00:00Inagbawalan na ng Northern Police District na mag-detain at mag-imbestiga sa lahat ng substation ng Kaluokan.
00:08Kasunod yan ang pag-imbento-umano ng isang substation ng kaso laban sa isang lalaki.
00:15Nakatutok si Mark Salazar.
00:20Binalikan ni Northern Police District Director Jerry Protasio ang Kaluokan Police Substation 2.
00:26Dito'y kinulong si Jason De La Rosa ng tatlong araw simula July 22 kahit walang kasong nakasampa.
00:33Pumutok lang ang kanyang kwento nang mamatay sa leptospirosis ang kanyang anak dahil lumusong sa baha sa kahahanap sa kanya.
00:41Nung na-aristo siya, dinala rito sino yung naka-duty dito?
00:44Si Hepe.
00:45Si Hepe.
00:47Ang?
00:48Nandito.
00:49Mag-isa lang siya?
00:50Hindi ko.
00:51Agad napansin ni Protasio ang kakulangan sa tao.
00:54Sampu lang ang puli sa isang shift habang 62 barangay ang binabantayan.
01:00Dapat talaga mapagtunan ang pansin sa recruitment.
01:04Kung matatandaan, maraming nanawagan ang hustisya para sa ikinulong dito na si De La Rosa kabilang ang simbahan.
01:11Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ang Hepe ng substation 2 at ang dalawang umaresto kay De La Rosa.
01:18Ako'y nahingin ang pasensya sa pamilya ni Jason De La Rosa dahil ang nangyari ay kapabayan at may maling paglabag din sa batas ng ating mga kapulisan.
01:31Pero hindi pa man niya naririsolba.
01:34Dalawa pang pulis ng substation 2 ang mahaharap naman sa kasong administratibo.
01:38Dahil sa lumaba sa internal investigation ng NPD na nagsinungaling ng akusahan si De La Rosa ng pagkakasangkot sa sugal na Carae Cruz.
01:47Noong tinatanong ko siya, mayroon bang dinala na Jason De La Rosa sa substation 2 noong July 22?
01:55Wala daw. Wala rin record, yan ang problema natin.
02:00Tapos ngayon, July 25 mayroong nahuli sa Cara Cruz na si Jason De La Rosa na in-inquest nga nila.
02:09Mukhang may malina tayo dyan. May CCTV.
02:12Noong July 22 na si Jason De La Rosa na ahuli ng dalawang pulis ng substation 2.
02:18Record dyan, nandun sa CCTV, dinala na ang substation 2.
02:23Ang paniniwalaan ko dyan yung pulis na humulis.
02:26Dahil may record ng CCTV.
02:28Dinala sa substation 2, diba?
02:30O tinatanggi mo ngayon na walang dinala ron.
02:32May problema ka dyan.
02:33Para hindi na maulit, ipinagbawal na ng NPD ang mag-detain at mag-imbestiga sa lahat ng substation ng Kaloocan.
02:41Lahat ay sa Kaloocan City Police Station na ipoproseso.
02:45Ang problema, halos mapuno ang custodial center ng Kaloocan City Police Station.
02:51400 lang ang capacity nito pero may 347 ang nakakulong.
02:57At may paparating pang 128 mula sa substation sa North Kaloocan.
03:02Bukas, may ito turnover sa BJMP.
03:05Bibilisan natin yung commitment order na ilipat sila ng ilipat sa BJMP.
03:11Sa North, tinuhold ko muna na huwag mo nang dalin dito dahil masigip na nga.
03:16Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.