Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Aired (August 2, 2025): Ang magkapatid na sina John Christian at Eliah Kim, parehas daw pihikan sa pagkain at mahilig sa junk foods. Ang resulta, parehas silang naging malnourished. Ano ang epekto nito sa kanilang kalusugan at paano ito matutugunan? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Dito sa Valenzuela City, maagang nag-aasikaso para magtinda ang 40-anyos na si Lizelle.
00:12At habang tulog pa ang dalawa niyang anak, abalan na siya sa paghahanda ng almusal nila.
00:20Kinitroton ko sila ng itlog, tapos may kanin naman.
00:23Minsan pansit kanton, tinapay, yung almusal na niluluto ko para sa akin nila.
00:30Ang inihandang agahan, iniiwan na lang ni Lizelle sa mesa.
00:40Matapos ang ilang oras, nagising na ang dalawang anak ni Lizelle.
00:45Si na John Christian, labing dalawang taong gulang, at Elia Kim, limang taong gulang.
00:52Dahil kailangan maghanap buhay, madalas hindi na raw nababantayan ni Lizelle ang pagkain ng mga anak.
01:00Pagdating ko po, misa may matitira, so hindi po naubos.
01:04Kaya po sa breakfast, hindi niya po talaga nakakain ng gusto.
01:08Magana naman na po kumain ng patanghalian kasi po, gutom na.
01:11Parang di din nila gano'n naubos kasi parang nalipasan na po ng buto.
01:15Sa height na 4 feet at edad na 12 anos, si John na-diagnose ng isang uri ng malnutrisyon na kung tawagin ay stunting.
01:26O yung mas mababa ang tangkad para sa kanyang edad.
01:29Yung stunting, ang ibig sabihin niyan, ito ay dulot ng matagalang kakulangan ng kalidad na nutrisyon.
01:36So, ibig sabihin nito, maliit sila para sa kanilang edad.
01:40Yung expected na taas nila, hindi sapat doon sa what is expected sa kanilang edad.
01:46Ito ay dahil sa pangmatagalang problema nga sa malnutrisyon.
01:51Pero bukod kay John, maging ambunsong kapatid niyang si Elia, malnourished din.
01:56Sa edad kasi niyang 5 years old, dapat ay nasa 17 kilos ang kanyang timbang para sa height niyang 3 feet.
02:04Pero 12.5 kilos lang siya.
02:06Ito naman ay tinatawag na wasting.
02:09It can be an acute factor.
02:11Mababa ang kanilang timbang, kanilang taas, dapat merong expected na ideal na body weight.
02:17At hindi lang yung body weight bilang numero, kundi yung composition din ng kanilang katawan.
02:26Samantala, kwento ni Lizelle, sakit daw ng ulo niya araw-araw ang pagpapakain sa mga anak.
02:32Ang dalawa kasi, mapili sa mga pagkain.
02:35Mahilig pa sa junk food.
02:37Mahilig din sila sa tinapay, sa chichirya, sa candy.
02:40Pag sinabi po nating pagkain, mga kapuso, ito po ay binigay sa atin upang in-nourish ang ating katawan.
02:50Dahil kailangan natin lahat yun, vitamina, mineral, proteina.
02:55Kung kulang tayo niyan, then maapektuhan yung function ng ating sistema ng ating katawan.
03:01Kaya lang, yung mga junk food or highly processed foods, wala itong nilalamang sustansya o vitamina.
03:08Kung meron man, at ito'y sintetik, hindi rin ito gagamitin ng ating katawan, sapagat hindi niya ito nakikilala.
03:15Paniniwala ni Lizelle, nakakaapekto ang di niya pagtutok sa kinakain ng mga anak, sa kakulangan ng nutrisyon ng mga bata.
03:22Hindi ko po sila ganun na tututukan o consistently na napapainom ng vitamins araw-araw.
03:29Maraming salamat sa pagtutok sa Pinoy MD.
03:32Para po sa iba pang kaalaman tungkol sa ating kalusugan, mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
03:38And of course, don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended