Skip to playerSkip to main content
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento.


Umakyat na sa 20 ang mga na-recover na patay sa pagguho sa isang landfill sa Cebu City. Posible umanong nakaambag sa pagguho ang mga lindol at bagyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umakyat na sa 20 ang mga narecover na patay sa pagho sa isang landfill sa Cebu City.
00:05Posible umanong nakaambag sa pagho ang mga lindol at bagyo.
00:09Ang latest tinututukan live ni Marise Uman.
00:13Marise!
00:16Emil, itong mga naglalakihang mga bakal na makikita nyo sa aking likuran
00:21ay bahagi ng sangkatutak na mga debris na kinailangan daw munang alisin mula sa gumuhong binaliw landfill
00:27para mas mapadali yung paghanap at pagahon sa mga natabunan.
00:31At ngayong nga ang araw sa buong maghapon ay may pito pang mga labi na narecover
00:35kaya umakyat na po sa kabuo ang bilang na 20 ang naitatalang nasawi as of 6.30 ngayong gabi.
00:46Sa iba't ibang kuha ng CCTV footage na ibinigay sa GMA Integrated News,
00:51kitang kita kung gaano kabilis at katindi
00:54ang pagragasan ng bundok ng basura rito sa Barangay Binaliw noong January 8.
00:59Sa isang iglap, biglang tumabon ang malaking bahagi ng tambak ng basura
01:04sa Materials Recovery Facility kung saan pinoproseso ang mga basura sa landfill.
01:08Sa kuha naman mula sa himpapawid, kitang kita rin ang malaking uka sa bundok ng basura na gumuho.
01:18Sa lakas ng impact, naitulak nito ang istruktura sa paana ng landfill kung saan naruroon ang mga empleyadong natabunan.
01:26Halos wala namang kapaguran ang mga rescuer na 24 oras humahagilap sa mga nawawala pa.
01:31It's extremely difficult talaga kasi yung debris doon, aside from the fact na madumi siya talaga,
01:40so kunting sugat doon, pwede ka magkaroon na infection.
01:43And then yung mga debris doon, malalaki talaga ng mga steel.
01:47So we're dealing with eye beams na ganun kalaki.
01:52And then yung water ingress yun sa loob, nagpupunta nyo sa loob yung tubig.
01:56Kaninang umaga, halos sunod-sunod na recover ang limang labi ng mga lalaki.
02:01Dalawa naman ang na-recover ngayong hapon.
02:04Kaya aabot na sa dalawampu ang bilang ng mga nasawi.
02:07Kabilang ang 40 anyos na anak na lalaki ni Nanay Daylinda Ople na si Kristen Joseph.
02:14Nito lang January 9, una ng naiahon ang labi ng anak din niyang babae na si Rowena na pinaglalamayan na ngayon sa kanilang bahay.
02:22Halos maubos na raw ang luha ni Nanay Daylinda, lalot dalawa pang anak ang nawala.
02:27Masakit ang dibdeg ko.
02:29Kawalay kabutangan bitaw sa akong problem nung dalawa ang anak ko.
02:34Sa akong kakuyaw ba, hapit ko ko'y awa ka nang hapit ko mahugnuk bitaw sa akong kaugalingon na nawadan ko doon ka pamilya.
02:41Ito ako'y anak dito nga natruma sa kakuyaw sa basura nga.
02:47Nasa advanced state of decomposition na raw ang mga labing natagpuan, kaya mahirap nang matukoy.
03:06Kahit naman gumagamit ng life detecting equipment, sinabi ng BFP na mahirap matiyak ang mga nadedetect na signs of life sa ilalim ng guho.
03:14It's hard to tell kung human yun o mga animal sa damsite, gaya na mga daga, mga pusa, na sa loob.
03:25Sana meron pa tayong makuha doon na buhay.
03:28We're praying for a miracle.
03:30Though as each day passes kasi, yung chances na makakuha tayo ng mga survivors doon, lalong lubiliit yung chances natin.
03:40Sa isang pahayag ipinarating ng Prime Waste Solutions Cebu, ang pakikidalamhati sa mga pamilyang apektado ng pagguho pati nasa buong komunidad.
03:50Agad daw nilang pinakilos ang kanilang emergency response team matapos ang insidente.
03:55Katuwang ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, BFP, at iba pang ahensya para mahanap ang mga nawawala habang tinitiyak ang kaligtasan ng lahat ng responders.
04:05Batay rao sa paunang pagsusuri ng mga opisyal na lungsod at mga eksperto, malamang na nagugat daw ang insidente sa pinagsamang epekto ng mga lindol at sumunod na mga aftershock noong Setiembre
04:17na sinunda ng matinding pagulan dahil sa Bagyong Tino noong unang bahagi ng Nobyembre.
04:23Ipinaliwanag ng PWS Cebu na nagsasagawa sila ng regular na inspeksyon sa mga landfill cell.
04:28Bago ang insidente noong Huwebes, wala raw nakita ang anumang senyales ng paghina ng apektadong cell tulad ng mga bitak o hindi pang karaniwang labas ng lichit
04:37o maruming likido na nabubuo kapag ang tubig ulan o iba pang likido ay tumatago sa basura o landfill.
04:45Kasalukuyan daw silang nakikipagtulungan sa mga eksperto at otoridad para sa isang komprehensibong investigasyon.
04:51Nagbigay na rin daw sila ng pinansyal na tulong at psychosocial services sa mga pamilya ng mga apektadong empleyado
04:57kabilang mga gastusin medikal na mga nasugatan at gastusin sa burol at libing.
05:02Sumusunod din daw ang PWS Cebu sa Cease and Desist Order ng Department of Environment and Natural Resources.
05:08Emile, sa patuloy na isinasagawang search, rescue and retrieval operations ay naglalagay na raw ng lime sa lugar
05:19para mabawasan yung di kaaya-ayang amoy at maiwasan din yung mga respiratory at biological hazards.
05:27At paniniguro naman ng Bureau of Fire Protection, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para ma-recover pa ang labing-anim na nawawala.
05:37Emile?
05:38Maraming salamat, Mariz Umali.
Comments

Recommended