Skip to playerSkip to main content
Kaliwa’t kanan na naman ang sunog bago mag-Pasko tulad ng naganap sa Bacoor, Cavite kagabi at sa Mandaluyong nitong Biyernes. Bagaman karamihan ay dahil sa problema sa wiring, may mga dahil sa paputok o napabayaang kalan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kaliwat kanan na naman po ang sunog bago magpasko tulad ng nagrap sa Baco or Cavite kagabi at sa Mandaluyong itong biyernes.
00:07Bagaman karamihan ay dakil sa problema sa wiring, may mga dakil sa paputok o napabaya ang kalan.
00:13Nakatutok si Chino Gaston!
00:17Magpapaskong walang maayos na tahanan ang 55 pamilya matapos masunugan sa Sityo Bulate ng Barangay Dulong Bayan sa Baco or Cavite pasado alas 8 kagabi.
00:27Sin-safety ko lang po yung pamangin ko at saka yung mga papeles namin, papeles tapos yung gasol. Konti lang naman po yung safety namin.
00:37Mabilis, sobra. Wala na iligtas kahit ano. Mga anak ko, mga pamilya ko, prioritized. Yun lang naman.
00:46Number one na challenge natin doon sir ay yung kalsada. Talagang makipo.
00:50Pasado alas 10 na kagabi nang makontrol ang sunog na tumupok sa halos 400,000 pisong halaga ng ari-arian.
00:58Nitong biyernes lang ay nilamon din ng apoy ang tahanan naman ng 200 pamilya sa Barangay Pleasant Hill sa Mandaluyong.
01:05Patuloy ang imbestigasyon sa sanhinang apoy sa parehong lugar.
01:09Abot naman sa labinsyam ang naitalang sunog ng Bureau of Fire Protection o BFP dahil sa mga pailaw o paputok mula Enero.
01:17Pero karamihan daw ng sunog sa bansa ay dahil sa problema sa wiring o nag-overload na linya ng kuryente.
01:24Kasunod naman ang mga dahil sa napabayaang kalan, lalot maraming nagluluto ngayong kabi-kabila ang mga handaan.
01:29Meron pa lang kami na talaga or na-recorded na 16 related na sunog patungkol sa mga firecrackers and pyrotechnics.
01:38Habang compared to last year ay merong 39.
01:41So sa ngayon meron pang decrease of 58% pero hindi pa tapos ang taon.
01:47Electrical pa rin po ang based on our data.
01:50Electrical pa rin po ang talagang mas maraming coast ng sunog.
01:53At ganoon pa rin ang occupancy mas marami na banggit nyo nga ay residential.
01:59At mabilis nga talaga kumalat kung ito ay nangyari tulad doon sa Mandaluyong na dikit-dikit yung kabahayan.
02:05Kaya payo ng BFP ngayong kapaskuhan,
02:08huwag iiwang bukas ang Christmas lights kung walang may iiwang tao sa bahay.
02:13Mag-ingat din tuwing magluluto at huwag pabayaan ang mga kalan.
02:17Iwasan ang paggamit ng anumang uri ng paputok o kung di maiwasan,
02:21gamitin lang ang mga legal na paputok o pailaw.
02:24Bukod sa mga sunog, marami rin nasasaktan tuwing kapaskuhan.
02:28At sa pagsalubong sa bagong taon dahil sa mga ligaw na bala.
02:32Babala ng PNP sa mga polis at gun owners, may one-strike policy sila sa sino mang sangkot.
02:38Bukod sa maraming mahaharap sa kasong kriminal.
02:40Ayaw ng maulit ng PNP ang nangyari sa pagsalubong sa 2025
02:43kung saan isa ang namatay at isang nasugatan dahil sa mga ligaw na bala.
02:48Halos 800 naman ang nasugatan dahil sa paputok sa buong bansa.
02:52Para sa GMA Integrated News,
02:54Chino Gasto Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended