00:00Ngayon po ang pangalawang araw ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan.
00:04Alamin na po natin ang sitwasyon sa ilang eskwelahan sa Quezon City.
00:07May report si Gav Villegas live. Gav?
00:10Yan yun ang ikalawang araw ng Brigada Eskwela ng Department of Education
00:15sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
00:19Kahapon ng pangunahan ni Education Secretary Sani Angara
00:23ang kick-off ng Brigada Eskwela sa Bakakay East Elementary School sa Albay.
00:27Ngayon taon, ang tema ng Brigada Eskwela ay sama-sama para sa bayang bumabasa
00:32kung saan ay binibigyan din ito ang kolektibong responsibilidad
00:35ng lahat ng stakeholders sa paghahanda ng mga paaralan
00:40at pagpapaunlad ng literasiya ng mga mag-aaral.
00:43Naon na nang sinabi ng kalihim na higit pa sa pagkukumpuni sa mga eskwelahan ang Brigada Eskwela.
00:49Pagkus ito ay pagpapakita rin ng bayanihan.
00:52Ginaayahan ng kalihim ang lahat na lumawak hindi lamang sa pagsasayos ng mga silid-aralan
00:57pati rin sa pagkakaroon ng supportive environment
00:59na nagpapalakas sa bawat bahat ng Pilipino na matutong bumasa.
01:05Maliban sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan,
01:09gabi lang rin sa mga pangunahing aktividad sa Brigada Eskwela
01:12ay ang reading at storytelling sessions at pagsusuri sa kalusugan ng mga mag-aaral.
01:17Hinihikayat rin ang kagawaran ng mga partners nito na makiisa sa iba't ibang paraan
01:21tulad ng pag-donate ng mga learning materials, school furniture at equipment,
01:25pagkain, health at hygiene kits at iba pang mga mahalagang supplies
01:29para sa mga mag-aaral at guru.
01:31So, again, nandito tayo ngayon sa Batasan Hills National High School
01:36dito sa Quezon City at sa mga oras nito
01:39ay nagtutungo na dito yung mga bata at syempre yung kanilang mga magulang
01:43para alamin kung ano nga ba yung seksyon na kanilang papasukan
01:47at saan silid-aralan sila papasok pagsapit ng June 16.
01:52At inaasahan din na mamayang alas 8 ng umaga
01:56ay sisimulan ang ikalawang araw ng Brigada Escuela
02:01dito sa Batasan Hills National High School sa Quezon City.
02:04At yan muna ang update. Balik siya bien.
02:06Maraming salamat, Gav Deliegas.