pero kalaunay nakalaya
09:47matapos magkaareglo ang pamilya ng mga biktima
09:49at kumpanyang nagmamayari sa truck.
09:52Tumanggi magbigay ng pahayag ang truck driver.
09:55Huli ka ang sa Quezon City ang pagsalpok ng isang motorsiklo sa isa pang motor.
10:03Sa embestigasyon, nabistong nakaw pala ang nakasalpok ng motorsiklo.
10:09Balitang hatid ni James Agustin.
10:11Masda ng isang motorsiklo na biglang nag-counterflow sa bahaging ito ng Republic Avenue
10:18sa barangay Holy Spirit, Quezon City noong biyernes.
10:21Nakasalpukan ito ang isa pang motorsiklo.
10:23Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay.
10:26Ayon sa District Traffic Enforcement Unit ng QCPD,
10:29isinugot sa ospital ang magkaangkas na nabangganan na nag-counterflow ng motorsiklo
10:33matapos sila magtamo ng mga sugat.
10:35Na-discovery ng mga otoridad na ang minamanehong motorsiklo na nakabanggan rider.
10:40Nakaw pala.
10:41Nagkakanda kami ng backtracking follow-up operation kasama yung biktima
10:45nung nalaman namin na mayroong isang motor na involved sa aksidente
10:50na same description nung motor na inahanap namin.
10:53Pagdating namin sa Traffic Sector 5, nakita nang mismo ng biktima yung motor niya
10:58at yung suspect nung nakita niya, personally na-identify niya yung suspect.
11:04I-arresto ang 37 anyo sa lalaking rider na nagtamo ng mga gasgas sa mukha, siko at paa.
11:10Sa investigasyon ng pulisya, siya umano makikita sa CCTV footage
11:14na naglalakad sa bahagin ito ng barangay Commonwealth madaling araw noong biyernes.
11:19Nilapitan niya ang isang nakaparadang motorsiklo sa labas ng bahay.
11:22Dahan-dahan itong itinulak, tsaka sinakyan papalis sa lugar.
11:26Ilang minuto bago niyan, nakita pa ang sospek na may daladala mga kalakal.
11:30Kinaumagahan na nadeskubre na may ari na nawawala ang kanyang motorsiklo.
11:35Nung umaga, nung nagising siya, akala niya yung motorsiklo isiniram lang ng pamangkin niya.
11:41Then, nung dumating yung pamangkin niya, wala pala.
11:45Baka sakali na siya na mag-review ng CCTV sa kapitbahay nila
11:48at na-confirm niya na ninakaw yung motor niya.
11:51Itinanggi ng sospek na ninakaw niya ang motorsiklo.
11:54Isinanla raw ito sa kanya sa halagang 35,000 pesos.
11:57Hindi ko po alam na nakaw po yun.
12:01Na simplang lang po ako nun.
12:03Parang natutusin ang motorsiklo?
12:05Sinanla po sa akin.
12:08Hindi ko nga po kalala eh.
12:11Nagaroon lang rin pala yung may ari eh.
12:12Sa record ng polisya, dati nang na-resaw ang sospek dahil sa kasong malicious mischief.
12:17Ngayon, naharap naman siya sa reklamong reckless imprudence,
12:20assaulting in damage to property and physical injury
12:22at paglabag sa new anti-carnapping law.
12:26James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:31Ito ang GMA Regional TV News.
12:36May init na balita sa Visayas at Mindanao.
12:38Hatid ang GMA Regional TV.
12:40Patay sa aksidente ang isang DPWH engineer sa Sambuanga City.
12:44Cecil, ano nangyari?
12:50Rafi sumalpok ang kanyang minamanehong kotse sa isang nakatigil na backhoe.
12:55Basis sa embestigasyon, mabilis ang takbo ng kotse sa Diversion Road sa Barangay Mercedes.
13:01May sumenyas daw sa driver na bagalan ang pagmaneho dahil sa road construction.
13:06Pero bumangga pa rin ang kotse sa backhoe.
13:08Naka-impound ngayon sa Kulyanan Police Station ang kotse, pati ang nabanggang backhoe.
13:15Walang pahayag ang pamilya ng nasawing driver.
13:19Bistado ang isang polis at kanyang kasama na iligal umanong nagbebenta ng baril sa La Castellana, Negros Suriental.
13:26Ayon sa polisya, namonitor nila ang iligal na gawain ng dalawa kaya nagsagawa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group ng Negros Island Region.
13:37Narecover doon ang isang submachine pistol at isa pang pistol, pati mga bala at gun holster.
13:43Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang arestado.
13:46Dagdag ng polisya, posibleng masuspinde o masibak sa sirbisyo ang naarestong polis.
13:51Pagala ng polisya, posibleng masuspide o masabang.
Comments

Recommended