Mahigpit na ang seguridad sa NAIA kasunod ng inaasahang bulto ng mga pasahero bukas, bisperas ng Undas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00Mahigpit na ang siguridad sa NIA kasunod ng inaasahang bulto ng mga pasahero bukas, bisperas ng undas.
00:14Ang sitwasyon doon, alamin natin sa live na pagtutok ni Mark Salazar.
00:19Mark!
00:23Vicky, simula pa noong lunes, nadadagdaga na yung mga pasahero dito sa mga terminal ng NIA,
00:29pero bukas pa talaga inaasahan yung bulto ng mga plane passenger na sinasabing aabot ng 1.3 million ang dami.
00:37Yun ay para sa kabuuan na ng undas season.
00:44Sa mga passenger terminals, madalas ang pag-iikot kanina ng Explosives and Ordnance Division at K-9 units ng PNP.
00:52On duty naman at walang undas holiday ang airport operation staff.
00:56Dahil sa pagdagsa ng mga biyahero, lalo na bukas.
01:00Sa karanasan, kahit masikip, hindi naman daw napipigil ang mga Pilipinong bumiyahe,
01:05lalo na sa mga holiday na malalim ang cultural significance gaya ng undas.
01:11Si Lani, kung may budget nga lamang daw, hindi siguro siya inabot ng 6 na taon bago makabalik ng Negros para madalaw ang anak.
01:18May anak po kasi akong 2019, bali doon po siya namatay, sa Negros Oriental po.
01:27Naksidente po siya sa motor, 2019, bali 16 po siya nung time na yun, 16, grade 11 po.
01:36Espesyal naman ang uwi nila, Ronel, sa probinsya dahil 25 years nila itong pinlano pero hindi matuloy-tuloy.
01:43Eh, nami-miss din namin yung pinanggalingan namin yung lugar.
01:47Baka hindi mo nakilala yung mga tao doon?
01:48Hindi ko na, hindi ko nakilala.
01:50Hindi ko nakilala.
01:52Yung ibang kapatid ni mama, patay na rin po.
01:55Hindi kayo nakaka-uwi pag namamatay?
01:57Hindi po. Yung isa, hindi nga umabot nung undas, yung may sakit, namatay lang nung last month.
02:03Paalala lang na maging maaga sa airport para hindi maiwan ang biyahe
02:07at abalahin ng rebooking ang masayang uwi sa pamilya.
02:10Gaya ni Lanil na nasa Rojas City na dapat ngayon.
02:14Dahilan po na naligaw po yung driver namin, tsaka traffic.
02:20Nag-rebook po kami ng PAL, 4.50am na po.
02:24Check-in po muna sa hotel.
02:26Marami rin biyahero dito na in-advance na ang undas para makapag-stress relief sa pamamagitan ng gala.
02:33Karamihan Gen Z at millennial, gaya ni RJ.
02:35Nagsimula lang ito sa parang stress lahat, parang naisipan na mag-ano, kung paano magiging relax yung kanya-kanya.
02:45Kaya yun, naisipan namin na mag-book.
02:48Wala ba kayong mga patay na pupuntahan dapat sa undas?
02:51Meron naman. Nauna na, nagsindi na kami ng kandila bago umalis.
02:55Sinong may sabing pang Gen Z lang ang YOLO at deserve kong bumiyahe?
03:01Si Ophelia man daw ay late bloomer, at least may energy pa para bumawi.
03:06This is my gift for myself.
03:10Kasi I'll be 65 this December.
03:13Yeah, late bloomer.
03:15Maraming plans pero hindi natutuloy.
03:17Siyempre, budget, twice, priority ang family.
03:23Then, ngayon wala na akong ano.
03:26Siyempre, I have to give time to myself.
03:34Vicky, ulitin ko lang yung paalala natin sa mga pasahero na agahan nyo ang punta nyo rito sa airport.
03:41At bago kayo pumunta rito, i-double check nyo muna yung mga bagahe dahil baka may mahalagang wala pa doon.
03:47O kaya naman, nakapagdala ka ng ipagbabawal pala rito.
03:51Baka maabala ka pa sa security check.
03:53Vicky?
03:54Salamat sa tips, Mark Salazar.

Recommended