Umani ng magkakasalungat na komento online ang pagsasayaw ng gobernadora ng Samar habang pinapa-ulanan ng pera. Depensa ng gubernadora, tradisyunal na sayaw ang "kuratsa" at hindi pagpapakita ng karangyaan.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Umani ng magkakasalungat na komento online ang pagsasayaw ng gobernadora ng Samar habang pinapaulanan ng pera.
00:09Depensa ng gobernadora, tradisyonal na sayaw ang kuratsya at hindi pagpapakita ng karangyaan.
00:16Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:17Mabilis na kumalat online ang pagsasayaw na ito ni Samar Governor Shari Antan habang pinapaulanan siya ng mga 20 at 50 pesos na perang papel.
00:31Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang anila'y pagpapakita ng karangyaan, lalo sa gitna na anila ng pagkwestiyon din ang iba sa kung may mga politiko ba na personal na nakikinabang sa ilang proyekto kontrabaha.
00:44Pero depensa rin ng ilang netizen na pamilyar sa sayaw, bahagi ito ng kultura ng mga taga Samar at iba pang probinsya.
00:54Agad din naglinaw ang opisina ng gobernadora.
00:58Hindi a nila ito kuha sa isang marangyang hapunan at walang kinalaman sa anumang programa o proyekto ng gobyerno.
01:06Kuha a nila ito sa hermano night ng Pista ng Katbalogan na kabisera ng probinsya.
01:11At ang sayaw ay ang tradisyonal na kuratsya.
01:15Matagal na anilang tradisyon sa Samar at Leyte ang pagsasayaw ng kuratsya kung saan bahagi nito ang pagsasaboy ng pera o tinatawag na gala.
01:25Sinisimbolo raw nito ang pagiging mapagbigay at pagbabayanihan.
01:30Hindi a nila ito pagpapakita ng karangyaan, kundi gawaing matagal nang nakaukit sa pagdiriwang a nila ng pananampalataya at kaisahan.
01:40A nila, nirerespeto nila ang pananaw ng ilan na dapat umiwas sa ganitong aktibidad ang mga public official.
01:48Pero ang pagsalian nila ng gobernadora sa kuratsya ay para ipagdiwang ang pagkakakilanlan ng mga Samar noon
01:55at suportahan ang kanilang mga isinusulong at sa pagkakataong ito para sa simbahan at mga komunidad.
02:03Lahat din a nila ng mga nalikom na pera sa kuratsya ay dinonate sa mga simbahan sa Katbalogan.
02:10Ipiniliwanag na rin ang National Commission on Culture and the Arts na ang kuratsya ay hindi lang sinasayaw tuwing may piyesta,
02:18kundi pati na rin sa mga okasyon tulad ng kaarawan, baptismo, kasal at mga sports event.
02:24Sabi ng Civil Service Commission, wala silang nakikitang masama sa pagsayaw ng gobernadora kung pagbabasehan ang aspetong kultural.
02:33Pero di daw dapat kalimutan ang mga limitasyon.
02:36Meron tayong mga restrictions in terms of conduct ng government officials like say,
02:42it may be construed as violating the rules and modest or simple living.
02:49Di ba nakalagay din sa civil code natin, walang ostentatious display of wealth.
02:53So pwede po mag-celebrate pero iwasan na rin yung magkapo ng pera?
02:58Medyo, hindi naman sa iwasan, timplahin natin.
03:01Sakali may maghain ng reklamo laban sa governor, sabi ng CSC,
03:06ang Department of Interior and Local Government o DILG ang mag-iimbestiga rito.
03:11Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment