Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay Philippine State College of Aeronautics, Flying School Director, ret. BGen. Gerardio Zamudio ukol sa mandato at mga programma ng Philippine State College of Aeronautics

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mandato at mga programa ng Philippine State College of Aeronautics.
00:04Ating alamin kasama si retired Brigadier General Gerardo Samudio,
00:08Flying School Director ng Philippine State College of Aeronautics.
00:12Director Samudio, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:18Magandang hapon, Asik Weng and Yusik Marj, Asik Joey sa ating mga tagapagsuibay.
00:26Thank you very much for inviting us here sa Bagong Pilipinas.
00:30Malaking opportunity ito para sa amin para maipagmalaki natin yung magandang hinaharap po ng ating aviation industry,
00:40hindi lamang po sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
00:44Dahil doon sa pinaka-latest na data na inilabas po ng Boeing at saka ng Airbus,
00:51umaabot ho ng halos sa dalawang milyon ang kinakailangan na dagdag na mga trabahador ho sa aviation industry hanggang sa 2043.
01:03At dito sa more or less 2 million neto, Asik Weng and Yusik Marj and Asik Joey,
01:13ay 649,000 na additional pilots ang kinakailangan para po sa 2043.
01:20Kaya maraming salamat at may popromote namin ang kalagahan ho ng aviation,
01:29ang TILSCA na pinamunuan po ni Professor Marwin de la Cruz, ang aming pong president.
01:36Sir, maraming salamat po sa information po na yan.
01:40Pero Sir, una po sa lahat, ano po ba ang pangunahing mandato po ng Flying School ng Philippine State College of Aeronautics
01:47at paano po ba ito naiiba sa iba pang mga aviation schools sa ating bansa?
01:53Sa Flying School, ang aming pong mandato ay kami ay magproduce ng world-class na piloto,
02:03mga highly trained professional pilots para isupply natin po sa pangailangan ng aviation industry.
02:12At kami naman po ay maayos po namin itong napi-perform sapagkat yung mga estudyante ho namin
02:20ay mayroon pong apat na qualifications, itong PPL, yung private pilot license, commercial pilot license,
02:30at mayroon din po silang ratings ho sa multi-engine at saka sa instrument rating.
02:38At marami po ho kami mga plano, pero siguro ito pagkatapos ho na maaprobahan yung aming National Aviation Academy of the Philippines.
02:48By the way, gusto ko lang ho i-report po sa ating mga tagapagsubaybay
02:52na ang Senado ho at saka ang Kongreso ay inaprobahan na ho yung ating National Aviation Academy of the Philippines
03:01at ito ay for signature na ho ng ating Pangulo.
03:05Ngayong August 7 ho, naisubmit ito sa Malacanang.
03:10At kayo po ay excited na ASEC and USEC dito sa pagpirman ni Presidente
03:15pasapagkat ito ang magiging formula para tayo po ay makibahagi dito sa napakalaking pangailangan po sa aviation industry sa buong mundo.
03:29Ang pinag-uusapan dito, ASEC Weng, ay ito ay multi-trillion dollar na ekonomiya, size ng ekonomiya,
03:39na makakatulong ho sa ating bansa kung makakakuha tayo ng share dito.
03:45Kaya dapat pinaghahandaan natin ito sa bagong Pilipinas.
03:49Kinakailangan na tayo po ay magsama-sama na magkaroon tayo ng isang pinagmamalaking aviation industry sa ating bansa
03:59because of the very strategic location po ng Pilipinas.
04:03Tayo ay nasa centro tayo kahit natawag tayong perlas ng silanganan dito ASEC Weng
04:09kasi talagang maganda ang location.
04:11Kaya naman pagdating po sa maritime, ay number one na tayo.
04:15Pero sana ho, hindi lang sa maritime, pati sa aviation industry.
04:19Sa aviation ho, maging supplier din ho tayo ng mga highly skilled, technical na mga workers sa aviation industry, ASEC Weng.
04:33Director, nabanggit niyo po yung demand until 2043 at yun nga po, nabanggit niyo rin yung maritime industry ay numero uno na.
