Skip to playerSkip to main content
-Isa, sugatan matapos masalpok ng van ang isang SUV; driver ng van, tumakas

-Mga biyahero sa Matnog Port, pahirapan sa pagsakay ng RORO pa-Samar dahil sa mabagal na pagbalik ng mga barko sa pantalan

-Lalaking nang-hostage sa 6-anyos na babae sa Brgy. Sabala Manao Proper, patay; biktima, nasagip

-Mahigit 5,000 empleyado ng Bacolod City LGU, nagreklamo sa anila'y amoy panis na pagkain sa Christmas party

-Mag-asawang senior citizen, patay matapos mabangga ng kasalubong na pickup

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Huli kam ang pagsarpok ng van sa isang SUV sa National Highway Sabantay, Ilocosur.
00:16Chris, may nasaktan ba?
00:20Rafi, sugatan sa insidente ang isa sa mga sakay ng SUV.
00:24Sa kuha ng CCTV, kita ang pag-overtake ng van sa isang kotse sa kalsada sa Barangay Bukig.
00:31Nagdere-derecho ang van hanggang sa nasalpok nito ang kasalubong na SUV sa kabilang lane.
00:36Wasak ang harapang bahagi ng van.
00:39Isinugod sa paggamutan ang sugatang pasahero ng SUV.
00:42Ligtasaman ang iba pang sakay ng van at SUV.
00:46Ayon sa pulisya, tumakas ang driver ng van matapos ang insidente.
00:50Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
00:52Sa Matnog, Sorsogon naman, pahirapan sa pagsakay ng Roro ang mga biyahero sa Matnog Port.
01:00Kita ang dami ng mga pasahero na kapila para makabili ng tiket pa Samar ngayong magpapasko.
01:07May ilan pang mahigit labing dalawang oras nang naghihintay para makasakay sa Roro, patawid ng dagat sa Samar.
01:13Sa inisyal na impormasyon ng pamunuan ng Matnog Port, wala namang kansilasyon at tuloy-tuloy ang biyahe.
01:18Ayon sa Sorsogon Provincial Administrator, natatagalan lang makabalik ang mga barko mula sa kabilang pantalan.
01:26Kakaunti kasi ang mga pasahero at mga sasakyan na sumasakay pabalik ng Matnog Port.
01:31Ito ang GMA Regional TV News.
01:40Balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:45Kinostage ang isang batang babae sa Marawi, Lanao del Sur.
01:48Sara, kumusta iyong biktima?
01:50Rafi Nasa Gip, ang 6 na taong gulang na bata, mula sa kamay ng kanyang hostage taker.
01:58Sa imisigasyon ng pulisya, pinasok ng sospek ang bahay ng biktima sa barangay sa Balamanaw proper.
02:04Kumuha siya ng kutsilyo at saka hinostage ang bata.
02:07Nagkataong may nagja-jogging na pulis sa lugar.
02:10Kinausap niya ang sospek.
02:12Pero nang makitang nasugatan na ang bata sa pisngi at braso, doon na niya hinarang ang hawak na patalim at binaril ang sospek.
02:20Agad isinugod ang biktima at sospek sa ospital.
02:23Maayos na ang kondisyon ng bata habang idiniklarang dead on arrival sa ospital ang lalaki.
02:29Wala pang pahayag ang mga kaanak na bata.
02:31Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng sospek at kung ano ang motibo niya.
02:36Mahigit limang libong empleyado na Bacolod City LGU ang hindi nakakain sa kanilang Christmas party.
02:44Amoy panisraw kasi ang ipinamigay na pagkain sa party.
02:49Bumili na lang sila ng sariling pagkain.
02:52Sabi ng LGU, nakatanggap sila ng maraming reklamo tungkol sa pagkain at iniimbestigahan na ito.
02:57Ipinatawag na rin ang dalawang caterer.
03:00Aabot daw sa mahigit isang milyong piso ang inilaampondo para sa pagkain.
03:04Iwas panis tips ng mga eksperto.
03:07Dapat malinis ang mga kamay at mga gamit sa pagluluto.
03:11Gumamit lang ng malinis na tubig at sariwang mga sangkap.
03:15Ihiwalay ang mga hilaw sa naluto na.
03:17Tiyaking naluto na maigi ang pagkain at nasa ligtas na temperatura ang pagtataguan o paglalagyan ng mga ito.
03:27Ito ang GMA Regional TV News.
03:31Patay ang mag-asawang senior citizen na nahulog sa bangin matapos mabangga ng pick-up ang kanilang motorsiklo sa Zambonga City.
03:40Ayon sa pulisya, nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan ang mag-asawa.
03:44Nagtamo rin na minor injuries ang pick-up driver at ang pasahero niyang minor de edad.
03:49Batay sa investigasyon, mabilis ang patakbo ng pick-up habang dumaraan sa pakurbang bahagi ng kalsada.
03:55Napunta ito sa lane ng kasalubong ng motorsiklo at nakaladkad ng pick-up ang motorsiklo patungo sa bangin.
04:03Hawak na ng pulisya ang pick-up driver na mahaharap sa reklamong reckless driving resulting in double homicide.
04:09Wala siyang pahayag.
Comments

Recommended