Skip to playerSkip to main content
Saktong isa linggo na lang na ang natitira sa taong 2025. Kaya mula ngayon hanggang sa mga susunod na araw, babalikan natin ang malalaking isyung pinag-usapan at tumatak ngayong taon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, saktong isang linggo na lamang ang natitira sa taong 2025.
00:08Kaya mula ngayon, hanggang sa mga susunod na araw,
00:11babalikan natin ang malalaking isyong pinag-usapan at tumatak ngayong taon.
00:16Unakin natin ang breakthrough sa kaso ng mga missing sabongero
00:20na apat na taon nating hindi binitawan hanggang sa komantah
00:24ang isa sa mga akusado na unang nagsalita sa inyong lingkod.
00:29I-recap natin yan sa pagtutok kong ito.
00:34Hindi na kaya ng kutsisya ko.
00:36Ay pa ba?
00:38Mga tapon lang po.
00:40Ilang taon nang, unti-unting nauupos ang pag-asa ng mga kaanak ng 34 na nawawalang sabongero.
00:48Pero ngayong 2025, muling gumalaw ang kaso
00:51sa mga nabulgaro simula nitong junyo.
00:55Hindi na kaya ng kutsisya ko. Buong pamilya ko gusto pang patayin.
01:00Lumapit sa GMA Integrated News ang isa na dati nang isinasangkot
01:05na nooy hindi na muna nagpakilala.
01:07Sinagot niya ang tanong na matagal nang buwabag-abag sa kaanak ng mga nawawala.
01:12Buhay pa ba?
01:14O mga patay na?
01:16Mukhang wala mo. Nabuhay pa sila.
01:18Let's go!
01:19Matagal nang matagal!
01:21Bala sa sinapang kasalamat natin.
01:23Let's go!
01:25Idinitalya pa niya ang sinapit ng mga sabongero.
01:27Ano mabubuhay yan? Nakapaho na yan doon sa talik.
01:32Hindi lang anya 34 ang namatay, kundi mahigit isang daan.
01:36Kabilang ang dalawang minorde-edad na tagapagpatukalang ng panabong na manok
01:41na hindi na nakita matapos sumama sa amo.
01:45Kalaunan, nagpakilala siya bilang si Dondon Patidongan
01:49at binanggit ang motibo sa mga pagpatay na iniutos ng umano.
01:53Gumagawa ng kalukuhan niya doon sa loob ng sabongan.
01:56Tsope ang ginagawa. Iligal na gawaid sa sabongan.
01:59Isiniwalad din ni Patidongan ang mga nasaksiyan na tarinig niya sa pulong
02:02ng tinawag niyang Alpha Group, kung saan nabibilang ang ilang malalaking personalidad
02:08na nagpaligpit umano sa mga sabongero, kabilang ang isang negosyante.
02:13Si Mr. Atongang, siya yung chairman ng pitmaster.
02:16Siya ang pinaka-mastermind at siya ang naguutos na talagang iligpit yung mga yan.
02:25At isang artista.
02:27Si Ms. Gritzen Barito.
02:29So, 100% na may kinalaman siya at gawa na lagi sila magkasama ni Mr. Atongang.
02:35Mariing itinang din ni Atongang ang mga akusasyon.
02:38Malalaman nyo rin ng totoo. Lahat ng grupo namin, mga disenteng tao yan.
02:42Wala naman kami history na pumapatay ng tao.
02:45At sinampahan ang reklamo si Patidongan,
02:48pinabulaanan din ang kampo ni Barito ang mga paratang.
02:51His allegations against Ms. Barito is based on a suspicion, spekulasyon.
02:57Nanindigan si Patidongan sa kanyang mga paratang.
03:00Ilang araw makalipas ng kanyang pagkanta,
03:03inumpisan ng Philippine Coast Guard ang pagkahanap sa mga labi ng mga sabongero sa bahagi ng Taal Lake sa Laurel, Batangas.
03:11Sa unang araw pa lang, may nakuha ng sako ng mga buto sa gilid ng lawa.
03:14Kinabukasan, dalawa pang bag ang naiahon mula sa Taal Lake sa pagsisid ng mga diver ng PCG
03:22na sinundan ng dalawa pang sako sa sumunod na araw.
03:27Ang mga sakong na-recover, kinumpirma ng pulisya na may buto ng tao.
03:32Inukay din ang ilang bangkay sa sementeryo sa Laurel, Batangas.
03:35Ang kondisyon na mga katawan ang makuha ayon sa manager ng puleraryang naglibig.
03:40Mga tapod lang po, tapos may mga tama ng barel.
03:44Saan po?
03:45Laging ulo.
03:47Tapos nakatali ang pa?
03:49Yung iba po.
03:50Kasabay ng pagkahanap sa mga labi, inereklamo na ng Napolcom ang labing dalawang pulis na isinasangkot ni Patidongan sa kaso.
03:56Formal na rin naghahain ng patong-patong na reklamo, laban kaya na Ang, Pareto at dating PNP NCRPO Chief Jonel Estobo, ang mga kaanak ng mga sabongero.
04:07Do you think this investigation will be fair?
04:10I'm shocked.
04:12Si Ang naman, kasabay ng pagkahain ng kontra sa Laisaisa DOJ, ay hiniling ding ibalik ang kaso sa CIDG
04:18at nagsumitirin ng ebidensya para idiin umuno si Patidongan.
04:24Matapos ang preliminary investigation sa kaso,
04:27inerekomenda ng Justice Department bakasuhan ng kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention si Atong Ang.
04:34Dawid din sa inererekomendang kaso ng ilang pulis.
04:37Ibinasura naman ang reklamong inihain laban kay Pareto.
04:40Kasabay niyan, patuloy ang pagsuri sa mga butong nakuha sa Taal Lake.
04:45Ang laki po na pag-asa namin na makakamitan namin yung C-Shop.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended