Skip to playerSkip to main content
-Lalaki, nakuryente habang inihahanda ang bubong ng bahay laban sa epekto ng Bagyong Uwan

-Mga residente at awtoridad ng Dagupan City, puspusan ang paglilinis matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan

-Pope Leo XIV, nag-alay ng panalangin para sa mga Pilipinong nasalanta ng Bagyong Uwan

-Kailan ba itinataas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal number 5?

-INTERVIEW: DR. JOHN MANALO, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Tulay, bumagsak kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan

-Clearing operations, nagpapatuloy; mga natumbang poste, hindi pa naaalis

-Mga bahay, nalubog sa baha dahil sa pag-apaw ng ilog; evacuation operations, isinagawa

-Mga bahay sa coastal area sa Brgy. Gupa, nawasak dahil sa mga alon


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:05Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Isang lalaki ang nakuryente habang pinaghahandaan ang epekto ng bagyong uwan sa aparikagayan.
00:16Chris, saan siya nakuryente?
00:22Connie, inaasika sa ron noon ng lalaki ang bubong ng kanilang bahay para hindi ito matangay ng hangin.
00:28Sa kabutihang palad, narespondihan agad ang lalaki at nadala sa ospital.
00:33Nasa ligtas na siyang kalagayan.
00:35Samantala sa bayan naman ng Baggaw, humambalang naman sa kalsada ang ilang puno na nabuwal dahil sa bagyo.
00:42Hindi pa madaanan sa ngayon ang kalsada.
00:45Baha naman ang epekto ng bagyo sa bayan ng Enrile.
00:48Isang school compound ang napunan ng tubig dahil sa pagulan.
00:52Ayon sa mga guru, tiyak na pahirapan na naman ang paglilinis kapag humupa na ang tubig.
00:59Update naman tayo hinggil sa hagupit ng Bagyong Uwan sa Dagupan City dito sa Pangasinan.
01:05Bakibalita tayo live mula kay Sandy Salvasio.
01:09Sandy?
01:09Chris, sa mga oras na ito ay paminsan-minsan tayong nakararanas na nga malalakas na pagulan,
01:17gayon din na nga hangina.
01:19Kaya naman pinag-iingat po yung ating mga kababayan sa banta pa rin po ng panahon.
01:24Bagamat wala na sa kalupaan ang Bagyong Uwan, bakas naman dito sa lungsod ng Dagupan ang mga pinsalang iniwan nito.
01:35Sa aming paglilibot sa syudad ganinang umaga, maraming mga sanga na nagkalat sa daan at may ilan ding puno na pinatumba ng bagyo.
01:42Ang mga residente rito sa barangay Bunuan Gaset, abala na sa paglilinis ng kanilang mga bakuran.
01:48Umabot kasi hanggang sa kalsada ang hampas ng alo ng baybayin, kaya't nagdala pa ito ng mas marami at mas malalaking kalat.
01:56Bunso din ng storm surge, binaha ang malalaking bahagi ng barangay.
02:01Ang mga barangay Bunuan Gaset at Bunuan Binlock ang dalawa sa mga malalang tinamaan ng Super Bagyong Uwan.
02:07Ang evacuees sa dalawang barangay, umabot na sa mahigit kumulang tatlong libong mga individual.
02:13Maliban sa bilang ng mga residenteng lumikas, marami rin mga bangka ang sinira nitong dumaang bagyo.
02:18Ang mga mangingisda, wala raw magawa kundi ayusin kung kaya pang ayusin ang kanilang mga nasirang panghanap buhay.
02:25Ang epekto ng storm surge, umabot hanggang sa Central Business District ng Lungsod at ilang interior barangay.
02:32Ang malala, sinabayan pa ito ng high tide na lalo pang nagpataas sa antas ng baha.
02:37Ang mga residente at motorista, no choice, kundi suungin ang baha.
02:43Chris, muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag po basta-bastang lumusong sa tubig baha.
02:50Kung kinakailangan, magsuot po tayo ng bota o wader para hindi po natin makuha itong mga sakit na maaaring dala nitong tubig baha,
02:59katulad na lamang ng leptospirosis.
03:02Mula sa GME Regional TV at GME Integrated News, ako po si Sandy Salvasio.
03:12Nag-ally ng panalangin si Pope Leo XIV para sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyong kwa.
03:19Ayon sa Santo Papa, malapit sa kanya ang mga Pilipino.
03:23Ipinagdarasal niya raw ang mga nasawi, kanilang mga naulilang mahal sa buhay, maging ang mga sugatan at nawalan ng tirahan.
03:32Ilang lugar ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5.
03:48Dahil sa bantaho ng bagyong uwan na naging super typhoon bago mag-landfall,
03:53Ano nga ba ang ibig sabihin ng Wind Signal No. 5?
03:57Ayon po sa pag-asa, itinataas ito kung ang bagyo ay may lakas na hangin na 185 kmph o higit pa.
04:06Sa lakas po nito, kayang sirain ang mga lumang bahay o yung mga mahina ang pagkakagawa.
04:12Pwede rin itong makapaminsala ng matibay na bahay tulad ng sirasa bubong o kaya pader.
04:20Posible rin hong makabasag ang bagyo ng mga bintana sa mga high-rise building at magdulot ng paggalaw ng iba pang estruktura.
04:28Malaki rin po ang banta sa buhay ng tao, mga hayop, maging sa mga halaman.
04:34Inaasahan din po ang pagkawala ng supply ng kuryente, tubig at signal ng cellphone at internet.
04:40Matitigil din ang servisyo ng mga pampublikong transportasyon.
04:44Inilalabas ng pag-asa ang signal No. 5, labing dalawang oras bago ang pananalasan ng bagyo para makapaghanda ang mga residente.
04:54Madalas na naranasan ang pinakamalakas na hangin ng bagyo bago ang landfall o yung pagtama sa lupa ng mata ng bagyong galing sa dagat.
05:03Habang papalapit po ang bagyo sa dalampasigan, natutulak ng hangin ang tubig ng dagat
05:09na posibleng maging sanhi ng daluyong o storm surge.
05:14Tuwing may sama ng panahon, mahalaga po sa kaligtasan ang maging maalam at updated sa tamang impormasyon.
05:21Update po tayo sa Bagyong Uwan.
05:26Kausapin natin si pag-asa weather specialist Dr. John Manalo.
05:30Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
05:33Magandang umaga at ganoon din po sa ating mga taga-sabaybay.
05:36Nasa na po ang Bagyong Uwan at saan mga lugar pa posibleng makaranas pa rin po ng mga pag-uulan at malakas na hangin?
05:42Sa ating latest bulatid, itong si Bagyong Uwan ay nasa 135 kilometers west-northwest ng Baknotan, La Union.
05:51Ibig sabihin nito ay dahil sa laki nitong si Bagyong Uwan na umaabot ng 850 kilometers yung radius.
05:58So about 1,600 plus, 700, 1,700 kilometers yung diameter nito.
06:04Kaya meron pa rin tayong signal number 3 dito sa Ilocos Sur, northern and central portion ng La Union, northwestern portion ng Pangasinan.
06:11Signal number 2 naman sa Batanes, Cagayan, including Baboyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ipugao, Benguet, Ilocos Norte.
06:20Natitirang bagay ng La Union, natitirang bagay ng Pangasinan, Aurora, Sabales, Bataan, Nueva Ecea, Tarlac, Pampanga at Bulacan.
06:27Signal number 1 na lamang po dito sa Metro Manila.
06:30Pero kahit signal number 1 ay mararanasan pa rin natin yung mga pagbugsun ng hangin.
06:35Also gusto rin po natin banggitin na meron tayong heavy rainfall warning.
06:39Naka-yellow pa rin po dito sa Metro Manila.
06:41At to continue po yung mga signal number 1, kasama dito yung Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, kasama ang Polilio Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro.
06:51Kasama po yung Lubang Islands, Marinduque, Romblon, northern portion ng Palawan, kasama ang Calamian and Cuyo Islands,
06:57Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, northern and western portion ng Masbate, kasama ang Burias at Ticaw Islands,
07:04Aklan, Capiz, northern and central portion ng Antique, kasama ang Caluya Islands.
07:08So yun po yung mga may babala na patungko sa lakas ng ating hangin na associated dito kay Bagyong Uwan.
07:14Okay. At makikipaliwanag na rin po kami sa inyo doon sa sinasabing pagbasag daw ng Sierra Madre sa mata ng Bagyong Uwan.
07:22Kaya hindi daw ito masyadong naka-apekto sa ilang lugar dito sa bansa na ina-expect po talagang grabe.
07:30Opo. Actually, yung epekto ng Sierra Madre ay, well, nandun talaga siya.
07:35Pero pag tumama po talaga sa kalupaan yung mga bagyo, talagang ang nagiging karakteristik niya ay humihina.
07:43So from super typhoon, kapag nagkaroon, isa po sa mga dahilan nito, ay nawawalan siya ng source ng energy.
07:50Kung i-compare natin yung kalupaan, wala pong moisture dyan na nakasingdami nung nasa karagatan.
07:56Yung moisture na yan ay nakadepende rin po doon sa tinatawag natin na sea surface temperature o yung temperatura ng karagatan.
08:02Kapag mas mainit po yung temperatura ng karagatan, mas mataas yung chance na magkaroon ng updraft o yung evaporation.
08:09At yun po yung tumutulong sa mga bagyo na mag-form.
08:12At ganoon din naman yung tinutulong niya para mas lumakas pa yung mga bagyo.
08:16At kapag wala po yun, relatively mas sihina po talaga yung mga bagyo natin.
08:20At meron din po nga study na ginawa yung ating former professor sa UP na si Dr. Jerry Bagtasa
08:27and also our colleague si B.A. Racoma.
08:29At pinaliwanag po nila through simulation.
08:34Like yung simulation po ay numerical modeling.
08:38So yung numerical modeling naman, halimbawa meron tayong equations na inaaral sa high school,
08:42ideal gas law and others.
08:44So sa atmospheric system, meron din po tayong mas matataas na equation.
08:48Hydrostatic equation, obvious law.
08:49So isipin po natin yung mga equation na yun, lagyan natin sa computer.
08:52Tapos yung computer, utusan natin, lagyan natin ng data.
08:55And then utusan natin computer, ano kaya ang mangyayari kapag may shera madre o wala.
08:59So yung kanilang findings ay nakita nila na hindi po kasing laki nung contribution,
09:05nung shera madre yung nagiging tulong.
09:08Opo, yes po.
09:10Kami ho ay maraming natutunan at salamat din po sa inyong updates sa amin.
09:14Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist, Dr. John Manalo.
09:19Salamat po.
09:20Update po tayo sa sitwasyon sa Kabanatuan, Nueva Ecija, kasunod ng Bagyong Uwan.
09:33May ulat on the spot si Mariz Omali.
09:35Mariz?
09:36Yes, Connie, nandito tayo ngayon sa old provincial capital ng Nueva Ecija,
09:44dito nga sa Kabanatuan, kung saan katatapos-tapos lamang na ikarga ng mga tauha ng PDRRMC
09:49itong mga food packs dito sa truck.
09:52Dalawang truck ito na dadalhin sa Karanglan.
09:54Yung Karanglan po ay nasa northern part ng Nueva Ecija,
09:58na isa sa pinakamatinding hinagupit ng Bagyong Uwan sa kasagsagan ng pananalasan nito kagabi.
10:04At aabot daw sa 2,000 na mga pamilya,
10:08I mean individuals, 2,000 individuals ang kinailangang lumika sa munisipyo.
10:14Nandoon na sila nagsistay ngayon dahil yung mga tahanan nila,
10:16karamihan ay inabot daw talaga ng tubig at yung iba na bagsakan ng puno.
10:21Kaya kailangan nilang umalis at kailangan na rin ang tulong ng provincial government
10:26para mabigyan sila ng mga supplies.
10:29Itong mga food packs na ito ay may laman ng mga noodles, mga aros kaldo, kape,
10:33at kung ano-ano pa na pwede raw mag-last for three days.
10:37Doon din sa Karanglan, Connie, naiulat yung may nasira raw na tulay,
10:43yung Balwarte Bridge dahil sa tindi ng pagragasan ng tubig,
10:48nagkinain o nilamon nito yung lupa na nagsisilbing foundation ng tulay.
10:51Kaya ngayon ay hindi na possible itong Balwarte Bridge doon sa may Karanglan.
10:57Kaya magiging pahirapan yung pagbibigay nitong mga supplies na ito.
11:00Nonetheless, ay dadalhin ito ngayon para mabigyan ng tulong
11:05yung mga residenteng nangangailangan doon.
11:07Samantala, Connie, ay brownout pa rin sa malaking bahagi ng Nueva Ecija.
11:11Sa ngayon ay aabot sa mahigit 3,000 na pamilya o mahigit 12,000 individual
11:17ang in-evacuate na sa iba't ibang evacuation centers.
11:20Sa aabot sa 193 evacuation centers sa buong lalawigan ng Nueva Ecija
11:25at nasa 193 rin yung mga barangay na apektado dito.
11:28So yan muna ang latest na sitwasyon mula pa rin dito sa Nueva Ecija.
11:32Balik sa iyo, Connie.
11:33Maraming salamat at ingat kayo dyan, Mariz Umali.
11:41Update po tayo sa sitwasyon sa Camarines Norte
11:48at mula po sa daet, may ulot on the spot si Darlene Kai.
11:52Darlene?
11:55Connie, pabugso-bugso pa rin yung malakas na hangin dito sa bayan ng Camarines Norte
12:00pero hindi hamak na mas maaliwalas na yung panahon kong ikukumpara kahapon.
12:05Naglitawan ngayong umaga yung pinsalang idinulot ng Super Typhoon 1
12:08dito sa bayan ng Mercedes kung nasa anak ko ngayon
12:11ay katulad ng nakikita nyo ay talagang labis na napinsala
12:14itong covered court ng Evacuation and Convention Center ng Mercedes.
12:20Halos kalahati na lang ng bubong ang natira
12:22dahil natuklap at nilipad ng malakas na hangin yung mga yero.
12:27Dito sa Mercedes ay 6 na barangay ang isolated pa rin ngayon
12:30o hindi naaabot dahil naharangan ng mga debris ang kalsada.
12:35Ngayong araw ay tuloy-tuloy naman daw ang kanilang clearing operations
12:37para muling madaanan yung mga kalsada.
12:40Sa ibang bayan naman, buong magdamag ang clearing operations sa motoridad
12:44para alisin ang mga nabuwal na puno sa kalsada
12:47tulad sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.
12:50Importanting maklear yung daanan para masigurong naaabot ang lahat ng komunidad.
12:55Pero may mga natumang poste tulad sa bayan ng daet na hindi raw agad maaalis.
13:00Ayon sa PDRRMO ng Camarines Norte,
13:02mga nga ilangan daw ng special equipment at mga masasakyan para matanggal itong mga poste.
13:08Halos kalahati na lang ng kalsada yung nadaraanan sa lugar na yan sa daet.
13:14Connie sa ngayon ay nagpapatuloy yung assessment ng local at provincial government units
13:19para makita talaga kung gaano kalawak yung pinsalang idinulot ng bagyo dito sa probinsya.
13:24Wala pa rin kasing kuryente ngayon at pahirapan pa rin ang komunikasyon dito.
13:28Yan ang latest mula rito sa Mercedes Camarines Norte. Balik sa'yo, Connie Raffi.
13:33Maraming salamat, Darlene Kai.
13:36At alamin naman po natin ang sitwasyon sa Isabela.
13:39May ulat on the spot doon si June Veneracion.
13:42June?
13:44Pagdaan ng bagyong uwan ay bahan naman ang problema ng mga taga rito sa laluwigan ng Isabela.
13:50Itong nakikita niyo sa aking likuran, ito yung mga apektadong komunidad.
13:53At bubong na lang ang makikita sa ilang mga bahay na nandito dahil sa pag-apaw ng kanilang ilog.
14:03Inilipat na sa kalsada yung kanilang mga alagang hayo para mailayo sa baha.
14:07Di man kalakasan ang buhus ng ulan dito pero binaha pa rin sila dahil ang tubig mula sa mga kabundukan,
14:13particular sa probinsya ng Mountain Province, ay dito bumaba.
14:16Dahil sa biglang pagtaas ng tubig, kinailangan ng mabilisang rescue operation,
14:20sabi ni Mayor Benedict Calderon ng Bayan ng Rojas,
14:23pwede naman sana mag-iwasan ang mas mahirap na rescue operation kung maaga lang nag-evacuate ang mga residente.
14:29As of 8.30 am, limang bayan na ng probinsya ang apektado ng baha, halos 50,000 naman ang mga evacuees.
14:36Mahigpit ang bilin ni Isabela Vice-Governor Kiko D na huwag munang pabayagang o payagang bumalik ang mga nagsilikas dahil tumataas pa ang baha.
14:43At bayan ang laluwigan ng apektado ng kawalan ng supply ng kuryente dahil sa mga nagtumbahang poste at mga naputol na kawad ng kuryente.
14:57At yan ang data simula rito sa Bayan ng Rojas.
15:00Laluwigan ng Isabela, balik sa'yo Connie.
15:02Maraming salamat June, venerasyon, at ingat pa rin kayo dyan.
15:05Update naman po tayo sa Aurora kung saan nag-landfall ang bagyong uwan.
15:11May ulit on the spot si Ian Cruz.
15:13Ian?
15:17Connie, matinding pinsala nga ang naganap ito sa Barangay Gupa.
15:22Dito yan sa Bayan ng Dipakulaw sa Aurora.
15:25Nawasak yung mga bahay sa coastal area dahil nga sa napakataas at napakalakas na mga storms o mga daluyong.
15:33Walang natira, Connie, sa mga bahay na nilamon ng alon.
15:37Mula sa gilid ng Dalampasigan, natangay pa sa highway ang mga parte ng bahay.
15:41Ipinagpapasalamat na lamang ng mga residente na nakatira doon na lumikas sila at walang napahamak sa kanila.
15:47Pagkala naman sila ng tulong para kaagad makabangon.
15:50Samantala, Connie, kung kahapon ay isinara nga ang National Road sa tapat ng Ampere Beach dito dahil sa storm surge,
15:56ngayon ay sarado pa rin ito dahil winasak ng mga dambuhalang alon ang kalsada.
16:02Dahil dito, patuloy na isolated patungong dinalungan kung saan nag-landfall ang sentro ng bagyo,
16:08maging pakasiguran at bayan ng dilasag.
16:11Samantala, Connie, ilang strukturang nasira sa samang beach sa area ng Baler Aurora.
16:17Kabilang narito ang mga kainan at gimikan sa isang area.
16:20Nalulumo naman ang may-ari na si Jun De Vera nang balikan ang kanilang stablishyento.
16:24Ngayon lang daw nangyari na may malaking damage sa kanilang stablishyento at sana raw ay may tulong sa business owners.
16:31Hindi rin nakaligtas ang likurang pader ng Aurora Police Provincial Office sa tindi ng Daluyong.
16:37At kay Colonel Robert Petate, ang Provincial Director ng Aurora, sinubok pa nilang isalba ang pader.
16:42Pero ito nakaligtas at tuluyang nawasak na sira naman ng malakas sa hangin ng Ecumenical Church ng pulisya.
16:54Sa ngayon ay may mga portion pa rin na hindi makontak ang PPO at patuloy nila itong ginagawa ng paraan.
17:02Pati na rin ng ma-informasyon naman, Connie, na nakuha sa kasiguran na nagkaroon daw ng mga bumagsak na puno at pose roon.
17:11At ang narating natin kahapon na National Road nga dito sa Sicho Ampir sa Dupakulaw ay tuluyan ngang nawasak ng malalaking alon.
17:21Connie, ayon sa mga pulis na nakausap natin, may mga landslides din daw doon sa kabundukan na paglagpas sana nitong National Road na ito ay mararating.
17:30Pero dito pa nga lamang sa kinaroonan natin ay nakatigil na ang trafiko dahil ito nga, Connie, wasak talaga dahil sa malalaking alon itong kanilang National Highway.
17:42Balik sa iyo, Connie.
17:43Maraming salamat, Ian Cruz.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended