Skip to playerSkip to main content
Bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila kasunod ng biglang buhos ng ulan kanina. Bukod sa mga pagbaha, may naputol pang poste at natumbang puno!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila, kasunod ng biglang buhos ng ulan kanina.
00:07Bukod sa mga pagbaha, may naputol pang poste at natumbang puno.
00:12Nakatutok live si Maris Bumal.
00:15Maris.
00:18Vicky, panandali ang buhos ng ulan pero ang efekto nagtataga gaya ng perwisyong baha sa ilang mga kalsada
00:25at ang mabigat na daloy ng trapiko na nag-iwan sa maraming mga pasahero na mas-stranded hanggang sa mga sandaling ito.
00:36Malakas na ulan at hangin ang naranasan sa Quezon City bandang alas-dos ng hapon kanina.
00:42Mabilis binaha ang ilang lugar tulad na lang sa Quezon City Circle.
00:49Nagkaroon din ang gutter deep na baha sa Mother Ignatia Avenue.
00:52Hirap ang maliliit na sasakyan sa pagdaan sa baha.
00:56Gutter deep din ang baha sa bandang kanto ng East Avenue at Edsa, maging sa Edsa Kamuning.
01:02Nakaranas din ang pagbaha sa Visayas Avenue dahil sa biglang buhos ng ulan, maging sa Central Avenue.
01:08Nang bahagyang tumila ang ulan, tumambad ang ilang pinsala tulad ng naputol na poste at lumaylay ng mga kable sa Quezon Avenue.
01:17May punong natumba sa Scout Madriña.
01:19May mga sasakyang nabagsakan ng puno sa barangay Pinyahan.
01:24May mga pasahero ring stranded sa MRT Kamuning Station dahil sa malakas na hangin at ulan.
01:31Malakas din ang ulang naranasan sa ilang bahagi ng Maynila.
01:36Pati sa Marikina, ulit sa Marcos Highway.
01:38Kasunod na mga pagbaha, mabigat na daloy ng trapiko, gaya rito sa may Quezon Avenue corner Banawi Street ang problema.
01:46Halos magsala sa labat na nga yung mga motorista dahil pilit na sumisingit sa mabagal na usad ng trapiko.
01:52Ganyan din ang sitwasyon sa bahaging papuntang Santo Domingo, maging sa Quezon Avenue underpass papuntang Maynila.
01:58Punuan din ang mga sasakyan, kaya ang maraming pasahero, stranded.
02:02Gaya ni William, na dalawang oras na raw nag-aabang na masasakyan papuntang Fairview.
02:06Maulan po kasi pag ganito maulan, mayroon na po sumakasakay kasi siksikan na yung tatas.
02:12Pahirapan pa makapasok sa sasakyan.
02:16Mas mahirap pa din kasi umulan, traffic, mayroon pa yatang rally, kaya mas mahirapan kami.
02:23VK, sa mga sandaling ito, nandito ako ngayon sa may Quezon Avenue.
02:30Itong area na ito sa kinaruroonan ko ay papunta ng Quezon City.
02:35Sa mga sandaling ito ay medyo umuusad.
02:38Mas mabilis na yung usad ng mga sasakyan papuntang Quezon City.
02:42Pero pagdating doon sa may bandang papuntang West Avenue ay talagang bumibigat ulit yung daloy ng trapiko.
02:49So maging doon sa kabilang side, papunta naman ng Maynila, medyo umuusad na rin po yung mga sasakyan.
02:54Pero hanggang sa mga sandaling ito, marami pa rin tayo nang higita na mga stranded na pasahero nag-aabang ng masasakyan.
03:01At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Quezon Avenue.
03:05Balik sa'yo, Vicky.
03:06Maraming salamat sa'yo, Maris Umali.
03:08Maraming salamat sa'yo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended