00:00Nakaalerto ang LGU at Disaster Team ng Cebu City,
00:04bunsod ng matinding pagulan at pagbaha na naranasan sa lungsod.
00:08Nagsuspindi na rin ang pasok sa paralan.
00:11Ang ilang mga LGU sa lalawigan ng Cebu,
00:14si Nina Oliverio ng PGV Cebu sa Centro ng Balita.
00:20Sa video na ito sa social media,
00:23nakunan ang madamdaming pag-rescue ng isang lalaki sa kanyang alagang aso
00:27matapos akalain na tinangay na sa baha at buti na lang
00:30ay nakita niya itong naghihintay sa kanya sa gilid ng kasada
00:34na agad sumakay sa sidecar ng amo nito.
00:38Kabilang sila sa mga Cebuanong na-stranded matapos bumaha sa maraming lugar sa Cebu,
00:43bunsod ng pagbuhos na malakas na ulan,
00:45miyerkoles ng hapon.
00:47Pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa downtown area at sa ibang bahagi ng lungsod.
00:52Kinailangang lumikas ng mga residente matapos pasukin ang baha ang kanilang bahay
00:57na agad ding nirespondihan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:02Kaninang umaga, bagamat humung pa ng baha,
01:05dahan-dahan pa rin ang mga sasakyan sa pagdaan sa downtown area.
01:09Sa ngayon, patuloy pa rin ang ating mga otoridad mula sa Cebu City DRRMO,
01:14BFP at Fire Volunteer sa paglinis ng mga naungkat na malalaking puno,
01:18mabugson ng malakas na hangin kahapon upang hindi ito makasanhi ng kahit anumang disgrasya
01:24sa mga residente at mga motorista.
01:27Ngayong araw, agad nag-anunsyo ang lokal na pamalaan ng Cebu City
01:30ng suspension ng mga klase sa lahat ng antas,
01:33maging ang ibang mga LGUs sa Cebu dahil sa maula na panahon
01:37at nasa labing walong LGUs na rin ang nag-suspend ng mga klase ngayong araw.
01:41Ayon sa pag-asa Visayas, ang maula na panahon dito sa Cebu
01:45ay sanhi ng Habagat o Southwest Monsoon
01:47at asahan pa rin na maulan dito sa Cebu hanggang ngayong Sabado.
01:51Mula dito sa Cebu, ako si Nino Oliverio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.