00:00Kailang araw matapos ang hatol ng Bayan 2025, nananatili ang 24 hours operation ng PPCRV para tapusin ang bilangan ng boto.
00:09Ayon sa PPCRV, halos patapos na nilang iproseso ang mga voter turnout sa Luzon.
00:15Ang detalye sa balitang pambansa ni Rod Nagusad ng PTV Manila.
00:20Sa taya ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, aabot sa maygit 80% ang voter turnout sa 2025 national and local elections.
00:32Ayon kay PPCRV spokesperson Anna Singson, mataas ito para sa isang midterm elections.
00:50And a midterm election. But people seem excited about this particular election even if it's midterm.
00:58Una nang napansin ng PPCRV ang maagang pagboto ng mga residente nitong Lunes.
01:02Anya, iba ito sa mga nakarang eleksyon kusan kadalasan ang peak ng pila ay hapon.
01:07Pagdating naman sa mga natransmit ng election return sa transparency server ng PPCRV,
01:12ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM ang may pinakamababang transmission na nasa 74% lamang.
01:18Habang ang ibang mga reyon sa bansa ay nakapag-transmit na ng higit 94%.
01:23Pinakamataas dito ay mula sa Central Luzon na sinunda ng Ilocos Region at local absentee voting na pawang nasa 99% na ang nai-transmit.
01:31Sumunod dito ang Davao Region at National Capital Region na parehong nasa higit 98% na.
01:37Batay sa kanilang datos, nasa 12,155 physical election returns na ang kanilang natanggap sa command center.
01:45Mula ito sa National Capital Region at ilang bahagi ng Luzon,
01:47habang ngayong araw ay kanilang inaasa ng mga ER mula sa Cebu at Iloilo.
01:52Ayon sa PPCRV, mananatili ang kanilang 24 hours operation sa kanilang command center dito sa Maynila hanggang ngayong araw May 15,
02:00habang mula May 16 ay 9am hanggang 9pm na lang ang kanilang operasyon.
02:05Nanawagan naman ng PPCRV ng karagdagang volunteer para sa kanilang isanasagawang unofficial parallel count.
02:11Mula sa PTV Manila, Rod Lagusad, Balitang Pambansa.