Skip to playerSkip to main content
-Isa, patay sa salpukan ng bus at delivery truck; 12 sugatan

-P1.7M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Brgy. Medicion 2F; isa, arestado

--ICI: Hindi sinunod ng DPWH ang master plan ng mga river basin sa pagtatayo ng flood control projects sa Cebu

-Monterrazas de Cebu, pinabulaanan ang ilang alegasyon ng DENR kaugnay ng high-end residential project nito sa Cebu

-Sandamakmak na mga sanga at troso, naipon sa Ambuklao Dam kasunod ng Bagyong Uwan

-3 tindahan sa Brgy. Poblacion, nasunog; katabing bahay, nadamay rin

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang pasahero matapos makasalpukan ng sinasakyan niyang bus ang isang delivery truck sa Plaridel Quezon po yan.
00:19Chris, papaano daw ang nangyari dahil at nagkaroon ng disgrasya?
00:22Pony, ayon sa pulisya, sinakop ng pampaserong bus ang kabilang linya ng kalsada sa barangay Concepcion.
00:31Kaya nagkasalubong nito o nakasalubong nito ang truck.
00:34Papunta sa ng Bicol ang delivery truck na mangyari ang isidente, habang pamaynila naman ang bus.
00:40Labing dalawang sugatan kabilang na ang mga driver ng bus at delivery truck.
00:44Agad silang dinala sa ospital.
00:46Patuloy pa ang investigasyon. Wala pang pahayag ang pamunuan ng dalawang sasakyan.
00:52Mahigit isang milong pisong halaga naman ng hinihinalang shabu ang nasabat sa by bus operation sa Imus, Cavite.
00:59Inaresto ang sospek sa operasyon sa barangay Medicion 2F.
01:04Nakuha sa kanya ang mahigit dalawang daang gramo ng hinihinalang iligal na droga, mark money, sling bag at motorsiklo.
01:11Aminado ang sospek na naghahatid siya ng iligal na droga.
01:15Naharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:19Ito ang GMA Regional TV News.
01:27Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
01:31In-inspeksyon ng ICI at DPWH ang mga flood control projects sa Cebu matapos ang matinding pagbaha sa Laluigan dahil sa Bagyong Tino.
01:40Sesilan yung mga inisyal na nakita nila ron.
01:42Raffi, hindi raw sinunod ng DPWH dito sa Region 7 ang master plan ng mga river basin sa bansa kaya maraming lugar dito ang binaha dahil sa pag-apaw ng mga ilog.
01:57Pinuntahan ng DPWH at ICI ang mga flood control projects sa iba't ibang bahagi ng Cebu na binaha.
02:04Ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azuri Jr., aminado ang DPWH Regional Director na mas nakatipid sana kung inunang gawin ang river basin kesa sa mga itinayong flood control projects.
02:17Tiniyak ng ICI na pananagutin ang mga nasa likod nito.
02:21Ipapaayos din agad ang mga nasirang flood control projects dulot ng bagyo.
02:26Pinabuluanan ng Monterasas ni Cebu ang ilang aligasyon ng Department of Environment and Natural Resources kaugnay sa kanilang high-end residential project na sinisisi sa pagbaha sa ilang bahagi dito sa Cebu.
02:42Ayon sa kumpanya, bukas sila sa imbestigasyon ng DENR.
02:46Itinatanggi nilang pumutol sila ng mahigit 701 para sa kanilang proyekto.
02:51Alinsunod din daw sa kanilang Environmental Compliance Certificate at Development Permit.
02:57Tanging mga palumpong o shrubs at secondary undergrowth lang ang kanilang inalis.
03:02Binigyan diin nilang malayo ang nasabing proyekto sa mga bahagi ng Cebu na nakaranas ng matinding pagbaha.
03:11Ito ang GMA Regional TV News.
03:16Okay, sir.
03:16Sandamakmak na mga sanga ng puno at troso ang naipon sa Ambuklaw Dam dahil sa epekto ng bagyong uwan.
03:27Ayon sa mga otoridad, inanod yan mula sa Agno River kasunod ng bagyo.
03:31Nagsasagawa na ng clean-up drive ang mga opisyal ng barangay at volunteers.
03:35Naglagay na rin ng lubid para harangan ang mga debris at mapigilan ang pagkalat nito.
03:40Ayon sa isang barangay kagawad, ito ang unang beses na ganyan karaming debris ang inanod sa Ambuklaw Dam matapos ang bagyo.
03:49Delikado raw ito sa spillway ng dam.
03:55Nasunog ang ilang establishmento sa barangay poblasyon sa Bayug Zamboanga del Sur.
04:00Lag nanganalit na apoy at maitim na uso ang tumambad sa mga tagapurok 9, pasado alas 8 ng gabi noong Webes.
04:09Ayon sa Bureau of Art Protection Region 9, kabilang sa mga nasunog ang isang art sign shop, barbershop at tindahan ng water parts.
04:17Damay rin ang isang bahay.
04:19Walang naitalang sugatan sa insidente.
04:21Problema sa kuryente ang isa sa mga tinitinang sanhinang apoy.
04:25Walang pahayag ang mga may-ari ng nasunog na bahay at mga tindahan.
04:30Walang pahayag ang mga tindahan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended