Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Aired (May 31, 2025): May kakayahan pa bang magbuntis ang babae kung ang isa nitong matris ay nakataob na? At ano ang ibig sabihin ng bukol sa puerta? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Samantala, narito muna ang ating obstetrician gynecologist na si Dr. Q
00:04para sagutin na nga po ang ilang mga usaping pangkalusugan na ipinadala ninyo sa aming Facebook page.
00:10Good morning sa iyo, Doc!
00:11Good morning, Connie, at good morning sa lahat natin mga kapuso.
00:14Diyan ako mga kapuso, ingat-ingat tayo ngayon kasi masyadong mainit ang summer.
00:19Tingnan mo ako, sinisipon na ako ngayon.
00:20Kaya kailangan po ay properly hydrated tayo.
00:23Magandang umaga po uli sa inyong lahat.
00:25Ito na ang first question, Doc, for you.
00:27Pwede pa raw bang mabuntis ang isang babae kung sinasabing nakataob ang isang niyang matris?
00:33Tanong yan ni Micaela Bautista.
00:36Ang isang babaeng nakataob ang kanyang matris,
00:39ibig sabihin noon mukhang retroverted uterus, mukhang bumabaliktad lang yung matris niya.
00:44Sa una, medyo mahirapan siyang mabuntis.
00:46Pero may mga, mangilang-gilang naman mga babae na retroverted ang uterus
00:50na nabubuntis naman sila ng medyo hindi naman mahirap.
00:54So, kailangan pag ganun po ang diagnosis sa inyo,
00:58ay magpatingin po muna kayo sa doktor para ma-advise po kayo
01:01kung anong dapat na mga posisyon ang gagawin during sexual contact
01:05at kung ano pa yung ibang dapat gawin para ikaw ay mabuntis.
01:08Samantala, Doc, tanong naman ang isa nating kapuso.
01:10Ano raw kaya ang posibleng sakit niya kung may nakakapasyang bukol na parang holen
01:16bandang puwerta niya at medyo masakit daw ito, ha?
01:20Ano raw kaya yan, Doc?
01:22Kung may nakakapakang bukol doon na parang holen doon sa pagitan ng dalawang labi ng puwerta niyo
01:29o doon mismo sa labi ng puwerta,
01:31ibig sabihin nito ay mayroon kang Bartholin's Gland Abscess.
01:35Ang Bartholin's Gland ay naging infected siya,
01:39nag-ipon doon yung nana at ito ay masakit.
01:41Pag hinawakan mo yan, masakit at may reddening doon sa over the skin
01:46na nag-cover doon sa abscess na yun.
01:48So kailangan na matingnan niya ng doktor,
01:51mabigyan ka ng antibiotics o di kaya ay kailangan i-incise yun
01:54para matanggal yung nana at sa ganoon ay hindi na mag-recurse.
01:58Eto pa, Doc.
01:59Ngayong matindi ang init ng panahon,
02:01ano ba yung mga dapat iwasan ng ating mga kapusong nagbubuntis?
02:07Naku, mga kapusong buntis dyan.
02:10O kahit hindi buntis, kailangan natin mag-hydrate, hydrate, hydrate.
02:15Inom tayo ng maraming tubig o di kaya mga buko juice dyan
02:18o mga fresh na juices para sa ganoon ay maiwasan natin ang dehydration.
02:23Kasi pag mainit ang panahon,
02:26hindi naman kailangan na pawisan ka para ma-dehydrate.
02:29Kahit hindi tayo pinapawisan, na-dehydrate pa rin tayo.
02:33Kaya kailangan po hydration dyan, proper hydration.
02:37Lots of fluids, at least 2 to 3 liters a day.
02:40Lalo na pagbuntis kasi kailangan din naman ni baby kasi ng fluid.
02:43So kailangan si mami,
02:45we want to make sure na siya ay properly hydrated din.
02:49So fruit juices, fresh water, mga buko juice dyan,
02:52anything except yung mga masyadong matatamis,
02:55lalo na yung mga kola.
02:57Parang hindi naman pwede na yan sa mga buntis.
02:59Lalo na kung isang buntis ay may gestational diabetes mellitus.
03:03Tubig lang ang kailangan natin.
03:06Thank you so very much sa iyo, Dr. Q.
03:08Siyempre sa pagsagot muli sa mga katanungan ng ating mga kapuso,
03:12ipadala nyo lamang po ang inyong mga questions sa aming Facebook page.
03:15And who knows, baka question nyo na.
03:17Ang susunod na mabasa na...
03:18Maraming salamat sa pagtutok sa Pinoy MD.
03:20Para po sa iba pang kaalaman tungkol sa ating kalusugan,
03:23mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
03:26And of course, don't forget to hit the bell button for our latest updates.
03:30Bye!
03:35Bye!
03:35максимум
03:38م

Recommended