00:00Sa ating balita, pinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Private Sector Advisory Council of PISAC Education and Jobs Sector.
00:08Ayon sa Malacanang, kabilang sa tinalakay sa pulong ang Philippine Labor Market, Semiconductor Industry, Education at Artificial Intelligence o AI Upskilling.
00:18Ilatag pa sa pulong ang plano para sa enterprise-based na pag-aaral at pagsasanay ng AI para maging handa ang mga kabataang Pilipino sa hinaharap.
00:27Tinalakay din ang inisyatiba para mapalawig ang kaalaman sa AI na makatutulong sa mga empleyado sa bansa.
00:35Bukod dito, isinusulong din ang pagpapalakas ng student work immersion para sa maagang exposure ng kabataan sa professional na work environment.
00:44Ang lahat ng ito ay ang patuloy na hakbang ng pamahalaan, katuwang ang pribadong sektor para makamit ng economic and development goals ng bansa.