04:42So, ano po yung mga hakbang ng inyong ahensya para po ma-insure na yung mga magtatapos po sa inyong school,
04:49ay yung world class talaga at yung employable talaga sa buong mundo?
04:54Yeah, so sa ngayon ay unang-una ang ginagawa natin ay yung talagang number one,
05:04identify natin yung mga kinakailangan na training na dapat mapasukan din ang mga existing structures natin na karamihan mga doktor na.
05:13So, at number second is yung pangalawa dito ay yung identified natin ano yung mga facilities,
05:23mga equipment na kinakailangan, including yung doktrina, at saka including yung organization po ng Filska.
05:30Kaya nga, napapanahon nito, ASEC Weng, yung National Aviation Academy of the Philippines,
05:36sapagkat dito talaga ang requirement ng batas sa NAAP, sa National Aviation Academy of the Philippines,
05:45ay mag-provide tayo ng world class na aviation training and mga professional education.
05:55At dito, maraming mga nakalagay doon sa bagong batas na ito na magbibigay ng daan para po sa amin
06:05na makapag-produce tayo ng isang world class na mga aviators, sa mga workers.
06:12Kapagkat doon, ASEC Joey, ay mag-maintain tayo ng local and foreign,
06:21mag-maintain tayo ng full of local and foreign na mga experts, na mga instructors,
06:28at mga advisors na consultants, na babayaran sila doon sa kanilang kaparehas ng kanilang natatanggap sa privado
06:41para makapakuha tayo ng kinakailangan natin ng mga knowledge, skills, at saka kasama na yung attitude na ASEC Joey.
06:51Sir, ano pong mga programa meron ang flying school para sa mga estudyante na is maging piloto?
06:58Kasi alam naman po natin na mahal ang tuition para makapasok o para mag-aral bilang piloto.
07:03I'm sure alam niyo po ito, galing po kayo sa Air Force, na marami po sa mga pumapasok sa Air Force,
07:09nagtitraining lang, then after a certain period of time, dumalabas sila para mag-apply sa commercial.
07:17Sir, paano niyo po ba ito tutugunan ngayon?
07:20Yes, actually, yung nabanggit ko kanina, apat na qualifications.
07:28Number one is yung PPL, yung license niya sa private pilot license, yung commercial pilot license,
07:36yung instrument ratings niya, and yung sa multi-engine ratings niya.
07:43Pero mayroon pa kaming plano na sana, pag ang National Aviation Academy of the Philippines ay naapurbahan na,
07:51plano namin na bumili din kami ng mga simulator, ng simulator din,
07:57para sa type rating ng mga estudyante namin na pupunta ng Airbus, sa Boeing.
08:04Kasi mayroon tayong apat na 42 private flying schools all over the country.
08:12Pero ang kulang nila ay yung sa type rating.
08:16So, ang tas-tas, ang laki ng requirements sa type rating, nasa mga 1.8 million para ikaw ay maging qualified na piloto sa isang particular na klase ng aeroplano.
08:29So, ngayon, alam ko mahirapan itong ating mga graduates sa mga privadong mga flying schools,
08:37kaya ito ay pinagtitingnan namin, pinag-aaralan namin kung paano pwedeng pumasok yung gobyerno
08:45para itong mga graduates sa iba't iba mga flying schools ngayon ay ma-ready natin sila para deployable sila sa buong mundo
08:52at tayo ay maging supplier tayo ng mga piloto sa buong mundo.
08:57Hindi na mga nagtatrabaho sa bahay, kundi talagang mga piloto na talagang highly skilled
09:06ang pwede natin maipagmalaki USEC or ASEC, Joey.
09:12Sir, ano po bang klase ng suporta naman po yung binibigay ng Philippine State College of Aeronautics sa mga estudyante po?
09:20Meron po ba kayong mga scholarships or counseling or career placement po sa eskwelahan po?
09:28O meron.
09:29Number one, yung scholarship.
09:31Yung sa ibang mga courses, marami kasi kaming courses dito sa Filska.
09:39Meron kaming Bachelor of Science in Aeronautical Engineering.
09:42By the way, top-natcher kami dyan.
09:44Dito sa latest na examination, board examination, sa amin yung anim, yung number one and the rest sa amin yun.
09:55At saka yung passing percentage namin, napakataas, almost 90% of those who talk ni examination nakapasa.
10:05Tapos tayo ay provider rin tayo ng mga engineer ho, aeronautical engineer sa ibang-ibang mga kumpanya ho sa ibang bansa.
10:13Then meron tayong Bachelor of Science in Air Transportation, major in Advanced Flying.
10:18Ito yung pinamumunuan ko ho.
10:20Yung Bachelor of Science in Aircraft Maintenance Technology, Associate Aircraft Maintenance Technology, Bachelor of Science in Aviation Electronics Technology,
10:31Associate in Aviation Electronic Technology.
10:34Meron pa kaming mga ibang kurso.
10:36Yung Bachelor of Science in Aviation Communication, major in Flight Operations, Bachelor of Science in Aviation Safety and Security Management,
10:46Bachelor of Science in Supply Chain Management with Specialization in Aviation Logistics, Bachelor of Science in Aviation Tourism, major in Travel Management,
10:57Bachelor of Science in Aviation Information System with Specialization in Aviation Information System,
11:03Bachelor of Science in Aviation Information Technology with Specialization in Aviation Information Technology.
11:10Lahat ng papasok dyan sa kursyon na iyan ay skolar, walang babayaran.
11:14At doon sa flying school naman, sa flying training, ang gastos na ngayon ay 3.2 million pesos bawat istudyante.
11:22Kaya yung mga pumapasok sa amin ay yung pinaka-the best of the best dito sa Filska.
11:29Hindi ka maaaring mag-exam doon sa flying training kung wala kang GPA na 90 and above.
11:36So, ngayong taon, ang kinawa namin is 35, ang examinist po doon ay 2,589, ang kinawa lang ho namin is 35.
11:44Ganun ho, kalalim talaga.
11:46Nagagaling yung mga istudyante po namin dito sa Filska.
11:50At mayroon kaming bridging program para doon sa employment.
11:52Ngayon ho, binibridge namin yung mga piloto namin, yung graduates namin sa Army, sa Air Force, sa Navy, sa Coast Guard,
12:00para ma-acquire nila yung disipina ng military para pagpumunta sila ng commercial airline.
12:07Mayroon silang ranggo, mayroong maturity, mayroong flying time.
12:11At talagang pagkakatiwalaan sila sapagkat sila po ay galing sa asundaluhan, mataas yung kanilang disiplina.
12:26Yun yung bridging program namin na ginagawa ngayon. Thank you.
12:30General, doon naman po sa aspeto ng safety protocols at saka standards po.
12:34Kasi kapag nababanggit po yung mga private flying school, di natin maiwasan na nagkakaroon ng aksidente,
12:41lalo na po doon sa Region 3 area po.
12:43So, ano po yung mga ipinapatupad yung standards at protocol para po ma-ensure na ligtas po yung mga estudyante habang nagsasanay?
12:54Well, ang lahat naman ng flying school, ASEC, ay sumusunod doon sa mga pulisiya
13:03na mayroong kailaman sa safety and protection ng ating mga estudyante ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
13:13Unang-una, kinakailangan na kami ay nakakomply doon sa certification na nirequire ng CAAP.
13:23Napakahigpit noon ng mga requirement na yun.
13:26Pati yung aircraft safety and maintenance programs na kinakailangan ng CAAP, kinakailang ikomply namin yan.
13:32Pati yung pilot training standards na kinakailangan, dapat ikomply din namin yan.
13:38Yung safety management system, yung SMS ng CAAP, sinusundan din namin yan.
13:44Pati yung medical standards, yung operational safety programs ng CAAP, sinusundan namin yan
13:49para ma-ensure natin na ang mga estudyante po natin ay ligtas na makakapaglipad po sila.
13:55General, meron pong tanong mula sa ating kasamaan sa media na si Tuesday News sa DCBB.
14:02Sabi po niya, sa mahal ng tuition at training para sa kursong yan, paano po naman makatitiyak ang mga graduate at kanilang mga magulang
14:10na sulit din naman at mababawi ang kanilang tuition sa alok na pasweldo sa actual na trabaho.
14:16May mga nagsasabi po kasing mababaraw po ang sweldo rito sa Pilipinas, kaya mas ginugusto ng marami na sa abroad magtrabaho.
14:23Meron po ba't kayong programa na study now, pay later, gano'n?
14:28Thank you very much. Si Tuesday ho, ay kakilala ko yan, kaibigan ko yan si Tuesday.
14:35Well, wala namang babayaran ho yung mga magulang kasi as I have said, yung ating pong Filska, yung flying school natin,
14:44ay scholar po sila ng bayan.
14:46Ang 3.2 million na yun ay gastos na magagaling po sa atin, galing po sa gobyerno.
14:53At ito ay makakabalik sa atin sa pamagitan na kapag sila po ay nagtrabaho na sa commercial airlines,
15:05mataas ang pagsuldo ng piloto, kaya kasi natawag na lucrative yung trabaho sa airlines, sa commercial airlines,
15:14kasi mataas talaga.
15:15Yung mga classmates ko na naunang pumunta ng airlines, ngayon ay nasa 15,000 US Dollars, mayroon pang 20 US Dollars ang kita nila.
15:27So talagang malaki ho.
15:28Kaya lang pa nagsisimula, yung habang nag-i-build ka ng flying time, ay magsisimula talaga doon sa 100,000, 150,000, gano'n talaga ho.
15:38But once you have already gained your time, your flying time, at tumagal ka na dyan, ay malaki talaga ang soldo natin dyan.
15:48Malaki ang soldo dyan.
15:50At yan naman ho ay hindi lingid po sa kaalaman po ng ating mga kabahin.
15:54Kaya dapat palakasin po natin yan.
15:56Dahil pag nagtrabaho tayo sa ibang bansa, ang kikita niyan yung gobyerno natin.
16:01Because 25% ng kanilang salary, yung kanilang matatanggap, ay ibibigay nila sa gobyerno in the form of tax.
16:10Sir, mensahin niyo na lang po sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga piloto at aviation professional sa ating bansa.
16:19Yes, maraming salamat sa ating mga kasamaan po dyan sa studio.
16:25Kay Asik Joey, Asik Wang, at saka Yusik Marj, sa panahon na ng pagbabago.
16:33Yan ang hymn ng ating bagong Pilipinas.
16:37Tayo po ay magtulong-tulong na paonla rin ang mahal nating bayan.
16:42At ating pong iayos ho ang mga dapat ayusin.
16:45Kaya ako'y naniniwala para masayos po natin yung ating pag-supply ng mga aviators ho, at saka mga technician, mga maintenance.
16:58Itong National Aviation Academy of the Philippines po ay isang sagot po dyan.
17:04Yan ang formula, yan ang sagot namin para sa ganun ay tayo maging supplier tayo ng mga manggagawa sa buong mundo.
17:11Dahil tayo ho ay talagang kinikilala, respetado ho, pero kinakailangan yung numero na almost 2 million na mga manggagawang kinakailangan po sa buong mundo.
17:23Dapat hindi natin yan tinitingnan. Dapat po yan ay tinatrabaho natin yan.
17:28May mga kaakibat na programa, activities, budget po yan.
17:31Ibigay po natin yan para makuha natin ang share na kinakailangan po ng Pilipinas sa panahon po ng bagong Pilipinas.
17:42Maraming salamat po sa ating mga tagapagsubaybay.
17:45Maraming salamat po sa inyong oras, retired Brigadier General Gerardo Zamudio, Flying School Director ng Philippine State College of Aeronautics.
17:53Maraming salamat po sa inyong oras.
18:23Programa sa araw na ito.
18:26Samahan nyo kami ulit bukas para sa mahalagang talakayan at mabilis na aksyon ng pamahalaan.
18:31Mula sa Presidential Communications Office, ako po si Weing Hidalgo.
18:36Patuloy naming aalalayan at tutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
18:41Mula naman sa Department of Justice, ako po si USEC Margarita Gutierrez.
18:45At mula rin sa Presidential Communications Office, ako po si Joey Villarama.
18:51Sama-sama tayo para sa isang bagong Pilipinas ngayon.
19:15Sama-sama tayo.

Recommended