Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Sa CCTV, makikita ang isang estudyante na tila nag-aalangan sa pagtawid, habang ang kanyang mga kasama ay diretsong tumawid sa Diversion Road, Mandurriao District kahit walang pedestrian lane.


Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Bawal tumawid!
00:02Naku o, lagi natin nakikita yan sa mga kalsadang hindi dapat tawiran.
00:07Pero may mga gumagawa pa rin.
00:09Gaya na itong mga estudyante yung tila nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa Iloilo City.
00:16Naku, tignan mo naman yan, nakakainis ha?
00:19Makikita sa CCTV na ang isang estudyante na nasa gitnano ng kalsada,
00:25tila hindi pa sigurado kung tatawid.
00:27Habang ang mga kasama, nagsiakyat sa harang sa Center Island.
00:32Tumawid sila sa diversion road ng Manduriao District kahit wala namang pedestrian lane.
00:38Ayon sa Iloilo City Traffic and Transportation Management Office,
00:43paglabag ito sa anti-jaywalking ordinance.
00:47Dapat nila tumawid sila sa isang footbridge na 50 metro mula sa kanilang tinawiran.
00:53May pedestrian lane din na sa 100 metro naman ang layo.
00:56Pag-usapan natin ang insidente nito.
01:00Ask me, ask Attorney Gabby.
01:08Attorney, itong jaywalking na yata ang isa sa pinakamandalas natin nakikitang paglabag.
01:14Kung sa mga sasakyan may NCAP or no contact apprehension,
01:18at matitikitan ka kapag may violation,
01:22ano naman ang sinasabi ng batas sa mga nagja-jaywalk, adult man o minor?
01:27Well, actually, wala akong alam na batas kung nakalagay bilang Republic Act o Batas Pambansa
01:33na talagang pinagbabawal ang jaywalking, much less na ginagawang krimen nito.
01:38Kapag sinabi natin krimen ay may criminal liability o kulong,
01:41wala naman tayong pambansang batas that makes jaywalking a crime.
01:46Pero nga, merong ordinansa ang MMDA at iba pang mga syudad at munipas sa balidad
01:51na ay pinagbabawal ang jaywalking.
01:54Kaya't mag-check sa inyong mga lokalidad para malaman ang mga penalty.
01:59Sa Metro Manila, sa ilalim ng anti-jaywalking ordinance nito,
02:03may fine na 200 although itataas o itinaas na daw to 500 pesos for jaywalking.
02:09Pero ano ba ang jaywalking? Simple lang naman po yan.
02:12Ito ay ang pagtawid sa isandaan na hindi pedestrian lane o crosswalk o footbridge.
02:18Pero oo, alam ko naman ako minsan, yung footbridge mas mataas pa sa Mount Pulag.
02:24Hindi talaga pedestrian friendly ang mga lansangan natin talaga kung minsan
02:29or should I say kung madalas.
02:31Pero hindi ibig sabihin ay mag-jaywalking kayo dahil ito nga ay nakamamatay.
02:36Kung titignan natin ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation Act,
02:42nakalagay doon na actually kapag ang pedestrian ay tumatawid,
02:45sa pedestrian lane o crosswalk,
02:48ang taong tumatawid dito ang may right of way.
02:51At kung may taong gustong tumawid at walang crosswalk,
02:55ang may right of way actually ay ang mga kotseng dumadaan.
02:58Kahit na walang kulungan jaywalking sa ilalim ng Republic Act 4136,
03:03bakit natin dapat sundin ito?
03:05Well, ito na nga.
03:06Dahil kung may nangyari sa inyo at nasagasaan kayo,
03:10yung degree of liability na nakasagasa sa inyo,
03:13malamang depende kung kayo ay jaywalking or not.
03:16Halimbawa, kung nasagasaan kayo habang tumatawid sa pedestrian lane,
03:21naku, 99.99999% ay kayo ang may kasalanan.
03:27At hindi, ay, kasalanan ng driver ng kotse.
03:30E nasa pedestrian lane kayo,
03:32kayo ang may right of way.
03:33Dapat ay pinadaan kayo at hindi nakipagpatentero ang kotse.
03:37Pero kung kayo ay nasagasaan,
03:39habang tumatawid nang wala sa pedestrian lane,
03:42lalo na kung ito ay main thoroughfare,
03:45ang may right of way dapat ay ang kotse.
03:47Kailangan natin pag-aralan pa kung sino ba talaga ang may pagpapabaya.
03:52Hindi naman porket may right of way ang kotse,
03:54hindi na siya mag-iexercise ng caution.
03:57Hindi po ba?
03:57On the other hand, hindi naman automatic na walang habol ang kawawang jaywalker.
04:02Pero kailangan imbistigahan pa talaga ng masuse.
04:06Kung kayo naman ay tumawid sa gitna ng S-Lex o N-Lex,
04:09naku, mas delikado po yan.
04:11At ang mga driver, wala silang expectation na may tatawid doon
04:15dahil napakabilis talaga ng mga sasakyan
04:17at talagang bawal ang mag-cross ng ganong klaseng expressway.
04:21Mahirap depensa ng isang taong nasa gasaan sa ganito pangyayari
04:25dahil talagang wala nga talagang tatawid dyan.
04:28So, malinaw po.
04:30Una, bawal ang pagtawid sa mga kalsado o highway
04:33kung wala sa pedestrian lane, footbridge o overpass.
04:37Ikalawa, lalo na sa Metro Manila,
04:39may anti-Jaywalking task force sa ilalim ng Traffic Discipline Office
04:43na siyang itinalaga para magpatupad ng batas
04:46at manghuli ng mga lalabag.
04:48At pangatlo, huwag magulat kung may ordinansa in place sa inyong lokalidad.
04:53Malamang ay may multa at dagdag na parusa
04:56para sa mga paulit-ulit na lumalagabag.
05:00Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:03Alam niyo na po, para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:07huwag magdalawang isip.
05:09Ask me, ask attorney get.
05:11Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
05:17Bakit? Mag-subscribe ka na dali na
05:19para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:23I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:27Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended