Skip to playerSkip to main content
Personal na nakita ni Pangulong Bongbong Marcos ang tindi ng pinsalang iniwan ng Bagyong Uwan sa pagbisita niya kanina sa lalawigan ng Catanduanes. Sinabi tuloy ng pangulo na kailangan nang pag-aralan ang pagpapalipat sa mga nakatira sa tabing-dagat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00...
00:00Personal na nakita ni Pangulong Bongbong Marcos ang tindi ng pinsalang iniwan ng Bagyong Uwan sa pagbisita niya kanina sa Lalawigan ng Katanduanes.
00:17Sinabi tuloy ng Pangulo, kailangan ng pag-aralan ang pagpapalipat sa mga nakatira sa tabing dagat.
00:23Mula sa Birak, Nakatutok Live, si Maki Pulido.
00:27Maki!
00:30Alam mo, Emil, bumabangon pa lang ang Bayan ng Karamuran dito sa Catanduanes
00:35mula sa magkasunod na Bagyong Pepito at Christine noong nakaraang taon.
00:39Ay binayo naman sila ngayon ng malakas na hangin at storm surge ng Super Typhoon 1.
00:45Nangako ng tulong si Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita ngayong araw.
00:53Wala pa rin kuryente at linya ng komunikasyon sa Bayan ng Karamuran sa Catanduanes.
00:59Pinadda pa rin ang hangin nito ang mga puno ng abaka na pangunahing ikinabubuhay ng mga taga rito.
01:04Mahigit isang libong bahay naman ang nawasak.
01:08Kasi yun nga po, pati po mga constituent ko hindi na makangiti.
01:16Kasi diba po sa napakaraming bagyo ng dumaan, halos November na po ngayon wala na rin pong pondo ang munisipyo.
01:23Meron na din lang po kami yung sa quick response, amounting to 3.4 million na ang mabibigay lang po namin sa bawat pamilya is 8 kilos.
01:36Ang 8 kilos po, tatlong araw lang yun.
01:39Isang pamilya ni Allen sa wala nang uuwian.
01:42Kwento niya, wala naman silang pera para makapagpatayu uli ng bahay.
01:46Kaya tumutuloy muna sila sa isang paaralang nagsisilbing evacuation center.
01:51Yung mga materialis gaya ng kahoy, yero, paku, yun, wala pa.
02:00Ito ang dinatna na sitwasyon ni Pangulong Marcos nang bumisita ngayong araw.
02:04Naglakad siya sa komunidad kung saan nawasak ang seawall sa lakas ng storm surge at nagiba ang maraming bahay.
02:11Binisita niya ang ilan sa mga nawasak na bahay at tiniyak na makakatanggap ng 5,000 pesos para sa partially damaged
02:18at 10,000 para sa totally damaged houses.
02:21May dagdag na tulong din mula sa Department of Human Settlements and Urban Development.
02:25Sa kabuan, mahigit 10,000 bahay ang nasira o nagiba sa probinsya ng Katanduanes.
02:32Ang susunod natin na gagawin ay yung reconstruction.
02:35Andito ang sekretary ng DISUD at meron silang bibigay na tulong dun sa mga totally damaged
02:42at magdadala rin tayo ng mga construction materials, mga yero, pati yung gamit.
02:51Pero sabi ng Pangulo, kailangan ng pag-aralan ang relokasyon ng mga nakatira sa tabi ng dagat.
02:57Hindi maaaring lagyan ng mataas na seawall dahil yung tubig dumating hanggang bubong.
03:04So we have to find another way kung saan ilalagay ang mga nandito.
03:10Para, kasi unfortunately, ang katotohanan niyan, mangyayari ito ulit.
03:15Kaya't huwag yan natin sila ilagay sa alanganin.
03:18Hanapan na natin ng ibang paglalagyan na malayo na sa storm surge.
03:23Magdaragdag din ng relief packs ang DSWD para sa halos 200,000 residente ng Katanduanes
03:29na naapektuhan ng Super Typhoon 1.
03:32In inspection din ng Pangulo ang ilan sa mga nasirang silid-aralan.
03:40Sa buong probinsya ng Katanduanes ay mahigit isang libong classroom ang nasira.
03:45Halos apat na raan dito hindi na magamit, Emil, dahil wala nang bubong o kaya nagiba ang mga pader.
03:51Emil?
03:52Maraming salamat, Maki Pulido.
03:54Maraming salamat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended