Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kabi-kabila ang mga insidente ng traffic violations—mula sa driver na hindi tumigil kahit sinampahan ng enforcer, lola na na-hit-and-run, hanggang sa batang nahulog mula sa utility vehicle. Kaya pinag-aaralan ng DOTr ang posibleng shame campaign laban sa mga pasaway na driver. Pero maaari nga ba itong gawin sa ilalim ng batas? Alamin sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mapapakamot ulo ka na lang talaga sa mga pasaway sa kalsada.
00:05Kabi-kabila ang nako-caught on cam ng mga lumalabag sa batas trapiko.
00:10Gaya na lang ng driver ng kotse sa Kawit-Kavite na hindi tumigil kahit na sinampahan na ng traffic enforcer na maninikit ng nasagi niya ang isang motorsiklo.
00:22Sa Marikina naman, sugata ng isang lola matapos ma-hit and run ng isang SUV habang tumatawid sa pedestrian lane.
00:31At viral din siyempre ang pagkahulog na isang bata mula sa umaandar na utility vehicle sa Pasay City matapos biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.
00:42Kaya ang DOTR pinag-aaralan na raw ang paglulunsa ng isang shame campaign laban sa mga driver na pasaway.
00:50Kapag itinuloyan, isa sa publiko raw ang pangalan at litrato ng mga abusadong driver.
00:56Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:59Ask me, ask Atty. Gabby.
01:08Atty, anong sinasabi ng batas tungkol sa binabalak na shame campaign kung saan isa sa publiko ang pagkakakinanlan ng lumabag na driver?
01:16Naku, medyo delikado po yata ito sa pangalan pa lamang, parang medyo alanganin na ang dating, di po ba?
01:24Dahil kung ang pangangahing layunin ay pahiya ang mga diumanong abusadong driver na yan,
01:29na ipalalabas ang mga pangalan at litrato at siguro may kasamang medyo maaahang na salita,
01:35baka magkaroon ng paglabag sa batas at sa mga karapatan ng magiging shame drivers na yan.
01:40Unang-una, sino bang tatargetin dito? Mga akusado pa lamang ba ng paglabag sa batas?
01:47Anong kaso? Violation ba ng mga traffic rules? O kriminal na kaso sa hukuman?
01:52Tandaan po natin may presumption of innocence ang mga tao na akusahan na isang krimen.
01:57At ang presumption na yan ay protectado ng Article 3, Section 14 ng 1987 Constitution.
02:04O baka naman hindi pala guilty ay napahiyana sa publiko?
02:08O kung traffic violation lamang, eh, baka naman napahiyana ng husto at nasira ang reputasyon sa komunidad?
02:15Ito din ay maaaring paglabag na Republic Act 101-73 o Data Privacy Act of 2012
02:21na nagbabawal sa basta-bastang paglalabas ng personal information ng walang legal na basihan.
02:27Of course, meron naman mga exception naman, gaya nga kung ito ay for public interest or public safety.
02:32Pero itong public interest o public safety na angulo ang pangunahing objective
02:38at hindi naman ang shaming o pagpapahiya lamang para maturuan ng leksyon.
02:43Halimbawa, kung may hit and run na nangyari at kailangan mahanap agad ang salarin,
02:49well, pwedeng ilabas siguro ang picture, hindi po ba?
02:52Siguro mayahan tulad natin ito sa mga wanted poster or announcement na minsan ay makikita natin
02:58pero usually ang mga ito ay meron namang mga warrant of arrest.
03:02Ibig sabihin, although hindi pa naman sila nahatulan,
03:05meron ng sapat na ebidensya na natuturo na malamang,
03:08ay guilty sila kaya't kailangan ipaharap sa mga korte.
03:12Kung matatandaan ninyo, nagkaroon dati ng shame campaign si dating Mayor Alfredo Lim.
03:18Iba naman ang modus ng shame campaign niya.
03:21Pinipintahan niya ang mga bahay ng mga kilalang drug pusher.
03:23Hindi umabot sa Korte Suprema ang kaso, sa alam ko, pero sinabi ng Court of Appeals
03:29na ang ganitong shame campaign ay labag sa konstitusyon.
03:33Parang pinarusahan mo na ang akusado ng walang due process daw.
03:37At kung guilty man siya, ang sobrang pagpapahiya ay hindi namang kasalis sa mga penalty na nakalagay sa batas.
03:43And of course, hindi lamang siya, pati ang pamilya niya at lahat na nakatira sa bahay
03:48kasi sinespray paint ang mga bahay dati ng mga supposed drug pusher.
03:53Kaya't sa ganang akin, kasuhan ang mga abusadong driver to the full extent of the law.
03:58Tanggalan ang lisensya kung talagang menace to the public.
04:02Kasuhan ang kriminal kung talagang pabaya, pagbayari ng danos at ikulong.
04:06Ireport ang mga pangyayari pero ang pangunahing layunin ay para huwag tulara na ibang tao,
04:12hindi para ipahiya ang may sala.
04:14Kaya kung ipapatupad ang shame campaign, dapat siguraduhin na may legal basis at may due process.
04:20Sa huli, importante mapanagot ang lumalabag pero hindi rin dapat isaklipisyo ang karapatan ng bawat isa.
04:29Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:32Alam nyo na po yan, para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:36wag magdalawang isip,
04:38Ask Me, Ask Eternigat.
04:40Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:45Bakit?
04:46Pag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:52I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:55Salamat ka puso!
04:56Salamat ka puso!

Recommended