00:00Huli sa akto kaya inaresto ang tatlong nagnanakaw-umano ng kable ng ilang CCTV
00:05na ginagamit sa No Contact Apprehension Program ng MMDA.
00:09Na-recover din sa isang junk shop ang mga nakuhang kable.
00:13Nakatutok si June Veneracion.
00:17June 20 nang nakawin ang kable ng mga CCTV camera ng MMDA sa EDSA Guadalupe Overpass
00:24na ginagamit sa NCAP o No Contact Apprehension Program.
00:28Hindi lang isa ang naputulong ng kable, kundi walong CCTV camera sa north at southbound lane.
00:36Natangay nila ang kable na may halagang 104,000 pesos.
00:40Limang araw ang lumipas, muling bumalik sa lugar ang mga nagnakaw.
00:50Nakakulong ngayon dito sa Makati City Police Station ang dalawang lalaki at isang babae
00:55na sangkot daw sa pagnanakaw ng kable ng CCTV camera ng MMDA.
00:59Sabi ng PNP, mga nangangalakal daw ang mga sospek.
01:03Na-recover mula sa isang junk shop ang mga kable na kanila umanong ninakaw.
01:07Positibo raw kinilala ng mga may-ari ng junk shop ang mga sospek.
01:11Alam naman natin na meron tayong anti-fencing law,
01:15pero nakikita kasi ng PNP yung pakikipagtulungan nila
01:19at naging instrumento din sila sa pag-solve ng krimen.
01:22Kaya po, maaaring hindi po sila makasuhan.
01:25Ang dalawang lalaking sospek ay nakasuhan na raw dati ng paglabag
01:28sa Comprehensive Dangerous Rags Act at pagkakasangkot sa illegal gambling.
01:33Sinampahan na sila ng reklamong theft,
01:35kaugnay ng pagnanakaw ng kable,
01:37at tumagi silang magbigay ng pahayag.
01:40Sa Skyway, sa bandang Pio del Pilar naman,
01:42isa ang arestado dahil sa pagnanakaw naman ng kable ng kuryente.
01:47Tinatayang nasa P25,000 na halaga ng kable
01:50ang kanya umanong nakuha.
01:52Ito po yung mga kable na naguugnay sa mga ilaw
01:56dun po sa ilalim po ng ating Skyway.
02:00Nakakulong din sa Makati City Police Station ang sospek.
02:03Sinusubukan pa naming makuha ang kanyang pahayag.
02:06Para sa GMA Integrated News,
02:08June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
02:12Nakakulong din sa Makati City Police Station ang sospek.