00:00Sa puntong ito ay kumuha naman po tayo ng updates sa mga operations sa isinagawa ng Philippine Coast Guard
00:05at ganoon na rin po ang updates sa mga stranded po nating mga kababayan sa Pantalan.
00:10Makakausap po natin sa linya ng ating telepono si Captain Noemi Kayabyab, ang tagapagsalita po ng PCG.
00:17Captain, magandang gabi po sa inyo, Diane Quirer po ito.
00:20Yes, Ma'am Diane, magandang gabi po at maraming salamat po sa oportunidad.
00:23Thank you again for joining us tonight, ma'am.
00:25Alright, Captain, update lamang po sa mga operations ay sinagawa po ng PCG.
00:30Unahin po natin siguro yung mga rescue operations patungkol po dun sa mga affected po ng mga residents na tinamaan po ng Bagyong Uwan.
00:38Yes, as to the rescue operations, evacuating operations po natin, nakapagtala po tayo ng halos 618,944.
00:46So dahil po sa laki po at lawak ng diametro na itong Bagyong Uwan, ay nakita po natin na simula por note, hanggang halos 618 po ay apektado po na itong Bagyong Uwan.
00:56At bukod po dyan ay habang papalabas na rin po itong Bagyong Uwan, ay patuloy pa rin po ang pagkakandak natin ng clearing operations at ang pagtulong po sa DSWD,
01:05particularly sa pagpapack at pagdidistribute po ng relief goods po natin para sa mga apektadong pamilya.
01:11At kaninang umaga rin po ay sinimula rin po natin yung programa ng Department of Transportation,
01:17yung libreng sakay sa mga possibly po na stranded ng mga communities po natin.
01:21And ngayon po ay patuloy pa rin po ang pagmamonitor natin sa mga pantalan.
01:26So as we speak po, meron pa pong 29 ports na minomonitor ang Philippine Coast Guard
01:31at meron pa rin pong 5,041 stranded passengers, particularly sa area po ng Matnog Port.
01:37Although lumiit na po, pero nakikita pa rin po natin na itong mga lugar na panggagalingan at pupuntaan at dadaanan po ng mga barko,
01:48ay ito po ay proceeding dahilan ng pag-stranded pa rin.
01:51Diyan mo niya tala pa rin po mga signal or yung mga jail warning.
01:54So bumaba na po yung number ng mga stranded passengers kasi early this morning 7,000 yung numbers ngayon ma'am.
02:00Nasa mga 5,000 na lamang.
02:02May mga pantalan pa rin po ba na wala pa rin pong clearance na makapaglayag po?
02:06Yes, meron pa rin po tayo sa NCR, sa Bicol.
02:11Meron pa rin po partly sa may southern Tagalog po.
02:14Pero ang nakita po natin nag-lift na ng kanila mga suspension ay ang area po ng Sambuanga
02:19kasi halos dalawang araw po nag-temporary suspend po sila ng kanila mga sea travel
02:25dahil medyo malakas po yung alon sa area na yan.
02:27So kanyang tanghali po, pati po ang area ng Cebu, northeastern Mindanao, western Desayas,
02:33sa eastern Desayas and southern Desayas, ay nag-lift na po ng kanilang mga suspension sa paglalayag po ng mga barko.
02:41Kung 5,041 stranded passengers, Captain, mga ano pong estimate natin na possible na po na sila ay makapunta na po sa kanila mga destination, ma'am?
02:49Ang ating naman polisiya sa Philippine Coast Guard kung bakit nagkakaroon po tayo ng stranded
02:55is kung ang barko po na panggagalingan, dadaanan at pupuntahan ay may nakataas pa rin pong signal.
03:01Pangalawa po na consideration sa tingin ng Philippine Coast Guard, kung ang pag-asa ay naglabas po ng mga gale warnings.
03:08So ibig sabihin po yan, kahit wala pong signal sa area po ng panggagalingan,
03:12at pero sa gitna po ng karagatan, ay medyo malakas pa rin po ang alon at malakas ang current.
03:18That's the time po that we temporarily suspend po yung mga sea travel.
03:22Pero once na mag-okay na po yung sea condition, we allow na po yung ating mga vessels to depart.
03:27Kasi iniiwasad rin po natin na magkaroon din po ng mga stranded passengers sa mga pantalan po natin.
03:32Alright, well Captain, nabanggit ko kanina yung mga rescue operations, even humanitarian and clearing operations,
03:39uma-assist po ang PCG. As of the moment, may mga rescue operations pa rin po ba?
03:43And saan po concentrated ito? Even po ba sa NCR, may mga isinagawa pong operations na ganito ma'am?
03:48Ang isinasagawa na po based sa record at report na natanggap po natin sa ating mga regional commands
03:53is more of clearing operations and pagtudong po sa DSWD sa pagkakandak po noong distribution ng mga family food pack
04:01at kasama na rin po sa ginagawa ng Coast Guard datin ngayon is yung pagbabalik po
04:06ng mga in-evacuate po natin individual sa kanila mga tahanan.
04:10So, based sa report po buong araw, nakita po natin yung Albay, Ilocosur.
04:14So, usually po sa parte po ng Nortes, nagsisimula na po silang magbalik ng ating mga in-evacuate na mga kababayan.
04:22Alright, ma'am. How about po mga maritime incidents? Ano pong mga na-monitor po natin patungkol po dito, ma'am?
04:28Yes, meron po tayong apat na fishing bank at motor bank na na-report na lumubog, no?
04:36Pero fortunately, ito naman po mga sakay ng mga motor bankers nito, halos 14 individuals, ay lahat po na-rescue ng Philippine Coast Guard.
04:45So, nakita po natin yung magandang pakikipag-unay rin po sa mga coastal barangays at yung mga kapwa po natin ng mga manging isda.
04:51Again, at the end of that, guys, ito po ang ating mga partners pagkating po sa itong mga response operations.
04:57So, lahat po ng mga na-report sa atin ng mga maritime incidents, lahat po ng kanilang mga sakay ay nailigtas po ng Philippine Coast Guard.
05:05Ito po yung sa area ng Davao del Sur, sa may San Vicente, Palawan, kasama po yung sa may Tabaco City.
05:11Alright, lahat naman po ay iligtas.
05:13Ma'am, naiulat po na aming correspondent kanina na si Luisa yung pagsadsad ng barko doon po sa area ng Batangas and Pangasina.
05:19Nararoon pa rin po yung mga barko?
05:21Yes, sa area po ng Lemery, nakausap po natin yung station commander.
05:26So, wala naman pong nakitang damage doon sa barko.
05:30Wala rin po tayong na-observe ng mga oil spill.
05:33So, ang plano po nila is ngayong gabi, once na mag-high tide po, ay i-extract na po itong barko na ito doon sa kanyang grounding position po.
05:42Alright, kamusta naman pong ating mga kawaninang PCG?
05:46Siyempre, ang safety rin po nila ay prioridad rin po ng PCG.
05:51Wala naman pong na-injure or nasaktan sa ating mga kawanin, ma'am, kasakasagsagan po ng kanilang pagtulong.
05:57Yes, wala pong nai-report.
05:59Ang naging direktiba naman po ng ating commandant at si Admiral Ronny Gilgavan is to always ensure,
06:05and the topmost priority is always the welfare of our personnel po.
06:08So, lahat po ng pangangailangan, pasama po yung mga rescue equipment and yung mga first aid kits,
06:16lahat po yan ay provided po sa ating mga tauhan.
06:19Meron po tayong nakastandby ng mga medical doctors, nurses, and medics.
06:23So, in case po nakakailanganin po ang ating mga personnel,
06:27ay ready to be deployed po sila at mag-render po ng necessary medical assistance.
06:30So, wala po tayong naitala na anumang untoward incidents sa ating mga responders.
06:34That's good to know.
06:35Alright, Captain, kaya panghuli na lamang po, maiba naman po ako dito po sa natang po ang Chinese rocket debris.
06:41Kumpirmado po ba ito ng PCG, ma'am? Ano po ang detalya po nito?
06:46Yes, meron po tayong nakita na isang rocket debris sa area po ng norte.
06:52Yan po ay noong November 9.
06:54So, initially, ang nag-report po sa atin, habang nagkakandak po ng information drive,
06:59itong ating mga tauhan, in preparation sa pagpasok ng bagyong uwan,
07:04meron po siya nakitang rocket debris along the coastline of Burgos, Ilocos Norte.
07:10So, ang ginawa naman po natin dito ay agad po natin in-inform ang MDRMC,
07:14kasama po yung Philippine Space Agency,
07:16at in-inform rin po natin yung mga kababayan within the coastal area
07:21na iwasan po munang dumapit kasi this rocket debris may contain po yung mga toxic substances po
07:28dito po sa rocket fuel.
07:30So, coordination po ang ginagawa po natin,
07:33and the Philippine Coast Guard intends to turn it over to Philippine Space Agency
07:37whilst na mag-okay na po ang panahon.
07:39Alright, maraming salamat po sa mga update at impormasyong inyo pong ibanahagi,
07:43ni Captain Noemi Kayabyab, ang tagapagsalita po ng Philippine Coast Guard.
07:47Salamat po ma.