Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/18/2025
Lumakas pa at isa nang tropical storm ang Bagyong #CrisingPH habang lumalapit sa kalupaan sa Luzon. Pero hanggang Visayas at Mindanao na ang ulang dala ng Habagat dahil sa paghatak ng bagyo. Sa buong bansa na rin ang kabi-kabilang rescue operation dahil sa mga pagbaha. Sa Negros Oriental, tatlong menor de edad ang sinagip sa rumaragasang ilog. May inanod ding jeepney sa Cagayan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good evening, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:12Lumakas pati sa tropical storm ang Bagyong Krisin habang lumalapit sa kalupaan sa Luzon.
00:19Pero hanggang Visayas at Mindanao na ang ulang dala ng habagat dahil sa paghatak ng bagyo.
00:25Sa buong bansa na rin ang kabi-kabilang rescue operation dahil sa mga pagbaha.
00:29Sa Negros Oriental, tatlong menor de edad ang sinagip sa Rumaragasang Ilog.
00:34May inano ding jeepney sa Cagayan. Nakatutok si Mariz Umali.
00:42Sa gitna ng malakas na ulan, bumigay ang suspension bridge na ito sa Patnongon Antike.
00:48Ang mga residente, lumusong sa baha papunta sa tulay.
00:52Hirap sila sa paglalaka dahil sa Rumaragasang tubig.
00:58Inakyat nila ang tulay para subukang ayusin ito.
01:05Miragasa rin ang kulay putik na baha ang alsadang ito sa bayan ng Tipiao, sa Antike pa rin.
01:11Ang isang lumusong na sasakyan na ipit sa gitna ng Rumaragasang Baha.
01:15Ang mga lugar na nasa kalurang bahagi ng bansa tulad ng Antike,
01:19ang kabilang sa nakaranas na matinding pagulan at malalang pagbaha dahil sa habaga na mas pinalalakas ng bagyong krising.
01:26Sa Aklan, halos kalahati ng mga unang palapag na mga bahay sa Barangay Minaa sa Ibahay, Aklan,
01:36ang lubog sa bahada sa walang tigil na pag-uulan.
01:39Ayon kay U-scooper Weni Taiko, maagaraw lumikas ang ibang residente.
01:43Sa Kalibo, iniligtas ng isang lalaki ang isang asong na trap sa Aklan River.
01:48Ayon sa mga residente, may iba pang hayop na nailigtas ang lalaki sa ilog,
01:52gaya ng mga baka at kalabaw.
01:57Sa gitna ng Rumaragasang Ilog sa Negros Oriental,
02:00tatlong menor de edad ang na-trap at isa-isang iniligtas.
02:04Nakatira raw ang tatlo sa kubo sa isang isla sa gitna ng dalawang ilog
02:07at hindi nakauwi matapos matrap sa baha.
02:14Matindi rin ang epekto ng habagat sa Mimaropa.
02:17Pahirapan naman ang pagtawid ng mga residente sa Puerto Princesa sa Palawan
02:20dahil sa tindi ng pagbaha.
02:22Gumawa ang rescuers ng improvised na tulay para makatawid ang mga residente.
02:27Abot tuhod pa ang baha sa ilang barangay.
02:30Sa barangay Siksikan, 88 pamilya ang na-rescue mula sa mga binahang bahay.
02:35Lubog na rin sa baha ang ilang bahagi ng El Nido sa Palawan
02:38dahil sa Habaga at Bagyong Crising.
02:41Ang mga residente, sinundo ng rescuers gamit ang rubber boats.
02:45Sa bayan ng Rojas, mahigit tatlong daang individual ang nailigtas sa tatlong barangay.
02:50Sa bayan ng Taytay, nalubog sa baha ang ekta-ektaryang taniman.
02:59Sa Occidental Mindoro, nagmistulang ilog ang bahagi ng poblasyon talintaan at bypass road
03:05dahil sa lakas ng ragasan ng baha.
03:08Gumamit na ng lubid ang rescuers na sakay sa bangka para makatawid sa kabilang bahagi.
03:13May mga paaralan din na pinasok ng baha.
03:15Habagat din ang nagpapaulan sa Mindanao tulad sa Maguindanao del Norte
03:22kung saan stranded sa gitna ng laot ang social workers dahil sa malakas na ulan.
03:27Ayon sa grupo, nasira ang motor at naputo lang katig na sinasakyan nilang bangka.
03:32Malapit na sa pampang na mangyari ang aberya, kaya na-rescue agad ang grupo.
03:37Sa Zamboanga City, nagkasira-sira ang mga bahay sa Dalapasigan dahil sa manalakas na alon.
03:43Ayon sa lokal na pamahalaan, mahigit 200 pamilyang lumikas dahil sa insidente.
03:48Direkta namang naapektuhan ng bagyong krising ang ilang lugar sa Luzon,
03:52kabilang ang Cagayan kung saan nakataas ang signal number 2.
03:59Sa Peña Blanca, naanod sa bahaang jeep na yan.
04:03Ayon sa Cagayan Provincial Information Office,
04:05sinubukan tumawid ng jeep ngunit na balahaw.
04:08Walang sakayang jeep na matangay ng rumaragasang baha.
04:12Sa Apari, Cagayan, nabuo ang isang ipo-ipo.
04:15Tumagal ito ng ilang minuto ayon sa MDRRMO Apari.
04:19Wala namang naitalang sugatan o nasirang bahay sa insidente.
04:23Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.

Recommended