Gumuho ang waste dam ng isang minahan sa Bulacan. Nabalot tuloy ng mabaho at makapal na putik ang isang ilog kaya apektado ang kabuhayan ng mga residente.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Gumuho po ang waste dam ng isang minahan sa Bulacan na balutuloy ng mabaho at makapal na putik ang isang ilog kaya apektado ang kabuhayan ng mga residente.
00:11Nakatutok si Mariz Umali.
00:15Ganito kalinaw dati ang tubig dito sa Balaong River pati sa Verdivia Falls na matatagpuan dito sa barangay Talbak DRT Bulacan.
00:24Madalas din itong paliguan ng mga kapwa residente turista pero ang dating malakristal na tubig, nagmistulang dagat ng putik.
00:38Nitong October 26, bumigay ang waste dam ng Ore Asia Mining and Development Corporation.
00:43Yung mga laman niyang putik at tubig, tumapon po dito sa ilog namin.
00:47Ang waste dam po ay mga siltation po yun galing po dun sa mine camp and iba pong mga dumi na galing naman po sa kanilang gilingan po ng bato.
00:57So meron din kaming nakita trace ng parang langis.
01:02Bahagi po ito ng Balaong River dito sa barangay Talbak na labis na naapektuhan ang pagguho ng waste dam mula sa minahan dun sa barangay Kamatshin.
01:11Kung makikita po ninyo, kulay putik na at kahit ilang araw na raw na hindi umuulan dito, hindi pa rin lumilinaw.
01:19Pag lumapit, amoy bulok na isda.
01:22Dati napapaliguan pa raw yan.
01:23Pero dahil sa nangyari, nagbaba na rekomendasyon ng Municipal Health Office dito na huwag munang lumusong sa ilog.
01:30Bukod sa may mga muntikan daw maaksidente nang rumagasa ang putik mula sa minahan, sira na rin daw ang kanilang kabuhayan.
01:36Gaya po ng pagdatanim namin ng gulay, ginagamit po namin yung pang-spray, pampataba at saka pandilig.
01:45Tapos sa mga panggamit po namin dito sa bahay, kaya po simula nung lumabo po yan, hindi na po kami nakakakuha ng tubig.
01:53Kaya maaari pong mamatay din yung halaman namin.
01:57Base sa report ng Biak Nabato National Park.
01:59Yung kanilang hasang is napuno siya ng putik.
02:02Then bungaba din po yung oxygen level sa tubig.
02:05Tourist spot din ang lugar pero ngayon stop operations muna.
02:13Ang mas masaklap, pati kalusugan ng mga residente, apektado.
02:17Gaya ng 6 na taong gulang na batang ito na nagkaroon ng rashes.
02:21Sabi po namin mag-asawa, huwag ka maliligo.
02:24Pag dating namin sa ilog, nakita po namin siya, nakalublub na.
02:29Kanina nakita ko nga po puro rashes na yung dibdib niya at saka po yung paa niya.
02:33Makati po.
02:35Sa isang pahayag nagpaliwanag ang Ore Asia Mining and Development Corporation,
02:45kinumpirma nilang nagkaroon ng breach sa waste dam ng Minahan na nagresulta sa pagragasan ng putik sa Bacal Creek.
02:52Inaalam pa raw nila ang lawak ng pinsala.
02:55Agad daw nilang pinatigil ang operasyon ng planta at Minahan.
02:58Ang lahat ng equipment ay ginamit upang mapigil ang mas malawak pang magiging bunga ng insidente.
03:03Lahat daw ng kanilang mga trabahador ay nakatuon sa pagtatama sa nangyaring pagguho.
03:08Ang insidente ay iimbestigahan upang malaman ang tunay na sanhin ng pagguho at maiwasang maulit-mulit.
03:14At mananatili raw under close monitoring ang waste dam area.
03:18Ang lokal na pamahalaan ng San Miguel, Bulacan, na apektado na rin ang insidente, agad na pinulong ang lahat ng ahensya.
03:24Kaya naglabas na ng cease and desist order ang Environmental Management Bureau o EMB Region 3
03:30upang patawan ng temporary suspension ng Ore Asia Mining and Development Corporation.
03:35Nagsasagawa na rin daw sila ng imbestigasyon kasama ang lahat ng concerned government agencies at LGU
03:41upang maresolba at matukoy ang mga pagkukulang ng kumpanya sa naganap na mine tailing contamination.
03:47Para sa GMA Integrated News, Marise Umali na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment