Skip to playerSkip to main content
-Ilang evacuees, wala nang uuwiang bahay matapos masira ng bagyo/Hagupit ng bagyo, ramdam din sa Calbayog, Samar

-10 miyembro ng isang pamilya, nasawi sa pagbaha sa Brgy. Bacayan/Cebu City LGU: 31 ang naitalang nasawi sa pagbaha; 7 pinaghahanap

-Lalaki, nakuryente habang inihahanda ang bubong ng bahay laban sa epekto ng Bagyong Uwan/Malakas na hangin at ulang dala ng Bagyong Uwan, namerwisyo sa ilang bahagi ng Cagayan

-Mga residente at awtoridad ng Dagupan City, puspusan ang paglilinis matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan/Ilang evacuation center, halos mapuno na/Ilang bahagi ng Dagupan City, binaha dahil sa storm surge at high tide


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Mainit na balita mula sa GMA Regional TV.
00:09Marami pa rin pong residente sa Samar ang nananatili sa evacuation centers.
00:14Kasunod ho ng pananalasa ng bagyong uwan.
00:17Cecil, anong latest sa inyo dyan?
00:21Honey, problema ngayon ng maraming evacuees kung saan sila uuwi
00:25dahil nasira ng bagyong uwan ang kanilang mga bahay.
00:29May ulat on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
00:33Nico?
00:34Cecil, nanatili pa dito sa evacuation center sa Katbalogan City sa Samar
00:40ang ilang mga residente yung nasiraan ang bahay
00:42dahil sa paghampas ng malalaking alon dala ni Bagyong Uwan.
00:48Pangalawang gabi na nakagabi, nanunuluyan ang ilang residente sa evacuation site
00:52sa Samar National School.
00:54Nakauwi ng iba sa kanila matapos humupa ang bagyo.
00:58Pero ang mga natitira, mga wala nang uuwian pa.
01:02Sila yung mga nasiraan ang bahay sa tabing dagat malapit sa pier.
01:06Dahil sa malalakas na hampas ng alon, na wash out ang kanilang mga bahay.
01:11Isa sa kanila, si Aling Rebecca, na mahigit sa 30 taon nang nakatira sa nasabing lugar.
01:16Wala siyang naisalba dahil lumika sila nang bumayo ang bagyo.
01:21Ayon kay Katbalogan City Mayor Dexter Uy,
01:24nakaapekto ang high tide na sinabayan ang malakas at walang hintong ulan
01:28kaya nasira ang mga bahay sa tabing dagat.
01:32May isang nasawi matapos madaganan nang nawasak niyang bahay.
01:36Ramdam din ang Super Typhoon Uwan sa lungsod ng Kalbayog dito pa rin sa Samar.
01:40Nagsimulang naranasan ang malakas na ulan at hangin madaling araw kahapon
01:45na nagtuloy-tuloy hanggang tanghali.
01:48Bunson nito, nakaranas ng pagbaha ang tatlong barangay
01:51at nawalan din sila ng supply ng kuryente.
01:55Sa ngayon ay kinoconsolidate pa ng Office of Civil Defense Region 8
02:00ang kabuang danios at mga reported incidents dito sa buong Eastern Visayas
02:04epekto ng Bagyong Uwan.
02:07Cecil?
02:08Maraming salamat, Nico Sereno.
02:10Samantala, hindi pa rin nakakabangon sa pinsalan ng nagdaang Bagyong Tino
02:15ang maraming taga-Sibu.
02:17Kabilang sa kanina, si Bernard Dino Son
02:19na namatayan ng limang anak habang pinaghahanap pa ang kanyang bunsong anak.
02:25Kasama sa kanyang pinaglalamayan ang dating asawa,
02:28dalawang apo, hipag at pamangkin na nasawi rin sa malawakang pagbaha sa barangay Bakayan.
02:33Kwento ng mga rescuer, isa sa kanyang anak ang tatlong oras na humawak sa puno ng akasya.
02:39Sinubukan pa siyang iligtas at hinagisan ng lubid pero hindi ito umabot hanggang sa matumba ang puno na kinakapitan niya.
02:47Ayon sa kanya, dalawang beses niyang binalakyan ang pamilya para hikayating lumikas pero hindi umano siya pinakinggan.
02:54Sa tala ng lokal na pamalaan ng Cebu City, tatlumput isa na ang naitalang na suwi at pito pa ang pinaghahanap na mga nawawala dahil sa bahagdulot ng Bagyong Tino.
03:04Ito ang GMA Regional TV News.
03:14Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
03:18Isang lalaki ang nakuryente habang pinaghahandaan ang epekto ng Bagyong Uwan sa Apari, Cagayan.
03:25Chris, saan siya nakuryente?
03:26Connie, inaasikasaro noon ng lalaki ang bubong ng kanilang bahay para hindi ito matangay ng hangin.
03:37Sa kabutihang palad, narespondehan agad ang lalaki at nadala sa ospital.
03:41Nasa ligtas na siyang kalagayan.
03:44Samantala sa bayan naman ng Baggaw, humambalang naman sa kalsada ang ilang puno na nabuwal dahil sa bagyo.
03:50Hindi pa madaanan sa ngayon ang kalsada.
03:53Baha naman ang epekto ng bagyo sa bayan ng Enrile.
03:56Isang school compound ang napunan ng tubig dahil sa pagulan.
04:00Ayon sa mga guru, tiyak na pahirapan na naman ang paglilinis kapag humupa na ang tubig.
04:07Update naman tayo hinggil sa hagupit ng Bagyong Uwan sa Dagupan City dito sa Pangasinan.
04:14Bakibalita tayo live mula kay Sandy Salvasio.
04:17Sandy?
04:19Chris, sa mga oras na ito ay paminsan-minsan tayong nakararanas.
04:23Na nga malalakas na pagulan, gayon din na nga hangina.
04:27Kaya naman pinag-iingat po yung ating mga kababayan sa banta pa rin po ng panahon.
04:33Bagamat wala na sa kalupaan ang Bagyong Uwan, bakas naman dito sa lungsod ng Dagupan ang mga pinsalang iniwan nito.
04:43Sa aming paglilibot sa syudad ganinang umaga, maraming mga sanga na nagkalat sa daan at may ilan ding puno na pinatumba ng bagyo.
04:51Ang mga residente rito sa barangay Bunuan Gaset abala na sa paglilinis ng kanilang mga bakuran.
04:56Umabot kasi hanggang sa kalsada ang hampas ng alo ng baybayin, kaya't nagdala pa ito ng mas marami at mas malalaking kalat.
05:04Bunso din ng storm surge binaha ang malalaking bahagi ng barangay.
05:09Ang mga barangay Bunuan Gaset at Bunuan Binlock ang dalawa sa mga malalang tinamaan ng Super Bagyong Uwan.
05:15Ang evacuees sa dalawang barangay umabot na sa mahigit kumulang tatlong libong mga individual.
05:21Maliban sa bilang ng mga residenteng lumikas, marami rin mga bangka ang sinira nitong dumaang bagyo.
05:27Ang mga mangingisda wala rin magawa kundi ayusin kung kaya pangayusin ang kanilang mga nasirang panghanap buhay.
05:34Ang epekto ng storm surge umabot hanggang sa Central Business District ng lungsod at ilang interior barangay.
05:40Ang malala, sinabayan pa ito ng high tide na lalo pang nagpataas sa antas ng baha.
05:46Ang mga residente at motorista, no choice, kundi suungin ang baha.
05:51Chris, muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag po basta-bastang lumusong sa tubig baha.
05:58Kung kinakailangan, magsuot po tayo ng bota o wader para hindi po natin makuha itong mga sakit na maaaring dala nitong tubig baha,
06:07katulad na lamang ng leptospirosis.
06:10Mula sa GME Regional TV at GME Integrated News, ako po si Sandy Salvasio.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended