00:00Pinuna ng Gobernador ng Oriental Mindoro ang kalidad ng siyam na dike ng probinsya na nasira nito lang Hulyo.
00:08Pinaimbestigahan na yan at tinanggal na sa puesto ang project engineer at ibabang tagapagbantay ng mga proyekto.
00:15Nakatutok si Maki Pulido.
00:20Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Hulyo,
00:23isa-isang gumuho ang ilang bahagi ng siyam na dike sa Oriental Mindoro na pawang mga flood control project.
00:30Isa rito ang 380-meter dike sa bayan ng Bungabong na gawa ng SunWest Inc. sa halagang P217 million.
00:39P217 million ang cost nito, 380 meters ang haba.
00:44I-divide mo yun, umaabot ng 561,000 per meter ang cost.
00:50May iba pang puna si Governor Bons Dolor.
00:52Paano nga naman daw hindi guguho yung dike?
00:55Eh, substandard na nga raw yung pagkakagawa.
00:58Substandard pa yung mga materialas na ginamit.
01:00Tulad ng mga bakal na ito na napakanipis raw.
01:03Sa halip na 16mm, 12mm lang ang ginamit.
01:07Meron ba naman flood mitigation project, 12mm design?
01:10Dapat anong size?
01:1116, ang pinakaminimum.
01:13The bigger the bakal, pagtibay.
01:16Manipis pa raw ang semento at di man lang nilagyan ng kawing o dawel para hindi agad ito mabiyak.
01:21Walang dawel?
01:23Hindi ko pa.
01:24Hindi.
01:25Pare bakit nag-crack to?
01:26Kasi walang bakal long.
01:29Oo nga.
01:30Pare portion by portion.
01:32Pag gumagawa tayo niyan, pinagdudog tong para hindi nagihiwalay.
01:37Taba na lang po.
01:38Common sense.
01:39Tsaka common sense ang tawag ko dyan.
01:41Hindi kinakailangan ng ingeniero eh para maintindihan yan.
01:44Ayon sa data ng Department of Public Works and Highways o DPWH, tatlong dike ang ipinatayo sa bungabong sa halagang 651 million pesos.
01:53Kapansin-pansin na halos magkakapresyo ang bawat isang dike, tig 217 million pesos kada isa at ilang daang piso lang ang diferensya sa presyo.
02:02Pero sabi ni Governor Dolor, hindi naman daw flood prone area ang bungabong.
02:07Dagdag niya sa iba't ibang bayan ng Oriental Mindoro, nasa 1.9 billion pesos ang kabuuan project cost ng siyam na gumukong dike noong nakaraang Hulyo lang.
02:176 sa siyam na dike ng ito, Sunwest Inc. ang kontraktor.
02:21At isa naman ang St. Timothy Construction Corporation ayon kay Governor Dolor.
02:26Kung may kontratista ditong pumalpak at hindi sumunod sa specification, bukod sa mabar ito, bukod sa masuspindi,
02:33dapat ito tama, nawag nang bibigyan ulit ng proyekto.
02:36Doon sa 9 projects, nakita ko sa report ng DPWH, 6 na project, iisang kontratista.
02:41There are only 4 contractors doon sa siyam na projects.
02:466 doon sa siyam na nasira, isang kontraktor lang gumawa, Sunwest.
02:52Yung isa, yung St. Timothy.
02:53Kasamang Sunwest at St. Timothy Construction sa labing limang construction company
02:58na binanggit ni Pangulong Marcos na naka-corner ng 20% ng flood control projects sa buong bansa.
03:04Hinihingi pa namin ang kanilang pahayag.
03:06Paliwanag naman ni DPWH Regional Director Gerald Pakanan
03:10Sa dami ng mga proyekto, hindi niya nababantayan lahat.
03:13Pero pinaiimbestigahan na ngayon at tinanggal na sa pwesto ang project engineer
03:17at iba pang tagapagbantay ng mga proyekto.
03:20Pinapaimbestigahan ko na po yan.
03:22Hindi po kami nagugas kamay.
03:25But ipapaimbestigahan na namin ito at ipa-implement namin kung anong dapat ipa-implement.
03:31Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
03:40Okay.
03:41Okay.
03:41Okay.
03:41You.
03:41Go.
03:42Perfect.
Comments