00:00Sinimula na ang pagtatambak ng mga bato at buhangin para ayusin ang dike ng Luba o Pampanga.
00:06Nasira yan sa kasagsagan ng Bagyo at Habagat.
00:09Nakatutok si JP Soriano.
00:16Sunod-sunod ang dating ng mga truck na may kargang bato at buhangin sa bungad ng nasirang dike sa Purok 6, Barangay Santa Rita.
00:23Itinatambak ang mga bato at buhangin sa nasirang dike na gumuho sa kasagsagan ng habagat at bagyo nitong mga nakaraang araw.
00:33Maingat na ang pagkatambak para mailagay ng maayos ang mga bakal na kung tawagin ay sheet piles.
00:40Ito ang magsisilbing pundasyon ng dike.
00:43Nagtatambak sila dito sa park na na Erod para pag nakapagtambak sila, maibababa nila yung equipment, yung bako.
00:51Pero at least po makapag-umpisa sila na makapag-bao na.
00:56Martes nang unti-unting gumuho ang dike sa lakas ng ragasan ng tubig dahil nasira rin ang dike sa katabing bayan na Florida Blanca.
01:05Nakabantay ngayon ang otoridad sa tindahan na ito na ilang pulgada na lang ay tila babagsak na tatangayin ng ilog.
01:12Temporary solusyon lang daw ang pagkatambak at pagbabaon ng sheet piles dahil ang pinakakailangan matibay na retaining wall sa tapat ng dike.
01:22Buong maghapon na pong maganda yung panahon dito sa Lubaw, Pampanga.
01:26Pero makikita nyo po sa isang bahagi ng purok sa east sa barangay sa Nikolas dito sa Lubaw, baha pa rin.
01:33Combination daw ito ng habagat at high tide kaya po yung mga taong nakatira dito talagang kailangan lumusong para makapunta po sa kanyang mga bahay.
01:42Lubog din sa baha ang katabing San Agustin Parish Church, pati na rin ang bahay ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
01:51Nakamonitor din ang LGU ng Lubaw sa iba pang coastal barangays na may naiulat na pagbaha gaya sa Bangkal Sinubil at Bangkal Pugat.
02:00Mula sa Pampanga at para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments