00:00Patuloy ang pag-monitor ng pag-asa sa kilos ng Bagyong Crising.
00:05Itinaas na rin ang signal number one sa ilang lugar sa Luzon.
00:09Samantala, ayon sa pag-asa, posibleng umabot na sa Tropical Storm category ang Bagyong ngayong gabi.
00:16Yan ang ulat ni Rod Laguzad live.
00:18Rod.
00:22Pabalikan po natin maya-maya lang si Rod Laguzad.
00:25Nag-suspend din naman ng klase ngayong araw ang ilang lugar sa Cebu City dahil sa pagbahang dulot ng Bagyong Crising.
00:36Yan ang ulat ni Nina Oliverio na BTV, Cebu.
00:41Sa video na ito sa social media, nakunan ang madamdaming pag-rescue ng isang lalaki sa kanyang alagang aso.
00:48Matapos akalain na tinangay na sa baha at buti na lang, ay nakita niya itong naghihintay sa kanya sa gilid ng kasada.
00:55Na agad sumakay sa sidecar ng amo nito.
00:59Kabilang sila sa mga Cebuanong na-stranded matapos bumaha sa maraming lugar sa Cebu,
01:04bunsod ng pagbuhos na malakas na ulan, miyerkoles ng hapon.
01:08Pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa downtown area at sa ibang bahagi ng lungsod.
01:14Kinailangang lumikas ng mga residente matapos pasukin ang baha ang kanilang bahay
01:18na agad ding nirespondihan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:23Kaninang umaga, bagamat humung pa ng baha, dahan-dahan pa rin ang mga sasakyan sa pagdaan sa downtown area.
01:30Sa ngayon, patuloy pa rin ang ating mga otoridad mula sa Cebu City DRRMO, BFP at Fire Volunteer
01:36sa paglinis ng mga naungkat na malalaking puno bugso ng malakas na hangin kahapon
01:41upang hindi ito makasanihin ng kahit anumang disgrasya sa mga residente at mga motorista.
01:47Ngayong araw, agad nag-anunsyo ang lokal na pamalaan ng Cebu City ng suspension ng mga klase sa lahat ng antas
01:54maging ang ibang mga LGUs sa Cebu dahil sa maulan na panahon
01:58at nasa labing walong LGUs na rin ang nag-suspend ng mga klase ngayong araw.
02:02Ayon sa pag-asa Visayas, ang maulan na panahon dito sa Cebu ay sanhinang habagat o southwest monsoon
02:08at asahan pa rin na maulan dito sa Cebu hanggang ngayong Sabado.
02:12Mula dito sa Cebu, ako si Nino Oliverio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.