Skip to playerSkip to main content
-Rider ng motorsiklong sumalpok sa poste, patay; kapatid at kaibigan niyang angkas, kritikal

-Phl Statistics Authority: 0.9% na inflation rate nitong Hulyo, pinakamabagal mula noong October 2019

-LPA, nasa loob na ng Ph Area of Responsibility; Monsoon Break, nararanasan ngayon sa bansa

-Babae, patay matapos bugbugin umano ng isang lalaki

-Gasolinahan, convenience store at 2 sasakyan, nasunog; 1 sugatan

-Lalaking nababad sa baha sa paghahanap sa kanyang ama, patay sa leptospirosis

-Presyo ng sili, pumapalo sa P500/kg dahil sa kakulangan ng supply

-Kooperasyon ng Pilipinas at India, palalakasin sa mga kasunduang nakatakdang pirmahan ngayong araw

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Patay ang isang rider ng motosiklo na sumalpok sa isang poste sa Kaloocan.
00:09Ang kapatid ng biktima na angkas niya at isa pa nilang kasama, critical naman.
00:13Balita natin ni James Agustin.
00:18Malaman ko, mga anak ko na yan.
00:22Sabi ko nga sa buhay ko, ano ba pong pagsubok sa akin ng ama ko?
00:25Hindi lubos sa kalain ng barangay tanod na si Alex na kabilang ang dalawa niyang anak sa nirespondihan nilang aksidente.
00:31Sa Camarine Road sa Kaloocan City, pasado launa ng madaling araw kanina.
00:35Tumilapon ng tatlong lalaking biktima matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motosiklo sa isang poste ng signage.
00:42Dedo na raiba sa ospital ang 27 anyos niyang anak na si Aaron na siyang nagmamaneho ng motosiklo.
00:48Critical naman ang 19 anyos niyang anak na si Andre, maging ang lalaking kaibigan nilang nakaangkas din sa motosiklo.
00:55Ayon kay Alex, dadalhin sana sa ospital ng kanyang mga anakang kaibigan.
00:59Matapos itong mapalo ng bote sa ulo sa hindi pa malamang dahilan.
01:02Yung anak ko po, tinawag niya ako doon sa duty.
01:07Sabi niya pa, respond yan natin yung pumamalo sa amin.
01:12Sabi ko, teka, uwi tayo, kukuha akong batuta, uwi kami sa bahay.
01:16Itong bunso ko, tulog, ginising.
01:18Ngayon, yung pinalo pala, nakasunod sa tumatakbo.
01:21Dumating doon sa bahay, sumakay sa likod ng motor niya, dahil dadalhin sa tala.
01:27Naiwan sa pinangyarihan ng aksidente ang mga tsinelas na suot ng mga biktima.
01:31Ang pose ng signage, bumaluktot at halos mabali sa lakas ng pagkakabangga ng motosiklo.
01:37Kwento ng saksi, mabilis ang takbo ng motosiklo at walang suot na helmet ang tatlong sakay nito.
01:42Biglang may narinig kami malakas na tunog, tapos bigla ko na lang nakita may lumilipad na motor.
01:47Yung bunso na driver, yung ganito biak.
01:53Tapos yung isa naman, yung napalo na sinasabi ko, yung napalo naman,
01:58sa mukha ang nakita namin na parang duguan eh.
02:02Tapos yung isa nakadapa, hindi namin alam kung saan ang tama.
02:05Sabi ng mga taga-barangay, aksident prone ng lugar.
02:08Kaya may nakalagay doon na signage bilang paalala sa mga motorista.
02:12Ang dami ng aksidente dyan.
02:14Sa lugar na yan, yung paliko.
02:17Madalas kami nagre-responde dyan.
02:20Nananawagan naman ng tulong ang ama ng mga kapatid na biktima.
02:22Kung mayroon pong tutulong, may tumatawag po ako sa inyo,
02:27bigyan nyo na lang po ako ng bala na po eh kung anong kaya nyo.
02:31Atuloy ang imbisigasyon ng pulisya sa nangyaring aksidente.
02:34James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:39Mainit-init na balita.
02:41Sa unang pagkakataon mula noong October 2019,
02:43mas mababa sa 1% ang inflation o bilis ng pagmahal ng mga produkto-servisyo sa bansa.
02:49Ayon sa Philippine Statistics Authority,
02:510.9% ang naitalang inflation nitong Hulyo.
02:55Ito rin ang pinakamabagal na inflation mula October 2019.
02:58Sabi ng PSA, nakaambag sa pagbagal ng inflation ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng kuryente
03:04at liquefied petroleum gas o LPG,
03:08pati na ang mas mabilis na pagwaban ng presyo ng bigas at kamatis.
03:11Nakaambag din ang mabagal na pagtaas ng presyo ng pamasahe sa barko,
03:15mas mabilis na pagwaban ng presyo ng flights at presyo ng gasolina.
03:19Ang inflation nitong Hulyo ay pasok sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas na 0.5% hanggang 1.3%.
03:27Pumasok na kagabi sa Philippine Area of Responsibility
03:34ang binabantayang low-pressure area mula sa Pacific Ocean.
03:38Namataan po yan ang pag-asa 650 kilometers silangan ng Vira Catanduanes.
03:43Mababa sa ngayon ang tsansa nitong maging bagyo.
03:45Dalawa ang nakikitang posibleng galaw ng masabing LPA.
03:49Sabi ng pag-asa, maaring lumapit ang sama ng panahon sa mainland Luzon
03:54sa mga susunod na araw pero lilihis.
03:58May tsansa rin namang tawirin ng LPA ang Luzon.
04:01Wala pang epekto sa bansa ang LPA.
04:04Naka-monsoon break po tayo ngayon o hindi ramdam ang hanging habagat.
04:09Halos buong bansa ang makararanas ng maayos na panahon
04:12maliban na lamang sa posibleng local thunderstorm mamayang hapon o gabi
04:17base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:26Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:31Patay po ang isang babae matapos saktan ng isang lalaki sa Lipa, Batangas.
04:36Chris, nahuli ba ang suspect?
04:38Connie, naaresto na ang suspect sa kanyang mismong bahay.
04:44Gamin itong miyerkules nang mahulikam ang suspect at biktima
04:48na nag-alakad at sumakay sa isang tricycle.
04:51At batay sa embesigasyon, pumunta sila sa parke at doon nagtalo.
04:55Itinulak ng suspect ang babae at nabagok ang ulo nang tumama sa pavement.
05:00Iniwi pa raw ng suspect ang babae sa kanyang bahay at doon itinuloy ang pananakit.
05:05Kinaumagahan nakita na lamang ang biktima na walang malay sa loob ng tricycle.
05:10Dead on arrival siya sa ospital.
05:12Ayon sa mga polis, hindi magkarelasyon o magkakilala ang sospek at biktima.
05:17Walang pahayag ang sospek na maharap sa reklamong murder.
05:21Dito naman sa Pangasinan, isang gasolinahan at convenience store
05:24ang nasunog sa barangay Dulag sa Lingayen.
05:27Nakuhanan pa ng video ang maitim at makapal nausok dahil sa laki ng apoy.
05:33Kwento ng empleyado ng gasolinahan,
05:36nagalagay noon ang bagong stock ng gasolina hanggang sa tumagas daw ito.
05:40Nang paanda rin daw ang baterya para magpump na ang gasolina,
05:44doon na raw sumiklab ang apoy.
05:46Bukod sa convenience store,
05:48nadamay rin sa sunog ang isang truck at isang motorsiklo
05:52na nakaparada sa gasolinahan.
05:54Sugotan ang may-ari ng gasolinahan na wala pang pahayag.
05:58Tumanggi namang magbigay ng komento ang may-ari ng convenience store.
06:03Nasaway sa leptospirosis ang isang lalaki sa Malabon matapos mababad sa baha
06:07habang hinahanan pa kanyang amang inaresto pala ng mga polis.
06:11Guit ng ina ng nasawi,
06:12biktima ang kanyang mister ng tinatawag na pansakto ng mga polis.
06:16Itinanggiyan ng polis siya.
06:18Balita natin din Nico Wahe.
06:21Tatlong araw hinanap ng 20 anyos na si Dion ang ama
06:26nang hindi umuwi noong gabi ng July 22 sa kanilang bahay sa barangay Longos, Malabon.
06:32Kasagsagan ng bagyo at habagat noon at baha sa kanilang lugar.
06:37Ayon sa ina ni Dion na si Jeneline,
06:39hinatid lang ng mister ang isa pang anak na magtatrabaho.
06:42Kaming mga anak ko nag-aalala kami kasi hindi naman gawain na asawa ko na aalis ng walang pasabi.
06:48Umalis siya, wala naman siyang bit-bit na iba kundi sarili niya,
06:51coin purse niya, yun lang naman ang dalang niya.
06:53Wala siyang dalang cellphone.
06:55Nilusong ang baha para hanapin ang asawa.
06:58Si Jeneline, sa Malabon naghanap.
07:00Si Dion, sa Kaluokan nagbakasakali.
07:03Nitong July 25, si Dion ang nakahanap sa ama.
07:06Ang bandang tanghali, doon nila nahanap si Jason na meron silang napagtanongan na polis na itong si Jason na dakip at inulo sa substation.
07:18At doon nila nakita si Jason na nandun nga nakakulong at nakatago.
07:24Hindi nila pinaalam sa pamilya.
07:27Illegal gambling ang kaso ng ama matapos mahuli umanong nagkakarakrus.
07:31Si Dion, nagsimulang lagnatin at sumakit ang katawan.
07:35At noong July 27, natagpo ang wala ng buhay sa kanilang bahay.
07:40Ayon sa kanyang ina, cardiac arrest dahil sa leptospirosis ang ikinamatay nito.
07:46Noong linggo ng alas 6 o alas 7 ng gabi, kumain.
07:50Pagkatapos kumain, natulog, di na gumising.
07:53Kasi sinabi ni Doktor, meron po bang sugat ito?
07:56Sabi ko, wala po.
07:56Meron po siyang sugat, mami.
07:59Yung tinuro po sa akin.
08:02Alipong nga na yun eh, dala nung kakalusong sa bahay.
08:05O gusto ng makalayang ama ni Dion.
08:07Ayon kay Jeneline, biktima ang kanyang asawa ng tinatawag na pansakto ng mga pulis.
08:13Hindi po niya ginawa yun.
08:16Eh ano po, ayan pong tinatawag ng pansakto ng pulis.
08:21Hinila siya, tapos, ayun na.
08:24Ano na siya, kinasuwan siya ng gambling.
08:27Kinagulat ako, bakit ka nakadetain?
08:29Ang kaso mo, gambling.
08:31Tapos, tinago ka pa ng tatlong araw na hindi ka man lang pinakontak sa pamilya mo.
08:37Pero ang sabi niya, pinapakontak daw sa pamilya,
08:39hindi daw kinukuha ang number.
08:44Ang giit ng Kaloocan Pulis,
08:45madaling araw lang ng July 25 nang madakip ang asawa ni Jeneline,
08:49kung saan naglagi ang mister nito sa unang dalawang araw,
08:53ay hindi raw alam ito ng mga pulis.
08:55Nang manghingi raw ng tulong si Jeneline sa Kaloocan Pulis nung July 24,
08:59agad daw silang nag-alarm sa mga estasyon
09:01para malaman kung nakakulong nga ba ang asawa niya.
09:04Pero wala raw records.
09:06Nung investigator natin, nung nalaman niya,
09:09kasi kinabukasan pasok ko siya sa umaga,
09:11nung nalaman niya na may arrested tayong Jason De La Rosa
09:16na nakakatulad nung nireport niya ma'am Jeneline,
09:20agad po niyang ininform yung mga arresting officer
09:23na maaari kontakin yung kamag-anak ni Jason.
09:30Hindi raw nila tinago.
09:32Pero hindi ito nagtutugma sa sinasabi ni Jeneline
09:34na sa substation ito nakita ni Dion ang ama tanghali ng July 25.
09:38Sa record kasi ng mga pulis,
09:40nasa headquarters na si Jason madaling araw pa lang ng 25.
09:44Pinabulaanan din ng Kaloocan Police na pansaktong huli
09:47ang mister ni Jeneline.
09:48Hindi po kami gumagawa ng mga gano'ng insidente
09:53yung sinasabi nilang pangsakto
09:56o kukuha nilang kami nung sino-sino mang tao dyan
10:01para gawin namin for accomplishment.
10:04Hindi po totoo yun.
10:05Wala raw incentive sa kanilang accomplishments.
10:08Nakikiramay raw ang Kaloocan Police sa sinapit ni Dion.
10:11Ngayon, ang gusto mo na raw ng pamilya ni Dion
10:14ay magkaroon siya ng maayos na libing.
10:17Niko Wahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:21Sa mga mamimili yan na mahilig po sa maanghang na putahe,
10:30dagdagan ho ang inyong budget dahil tumaas ang presyo ng sili
10:35sa ilang pamilihan sa bansa.
10:37Gaya na lamang sa Kalasyao, Pangasinan.
10:39Ang 150 pesos per kilo na siling labuyo noong nakaraang linggo,
10:43pumalo na ngayon sa 500 pesos.
10:46Mabibili naman ng 100 pesos kada kilo ang siling haba
10:50na dati 30 pesos lamang.
10:53Ayon sa ilang nagtitinda,
10:54munsud po yan ng kakulangan ng supply ng sili
10:56na posibleng naapektuhan ng nagdaang mga masamang panahon.
11:01Bukod sa sili, may taas presyo rin po sa ilang gulay
11:03sa malinggas public market sa dagupan.
11:07Gaya ng repolyo, lettuce, patatas at talong.
11:10Ayon sa samahang industriya ng agrikultura o sinag,
11:14karaniwan ang pagtaas sa presyo ng gulay ngayong tag-ulan.
11:17Pero asahan daw na unti-unti nang babalik sa normal
11:20ang supply at presyo ng gulay sa mga susunod na linggo.
11:24Batay naman sa latest monitoring ng Department of Agriculture,
11:28nasa 280 hanggang 450 pesos per kilo
11:31ang presyo ng siling labuyo sa NCR.
11:34Pinakamurang gulay na mabibili ang sayote
11:36at kalabasa na nasa 40 hanggang 90 pesos ang kada kilo.
11:42Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos,
11:44kabila ang mahigit 1,300 Pinoy sa India
11:47sa mga makikinabang sa mga kasunduang pi
11:49pirmahan ngayong araw ng Pilipinas at India.
11:52Balita hatid ni Salima Refran.
11:57Makulay na kultura
11:58At malalim na pagkakaibigan
12:02ang sumalubo kay Pangulong Bongbong Marcos
12:04sa pagdating sa Palam Air Force Station sa New Delhi
12:08para sa limang araw niyang state visit sa India.
12:11Makasaysayan ang state visit na ito
12:13ni Pangulong Marcos Jr. dito sa India.
12:16Lalo't pinagdiriwang ang 75 taong
12:18pagkakaibigan at kooperasyon
12:20ng Pilipinas at India.
12:22Ang ugnayan na yan,
12:23inaasahang pagtitibayin pa
12:25sa pagpirma ng mga kasunduan
12:27ng dalawang bansa.
12:29It's already the fourth largest economy in the world.
12:31It will be a 5 trillion economy
12:33estimated around 2027.
12:35It's a high technology country.
12:37Itong pag-angat ng ugnayan natin sa India,
12:41kaakibat nito yung pinapalagudin natin
12:43yung turismo,
12:44yung pagpapadali ng connectivity,
12:49especially direct air connectivity.
12:50So maraming bagay.
12:53So there's the ease of access
12:55sa pagitan ng dalawang bansa.
12:57Ease of commerce and business
12:59which translates to jobs.
13:01His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos Jr.
13:07Sa harap ng Filipino community
13:08sa New Delhi kagabi,
13:09sinabi ng Pangulo na may mga kasundu
13:11ang makikinabang.
13:13Hindi lang ang mga nasa Pilipinas,
13:14kundi maging ang mga nasa India,
13:16kagaya na lang ng isang
13:17social security agreement.
13:19In the coming days,
13:20our delegation will be engaging
13:22not only the government
13:23of Prime Minister Modi,
13:25but also India's biggest enterprises.
13:28We would like to see them invest more
13:30and generate more jobs back home.
13:34Napakalaking bansa ang India
13:35at napakalawak ang mga larangan
13:38kung saan maaring kapwang makinabang
13:40ang ating dalawang bansa.
13:42Inanunsyo rin ang Pangulo
13:44na magkakaroon na ng direct flights
13:46ang India at Pilipinas
13:47at visa-free na
13:49ang mga bibisitang Indian nationals.
13:51Binigyang pugay rin ang Pangulo
13:53ang Filipino community sa India,
13:55tulad na lang ng mga OFW
13:57na mga profesional
13:57at mga Pinay
13:59na nakapangasawa ng mga Indian.
14:01Magiging ina,
14:02may bahay,
14:03profesional
14:04o anuman pong gawain,
14:06ipagmamalaki
14:07nating lubos
14:08ang inyong pagtataguyod
14:09ng napakagandang pangalan
14:11at pagkilala
14:12sa ating bansa
14:13sa pamamagitan
14:15ng inyong husay,
14:18ng inyong galing
14:19at pakikipagkapwa-tao.
14:22You have made
14:23an excellent portrait
14:25of the Filipino
14:26to the rest of the world.
14:28Even across the vastness of India,
14:30you are cohesive,
14:32you are ready
14:32to lend support
14:33to each other,
14:35to our countrymen in need.
14:37Bagay na kinatuwa ni Mel June
14:38na labing dalawang taon
14:40na sa India
14:40kasamang asawa't anak.
14:43My husband is an Indian,
14:44very responsible
14:46and hanggat maaari,
14:48he doesn't like me to work
14:50because for him,
14:52the family is responsible.
14:54Filipino women's good,
14:57good to take care,
14:58friendly,
14:59friendly.
15:01Maging ang tanyag
15:02na Pinoy chef
15:03na si Augusto Cabrera
15:04na dalawang dekada na
15:06sa India.
15:08Kayang-kaya ng mga Pinoy,
15:09iba ang Pinoy
15:10pagdating sa mga
15:11iba't-ibang
15:12trabaho
15:13kasi matya-tyaga tayo
15:15at kaya,
15:17kaya-kayang-kaya
15:18basta meron ka lang
15:18sipag at tsaga
15:20at saka dapat
15:21passionate ka rin
15:23sa mga ginagawa mo.
15:24Yun,
15:25determination
15:25para din sa pamilya.
15:28Sa Nima Nefra,
15:28nagbabalita
15:29para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended