00:00Problema hanggang ngayon ang kawalan ng kuryente sa ilang lugar na nasa lanta ng bagyong uwan
00:06at posibleng abutin pa ng isang buwan bago ito maibalik.
00:11Iba't ibang paraan na raw ang kinokonsideran ng Energy Department
00:14para mapabilis ang pagkukumpuni sa mga napinsala.
00:19Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Sa ngayon, tinatayang mahigit labing pitong milyong mga indibidwal o 3.4 million ng pamilya
00:30ang wala pa rin kuryente dahil sa pananalasan ng bagyong uwan.
00:34Kabilang dyan ang mga nasasakupan ng Camarines Norte Electric Cooperative
00:38at Camarines Sur Electric Cooperative 1, 3 at 4.
00:42Ayon sa Department of Energy, posibleng umabot ng isang buwan
00:46bago tuluyang maibalik ang supply ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.
00:51Alam ko po, medyo matagal-tagal yan.
00:55Pero malaki din yung damage.
00:56Have patience lang sana.
00:58Sabi ng DOE, inuunan ni nang ibalik ang kuryente sa mga hospital,
01:02evacuation center, water distribution facility at mga command centers.
01:07Pinag-aaralan na rin ang pagpapadala ng mga linemen mula Mindanao
01:10at ang paggamit ng mga planta sa regyon.
01:13Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
01:16mahigit sampung transmission lines pa sa Luzon at Visayas
01:19ang hindi pa rin nagagamit ngayon kasunod ng pananalasan
01:23ng Super Typhoon 1.
01:25Bukod dito, siyam na planta pa ang nire-restore.
01:28Asahan namang mas malaki ang bill sa kuryente ngayong Nobyembre.
01:32Tumaas kasi ng 15 centavos kada kilowatt-hour
01:35ang singil sa kuryente ng Miralco.
01:37Katumbas yan ang 30 pesos na dagdag sa bill
01:39para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt-hours kada buwan
01:43at 76 pesos na patong sa bill sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt-hours.
01:48Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes,
01:51nakatutok 24 oras.
Comments