00:00Binahang ilang bahagi ng bansa dahil sa masamang panahon sa Iligan City, patay na ng matagpuan ng isang batang babae matapos anuri ng baha.
00:12Nakatutok si Rafi Tima.
00:17Ikinagulat ng ilang residente ng barangay Pakuan sa Lalibertad, Negros Oriental ang pagragasan ng tubig sa spillway.
00:24May ilang stranda dahil takot tumawid, pero may iba namang sinuong pa rin ang malakas na agos.
00:29Ayon sa kanilang kagawad, biglaan lang daw ang pagbaha sa kanilang lugar.
00:34Tumaas at rumagas rin ang tubig sa Gihulgan City.
00:39Nagmistulang malawak na ilog naman ang bahagi ng barangay Karidad sa lambayong Sultan Kudarat dahil sa pagbaha.
00:45Sa Iligan City, wala ng buhay ng matagpuan ang siyam na taong gulang na babae na inanod-umanun ang baha kahapon.
00:52Natagpuan ang kanyang mga labi sa Kilongko, Barangay Tubod.
00:55Kwento ng kanyang guro, pauwi na galing sa paaralan ng bata na mangyari ang insidente.
01:00Bigla raw lumakas ang buhos ng ulan.
01:02At ayon sa ilang residente, nadulas at lahulog ang bata sa kanal at natangay ng umapaw na tubig.
01:09Nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng midsayap sa Kotabato.
01:12Agad namang nagpadala ng heavy equipment ang LGU para linisi ng mga bara sa mga apektadong lugar.
01:17Halos mag-zero visibility naman sa ilang bahagi ng lalawigan dahil sa tindi ng ulan na sinabayan pa ng malakas na bugso ng hangin.
01:25Nagkaroon din ang power outage sa ilang bayan.
01:29Nakuha na naman kaninang hapon ang makapalat-maitim na mga ulap na yan sa bahagi ng NLEX.
01:33Maya-maya.
01:36Bumuhos na ang malakas na ulan.
01:40Nakaranas din ang pag-ulan ng ilang bahagi ng Metro Manila gaya ng Quezon City.
01:43Ayon sa pag-asa, easterlies at localized thunderstorms ang nagdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
01:51Para sa GMI Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments