00:00Sinimulan na rin ilikas ang ilang mga pamilya sa Tandag City sa Surigao del Sur,
00:05lalo na't unti-unti nang nararamdaman sa probinsya ang epekto ng Bagyong Tino.
00:11Si Angel Lobosa ng Radyo Pilipinas, Tandag, sa Sentro ng Balita.
00:17Nagsimula nang magparamdam ang Bagyong Tino dito sa Tandag City, Surigao del Sur.
00:22Simula kaninang umaga, wala nang tigil ang pagulan sa lungsod.
00:25Kaya naman, ang lokal na pamalaan, naglabas na ng executive order
00:29para i-activate ang kanilang Emergency Operations Center.
00:33Epektibo na rin simula pa kahapon ang No Sail and No Sea River Activities Policy sa lungsod.
00:38Ipinatutupad na rin ngayon ang pre-emptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa high-risk areas.
00:44Ang klase naman sa lahat ng antas na lungsod, suspendido na rin hanggang bukas.
00:49Pagtitiyak ng City Disaster Risk Reduction and Management Office,
00:53nakamonitor sila sa lagay ng panahon para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
00:58Paalala pa ng lokal na pamalaan, huwag magpapakampante lalo na sa mga lugar na madalas bahain
01:04at sumunod sa mga inilalabas na abiso ng pamalaan sa kanilang mga official social media page.
01:10Mula rito sa Tandag City para sa Integrated State Media,
01:13Angel Luisa Obosa ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.