00:00Magpapatupad pa rin ng blended learning at shifting classes ang ilang para lang may malaking populasyon.
00:06Habang umaasa naman ang mga nasa senior high school na mas magiging efektibo ang bagong senior high curriculum.
00:13Iyan ang ulat ni Vel Custodio.
00:17Senior high school na si Biana ngayong balik skwela.
00:20Inaasahan niya na magiging efektibo ang patuturo sa bagong senior high school curriculum.
00:24And I'm expecting po sana smooth and successful yung magiging subject plans, new curriculums, and new plans po ng advisors namin para sa amin.
00:33Excited na rin si Wendy ngayong pagsisimula na bagong school year.
00:38Natulog po ko na maaga kagabi, tapos nag-ready po ko ng mga gamit po kagabi.
00:44Tapos gumising po ko ng umaga para makapasok po na maagad.
00:47Ina-expect ko po na may makilala po akong bagong mga kaibigan at mag-explore pa po ako sa mga bagong skills na.
00:56All systems go na ang Batasan Hills National High School sa Quezon City ngayong balik skwela.
01:0215,000 enrollees ang papasok ngayong school year sa nasabing paaralan na isa sa pinakamalaking populasyon sa Metro Manila.
01:09I-pinatutupad pa rin ang blended learning system at shifting classes upang makontrol ang dami na mag-aaral at matiyak na matutukan ang mga isudyante.
01:18Tatlong araw on-site ang mga junior high school students, habang dalawang araw naman online.
01:23Inihanda na namin yung mga pangangailangan lalo na sa aming blended modality.
01:30So nag-establish na kami ng mga learning hub, naglagay na rin kami ng LMS at tinataas pa namin yung aming internet capacity.
01:42Namahagi naman ng laptop ang Department of Education at LGU para sa mga isudyante at mga guro sa Batasan Hills National High School.
01:49Nakatakda rin mamahagi ang Quezon City Government na headset na may noise reduction para sa online classes.
01:55Ayon sa principal ng paaralan, sapat ang bilang ng mga guro.
01:58Tinanggal na rin ang administrative tasks sa mga teachers, alinsunod sa Depth Order No. 6, na layuning mabawasan ng 57% ang paperwork sa mga teachers.
02:09Mula nung inilabas yung Depth Order na wala ng administrative tasks, so wala pong teacher na mayroong administrative tasks na hawak.
02:18So naka-full time talaga sila sa teaching.
02:21Samantala, positibo naman ang naging reaksyon ni ACT Teachers Party List Representative Franz Castro sa aksyon ng pamahalaan na pag-hire ng bagong mga guro.
02:31More or less 60,000 mga teachers, so it's good na mayroong 20,000 mga teachers kaya I'm this year, sana nationwide, magpunan yung lahat ng pagkulang sa mga probinsya.
02:47Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang sektor ng edukasyon at pataasin ang manpower sa mga pampublikong paaralan.
02:56Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.