00:06Itinuturing si dating House Speaker Martin Romualdes na central figure sa flood control scandal ng isang testigong humarap sa Sandigan
00:13Bayan.
00:13Sumalang sa witness stand si Assistant Special Prosecutor Joshua Tan ng Office of the Ombudsman na isa sa mga nag
00:20-imbestiga kay Romualdes.
00:21Ayon kay Tan, ang fraternity broad ni Romualdez na si Atty. Jose Raulito Paras ang front o nagkunwaring may-ari
00:29ng mga korporasyon at mamahaling ari-arian ni Romualdez na pinunduhan gamit ang kickback sa flood control projects.
00:36Si Paras ang may 99.9% shares sa Golden Peasant Holdings Corporation. Majority stockholder din siya ng Bright News
00:45Corporation.
00:46Ang dalawang kumpanya ang nakalistang may-ari ng mga mansyon sa Forbes Park na mahigit milyong piso ang halaga.
00:53Sa mga mansyon, idinideliver umano ang mga mali-maletang pera na para umano kay Romualdez.
00:59Iginiit ni Tan, walang kakayahan si Paras na bumili ng ganoon kamahal na ari-arian kaya isayan sa mga dahilan
01:07kung bakit naniniwala silang front umano ni Romualdez si Paras.
01:11Sa cross-examination naman ng abogado ni Romualdez, inaminitan na wala ang pangalan ng dating House Speaker sa mga dokumentong
01:18mag-uugnay sa kanya sa DPWH projects.
01:22Wala rin daw dokumentong magpapakitang nagbigay ng instructions si Romualdez kay dating House Appropriations Chairman Zaldico kaugnay sa budget insertions.
01:31Sinusubukan pang kunan ng pahayag si Paras.
01:34Dati nang iginiit ni Romualdez na wala siyang kinalaman sa flood control scandal.
01:44Wednesday latest, heartwarming ang pagsalubong ng Sparkle Family, kina Nicole Fortuna at Ethan Benares sa Outside World.
01:54Kasama sa nag-welcome sa kapuso evictis ng PBB Celebrity Collab 3.0,
01:59si na GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez,
02:03Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo at iba pang Sparkle Officers.
02:09Isa si Nicole sa pinakahuling lumabas sa bahay ni Kuya.
02:12Chika sa akin ni Nicole na one of her best experiences ang maging housemate.
02:17May mga nakalingin na raw siyang guestings and appearances at open din siya sa acting projects.
02:24Si Ethan naman nagahanda sa kanyang homecoming fan meet sa Bacolod sa December 8.
02:29Excited na raw siya to go back home.
02:34Ito na ang mabibilis na balita.
02:38Patay ang dalawang sundalo sa pamamaril ng Riding in Tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
02:43Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima ng dikitan at pagbabarili ng Riding in Tandem.
02:49Dead on arrival sa ospital ang mga biktima dahil sa tinumungtama ng bala sa katawan.
02:54Sa operasyon ng pulisya, katuang ang militar na aresto ang dalawang suspect at nasa kustudya ng Sultan Kudarat Police.
03:02Patuloy na inaalam ang motibo sa pagpatay sa kanila.
03:08Arestado ang tatlong Vietnamese na iligal na nagsasagawa ng surgical procedure sa Paranaque.
03:13Naaktuhan pa ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspect na nagsasagawa ng surgical procedure.
03:20Ayon sa CIDG, walang permit mula sa Professional Regulation Commission ang mga suspect.
03:25Isang pasyente raw nila ang nagsumbong tungkol sa operasyon.
03:29Walang pahayag ang mga suspect na maaharap sa reklamong paglabag sa The Medical Act of 1959.
03:39Buis-buhay na tinatawid ng mga residente ang Hilabangan River sa Tayasang Negros Oriental.
03:45Wala raw kasing tulay sa lugar para makatawid sila.
03:48Kaya araw-araw nilang hinaharap ang panganib para lang makatawid papunta sa kanilang trabaho.
03:53Kaya ang panawagan nila, magkaroon doon ng tulay.
03:58Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang lokal ng pamahalaan kaugnay sa hiling ng mga residente.
04:03Ito ang Rodrigo Roa Duterte.
04:11Tutol ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sweeping use o malawakang paggamit ng closed court session sa
04:19paglilitis ng International Criminal Court sa Custom Crimes Against Humanity laban sa dating Pangulo.
04:24Dito sa Pilipinas, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng mga anak ng dating Pangulo na kumistyon sa pag-aresto
04:31at sa pagdala sa kanilang ama sa The Hague, Netherlands.
04:35Balitang hatid ni Darlene Kai.
04:40Dahil nailipad na papuntang abroad at nasa kusturya na siya ng International Criminal Court o ICC,
04:45sinabi ngayon ng Korte Suprema na moot o wala nang saysayang Habeas Corpus petition na inihain ang mga anak ni
04:52dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:54Ibig sabihin ng Habeas Corpus ay hinihiling nilang iutos ng Korte na pisikal na iharap sa kanila ang dating Pangulo.
05:00Pero sabi ng Korte Suprema, hindi na ito maipatutupad dahil nasa kusturya na si Duterte ng International Criminal Court sa
05:06The Netherlands.
05:07Inihain ng mga petisyon ng magkakapatid na Congressman Pulong, Mayor Baste at Kitty Duterte, isang araw matapos arestuhin ang kanilang
05:14ama.
05:15Siyam na mahistrado ang bumotong pabor sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jopar Dimaampaw,
05:20habang apat ang kumontra at isa ang out-on official business.
05:23Pagdidiin ng Korte, sa Pilipinas lang pwedeng ipatupad ng writ of habeas corpus at hindi sa labas ng bansa.
05:29Na ayon man o hindi sa batasang nangyari, wala na raw control o kustodya ang mga otoridad sa dating Pangulo.
05:35Paglilinaw ng Supreme Court, ang pagbasura nila sa mga petisyong ito ay hindi raw nangangahulog ang sinasabi nilang legal ang
05:42pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:44o nawalang nalabag sa kanyang mga karapatan.
05:47Ang mga usaping yan ay dapat daw dumaan sa hiwalay na legal na proseso, hindi sa pamamagitan ng petisyon para
05:53sa habeas corpus.
05:54Pero may ibang opinion ng ilang mga maestrado.
05:57Sa kanyang concurring at dissenting opinion, bagamat dapat nga raw ibasura ang mga petisyon,
06:02sabi ni Senior Associate Justice Marvick Leonen,
06:05hindi siya sangayon sa kabiguan ng Korte Suprema na resolbahin ang tinawag niyang seryosong mga tanong
06:10tungkol sa saligang batas kaugnay sa kasong ito na maaari raw maulit.
06:15Nabiguraw ang Korte Suprema na bigyang gabay ang mga hukom, abogado o otoridad
06:19sa pagpapatupad sa saligang batas at sa mga obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Rome Statute.
06:24Para kay Leonen, walang international court warrant na maaaring ipatupad sa Pilipinas
06:29nang hindi dumaraan sa ating Korte.
06:31Hindi rin daw nabigyan si Duterte ng pagkakataong humarap sa local judicial authority
06:35alinsunod sa karapatan niya sa ilalim ng Rome Statute.
06:38Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Henry John Paul Inting,
06:42giit niya na hindi moot ang mga petisyon.
06:45Dahil isang legal question ang pagkisolba kung nasunod ba ang saligang batas
06:49sa ginawang pag-aresto at pagsuko kay Duterte sa ICC
06:52at hindi isyong politikal na pagdedesisyonan na lang ng mga ahensya ng gobyerno.
06:57Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Antonio Co.,
07:01iginiit niyang hindi pwedeng isuko ng gobyerno ang isang Filipino citizen
07:04sa isang dayuhang hukuman o magpatupad ng anilay extraordinary rendition
07:09na walang lokal na bata sa otoridad mula sa Korte.
07:12Kaya Anya, unconstitutional daw ang pagsuko kay Duterte sa ICC.
07:17Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang pahayag ng kampo
07:21ni Napulong, Baste at Kitty Duterte.
07:23Para naman sa abogado ni dating Pangulong Duterte na si Attorney Israelito Torion,
07:28hindi moot o walang saisayang petisyon ng magkakapatid na Duterte.
07:32Anya, kinu-question din kasi ng habeas corpus petition
07:35ang ginawa ng mga opisyal ng Pilipinas noong March 11, 2025.
07:39Kabilang ang pagharang sa dating Pangulo sa Naiya Terminal 3
07:42at pagdetain sa kanya sa Villamore Air Base bago ilipad papuntang The Hague, The Netherlands.
07:47Paglilinaw ni Torion, hindi siya abogado para sa ibinasunang habeas corpus petition.
07:52Abogado siya ng dating Pangulo at ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
07:56para sa isa pang nakabingbing petisyon na kumu-question din sa pag-aresto sa dating Pangulo.
08:01Kinakalang naman daw ng Administrasyong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
08:05Wala nang isang linggo bago magsimula ang child property ni dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague, The Netherlands.
08:12Ayon sa ICC, inaasahang magbibigay si Duterte ng plea sa Korte.
08:16Limang prosecution witness ang inaasahang tetestigo bagong Christmas break ng ICC sa December 18.
08:21Sa buong paglilitis, nasa isan daang testigo ang inaasahang ipatatawag.
08:26Giit ng ICC, presumed innocent until proven guilty ang dating Pangulo.
08:31The judges will ensure that the proceedings are conducted fairly
08:34and that the rights of all trial participants are respected.
08:39Let's be clear, the court's role is not to pursue any political objective.
08:44Rather, it's to determine through independent and impartial judicial proceedings
08:50whether the charges have been proven according to the law.
08:54Ayon pa sa ICC, mahigit limanda ang biktima ang inotorisan na lumahok sa proceedings
08:59sa pamamagitan ng common legal representatives.
09:02Depending on the circumstances of each individual,
09:06the judges may order protective measures
09:09to safeguard the security and the well-being of these witnesses.
09:14Tinutula naman ang defense team ng dating Pangulo
09:17ang anilay hiling ng prosekusyon na sweeping use.
09:20O malawak ang paggamit ng closed court session para sa kanilang mga testigo.
09:25Paglabag daw ito sa karapatan ni dating Pangulong Duterte sa public trial.
09:29Ayon sa prosekusyon, hiniling nilang special in-court security measures
09:33para protektahan ng kaligtasan, dignidad at privacy ng mga testigo.
09:37Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA News.
09:41I-appel around ang kampo ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:45na si Veronica ang desisyon ng Korte Suprema
09:47na ibasura ang habeas corpus petition na inihain niya at ng dalawa niyang kapatid.
09:52Ayon sa abogado ni Veronica Duterte na si Atty. Paolo Panelo,
09:55dismayado sila dahil bukod sa itinuturing na moot o wala nang saisay ang petisyon,
10:00hindi pa tinalakay ng Korte Suprema kung legal nga ba ang pag-aresto
10:04at pagdala sa dating Pangulo sa The Hague, Netherlands.
10:07Tila lumalabas daw na minamadali lang na mailabas sa Pilipinas ang dating Pangulo
10:12bago pa man makagawa ng aksyon ang mga korte.
10:22Isang babae ang natagpo ang patay sa isang abandonadong nga bahay sa Bacolod City.
10:27May mga tama ng bala ng baril sa dibdib at mata ang 32-anyos na biktima
10:31nang madiskubre ng pulisya sa barangay Banago kahapon.
10:34Ayon sa ilang residente, lunes ng gabi nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril.
10:40Kwento ng kapatid at syahe ng biktima, ilang araw nang hindi umuuwi ang kanilang kaanak
10:45na problemado umano sa kanyang mga anak.
10:48Napagaluman ng pulisya na dati nang naaresto ang biktima at kanyang asawa kaugnay sa iligal na droga.
10:55Nakalaya ang biktima habang nakakulong pa rin ang kanyang mister.
10:58Nasa pangangalaga na ng kaanak ng biktima ang dalawa nilang anak.
11:03Habang pinaampun na mano-mano ang isa pa bago pa ang pagpaslang sa biktima.
11:07Iniimbestigahan pa kung may kaugnayan sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.
11:12Hinala rin ng pulisya, drag din ang abandonadong bahay kung saan natagpuan ang biktima.
11:17Hindi nagbigay ng pahayag ang mga opisyal ng barangay Banago
11:20nang puntahan ng News Team.