Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Aired (July 5, 2025): Ano ang mga hamon sa kanyang araw-araw na buhay at paano siya patuloy na lumalaban sa buhay kasama ang kanyang magulang? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ang mag-ama sa video,
00:03binisita namin sa kanilang tahanan sa Quezon City.
00:23Tahimik at tila nahihiya na humarap sa amin ang 18 taong gulang na si Kyle.
00:30Kumpara sa mga kaedad niya,
00:33si Kyle limitado ang galaw at mga aktibidad.
00:38Madalas, hirap siyang makihalubilo.
00:41Kaya maging ang kanyang pag-aaral at paglalaro apektado.
00:47Ano naman yung problema?
00:50Wala yun!
00:51Si Kyle kasi na-diagnose ng Autism Spectral Disorder o ASD.
00:56Si Kyle ay diagnosed since 4 or 5 years old with ASD.
01:03Kaya until now,
01:05lagi pa rin siyang dapat may kasama para mag-assist ng mga needs niya.
01:10Ang ASD is ang kondisyon na may kaugnayan sa brain development at nakaka-apekto sa kilos.
01:20Pakikihalubilo at pakikipag-usap sa iba.
01:23Ang Autism Spectrum Disorder ay isang klase ng developmental disorder
01:30na kung saan ang bata ay may problema sa kanyang behavior, sa kanyang communication, at saka sa kanyang social skills.
01:40Kwento ng amang si Val, dalawang taon noon si Kyle nang may mapansin silang mag-asawa sa kilos at gawin ng anak.
01:49Ina-expect ko kasi mga 1, 2, 2, magsasalita na kahit daddy or mommy.
01:54Pero nang pagating niya ng 3 years old, yung mga dapat niyang sabihin talagang zero kahit daddy, mommy, wala eh.
02:01So pag gusto niya ng milk, kukunin lang niya yung bottle, yung dede, ihaabot sa'yo tapos ikaw na mag-timpla.
02:09Kahit na mga unang buwan pa lang sa buhay ng isang bata, may mga milestones po kasi na dapat na naa-achieve na isang bata.
02:21Milestones, behavior, as simple as, diba, pag 2 months, ngitian mo yung anak mo, nag-re-respond sa'yo, diba?
02:29Tapos pagdating ng mga 8 months hanggang 12 months, mamamama na siya.
02:36Pag hindi mo yan nakikita sa anak mo, mabahala ka kasi yun yung mga early signs.
02:44Bukod dito, mahirap din daw siyang mag-balance.
02:48Pag nagsalakad siya, hindi balance, nagtitipto. Andun din yung wala siyang eye contact.
02:55Ang kauna-unahan na senyales ay, pag tinatawag, hindi naman siya bini ng dedema.
03:02Tapos, pag kinakausap, hindi tumitingin sa mata.
03:07And then, meron siyang mga mannerisms, pwede sa kamay.
03:12Pag naglalakad siya, nakatipto siya.
03:15Tapos, marami din siyang sensory issues like, nagtatakip siya ng tenga.
03:21Tapos, ngiti siya ng ngiti. Wala naman nakakatawa.
03:25Dahil sa mga senyales, minabuti na nilang ipasuri si Kyle sa isang espesyalista.
03:31Dito na na-diagnose na mayroon nga siyang Autism Spectrum Disorder.
03:36After ng mga test, observation, assessment, and laboratory, na-confirm na nga na meron siyang Autism.
03:43Wala akong makikita ang frustration sa akin, pero deep inside, gulong-gulo na isip ko eh.
03:47Nag-usap kaming mag-asawa.
03:49Siyempre, nadadaan na kami sa mga advice ng aming doktor,
03:53gaya ng occupational therapy, speech therapy, ABA.
04:00Hindi raw naging madali natanggapin ang sitwasyon ng kanyang anak, lalo't nag-iisang anak lamang si Kyle.
04:08Wala naman akong karapatang sumuko kasi wala namang aasahan iba si Kyle.
04:12Ako yung sandigan niya, kami yung kanyang inaasahan.
04:15Maraming salamat sa pagtutok sa Pinoy MD.
04:17Para po sa iba pang kaalaman tungkol sa ating kalusugan,
04:20mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
04:23And of course, don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended